Ai-Ai, inilahad ang karanasan nila ng alagang aso sa coffee shop

Posted by

Ai-Ai delas Alas, may mungkahi tungkol sa pagbabawal ng pets sa coffee shop.

ai-ai delas alas pet dog sailor

Ai-Ai delas Alas writes an open letter to the management of a famous coffee shop after her experience with her pet dog Sailor in one of its branches.
PHOTO/S: Ai-Ai delas Alas Facebook

Gumawa ng open letter ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas para sa pamunuan ng Starbucks dahil sa naging karanasan niya sa branch ng multinational coffee chain sa Don Antonio, Quezon City.

Nagbigay siya ng mungkahi sa pamunuan ng Starbucks na lakihan ang paalaalang ipinagbabawal sa loob ng kanilang coffee shop ang pets.

THE INCIDENT

Nangyari ang insidente habang malakas ang buhos ng ulan nitong Sabado ng tanghali, Hulyo 19, 2025.

Nagpunta si Ai-Ai sa Starbucks Don Antonio para ibili ng pagkain ang kanyang driver at personal assistant.

Nang pumasok daw si Ai-Ai sa loob ng coffee shop, hindi niya napansin ang babala na bawal ang pets kaya kampante siyang isinama ang pet dog niyang si Sailor, isang Pekingese.

Nakasakay sa stroller si Sailor, na parang tao rin ang kanyang trato.

 

sailor ai-ai delas alas pet dog

Sailor, Ai-Ai delas Alas’s pet dog, inside a stroller. 
Photo/s: Courtesy of Ai-Ai delas Alas

Maraming inumin at pagkain ang in-order ni Ai-Ai.

Habang hinihintay niya ang mga kasama, pumuwesto raw siya sa isang mesa.

Pero bigla raw tumahol ng isang beses si Sailor dahil nakarinig ito ng malakas na tunog.

Lahad ni Ai-Ai sa Cabinet Files: “Nakaupo ako, nanonood ako ng Netflix sa phone ko.

“Nasa tabi ko si Sailor tapos nakarinig siya ng bell, tumahol siya ng one time lang, pero walang masyadong kostumer sa coffee shop.

“Nilapitan na ako ng staff, ‘Ma’am, bawal po ang dog dito.’

“Sabi ko, ‘Ha? Thirty minutes na akong nakaupo dito, naka-order na ako’t lahat, hindi ninyo sinabi sa akin?

“’Di ba dapat pagpasok ko pa lang sinabihan niyo na ako dahil ang laki ng stroller ng aso ko?’

“Sumagot siya ng “Wala po ako masasabi tungkol diyan.’

“So, sabi ko, ‘Ah, okay sige.’ Natural, lumabas ako.

“Pero sinabi ko sa kanila, ‘Bakit hindi ninyo sinabi agad? Kanina pa ako rito. Pina-order niyo pa ako ng marami.’

“Sabi niya, ‘Kasi po tumahol eh.’

“Ang point ko, sana sinabi nila noong una pa lang para hindi na ako nag-order at nagpunta na lang ako sa ibang establishments na puwede.”

Iginiit ni Ai-Ai na malumanay ang kanyang boses nang lapitan at kausapin siya ng empleyado ng coffee shop.

Kahit malakas ang buhos ng ulan, napilitan si Ai-Ai na umalis.

Habang nakatayo siya sa labas ng coffee shop, isang security guard ng katabing establishment ang lumapit daw sa kanya at pinaupo siya sa isang silyang bakante.

Kinunan ni Ai-Ai ng litrato ang “no pets allowed sign” ng Starbucks para patunayang hindi talaga ito pansinin at hindi agad mababasa dahil sa gilid nakalagay.

starbucks signage ai-ai delas alas

The signage outside the Starbucks branch in Don Antonio, Quezon City, saying pets are not allowed inside the coffee shop. 
Photo/s: Courtesy of Ai-Ai delas Alas

SAILOR IS A REGISTERED SERVICE DOG

Ibinahagi rin ni Ai-Ai sa Cabinet Files ang dokumentong nagpapatotoo na registered service dog si Sailor, bilang sagot sa mga nagkomento sa kanyang post na baka hindi service dog ang alaga niya.

Sabi ni Ai-Ai: “Registered as service dog si Sailor kaya nakakapasok siya sa mga coffee shop at restaurant sa Amerika.

“Kapag nahuli ka na nagpapanggap na service dog ang aso mo, magbabayad ka ng US$1000.

“Kapag service dog naman ang pet mo at hindi pinapasok, federal offense yon.”

sailor service dog certification

Sailor’s certification as a service dog 
Photo/s: Courtesy of Ai-Ai delas Alas

Nilinaw ni Ai-Ai na mungkahi at hindi pagrereklamo ang open letter na ipinadala niya sa pamunuan ng Starbucks Philippines para maiwasan ang kalituhan at hindi na mangyari sa ibang pet owners ang kanyang karanasan.