Cedrick Juan, bagay gumanap na kontrabida sa drama series ni Dingdong Dantes.
Cedrick Juan, with wife Kate Alejandrino and their baby, on fatherhood: “Lifetime adjustment pero masaya. Kasi as in 360-degree yung adjustment, pero masaya.”
PHOTO/S: Cedrick Juan Facebook / @cuddlebunnyph
JERRY OLEA
Pinost ni Cedrick Juan ang ilang litrato nila ni Kate Alejandrino kasama ang kanilang baby nitong Hulyo 21, 2025, Lunes ng gabi, sa Facebook.
Ani Cedrick, “Isang buwan simula nagbago ang takbo ng mundo dahil sa inyong dalawa… Pinakamasuwerte ako dahil sa inyo.”
Nakatsikahan ng PEP Troika si Cedrick sa launch ng Cignal Play Microdrama launch noong Hulyo 16, Miyerkules, sa Cignal Launchpad Lobby ng TV5, Reliance St., Mandaluyong City.
CEDRICK JUAN ON FATHERHOOD
Noong araw na iyon ay one month and two days old na ang baby nila ni Kate. Kinumusta namin sa kanya ang fatherhood.
“Lifetime adjustment pero masaya. Kasi, as in 360-degree yung adjustment, pero masaya,” nakangiting sambit ni Cedrick.
Kumusta ang baby nila?
“OK naman.”
Mahirap ba ang pagiging ama, lalo pa’t may trabaho siya?
“Feeling ko, adjustment lang talaga. Na-anticipate ko naman siya. So far, so good,” sey ni Cedrick.
VERTICAL DRAMA SERIES
Kasama si Cedrick sa 46-episode vertical drama series na I See You, kung saan tampok din sina Dimples Romana, Joem Bascon, Pearl Gonzales, Glenda Garcia, at Zion Cruz, sa direksiyon ni Crisanto Aquino.
Ang tatlo pang Pinoy vertical drama series na mapapanood sa Cignal Play Microdrama ay Baker’s Heart nina Paulo Angeles at Queenay Mercado, 3 Queens and a Baby nina Christian Bables at Daniela Stranner, at My Father’s Last Wish nina Dylan Menor, Johnny Revilla, Gerald Madrid, Alex Medina, at Dawn Chang.
NOEL FERRER
Cedrick Juan may be very busy but he now knows kung bakit siya nagpapaka-busy — at iyan ay dahil sa kanyang bagong pamilya.
I want to see Cedrick in more significant movies and again back to theater with a material that he can really be proud of!
Basta, proud tayo at laging nakasuporta sa magaling at mabuting artist tulad ni Cedrick.
GORGY RULA
Iniiba talaga ng fatherhood ang focus sa buhay.
Si Zanjoe Marudo nga, sobrang nae-enjoy na niya ang pag-aalaga sa baby.
Kabisado na raw ni Z ang lahat na pag-aalaga sa baby, pagpalit ng lampin, at nataehan na rin daw siya ng baby niya. Pero na-enjoy niya nang husto yun.
Malamang si Cedrick Juan ay mae-enjoy rin niya iyan. Pero sana mas ma-enjoy pa natin ang galing ni Cedrick.
Pagkatapos niyang magwaging MMFF 2023 Best Actor dahil sa galing niya sa GomBurZa, namili pa siya kung alin ang magma-manage sa kanya.
Pinili niyang pumirma sa Media Quest, pero hindi gaanong napansin ang mga nagawa niya sa TV5.
Gumawa siya ng pelikula, at huli ko siyang naalala sa Cinemalaya 2024 film na Gulay Lang, Manong.
CEDRICK JUAN IS FIT FOR DINGDONG’S DRAMA SERIES
Sana mabigyan siya ng isa pang pelikulang magmamarka talaga at muling magpapatunay sa galing niya bilang aktor.
Kung puwede lang, mapasama sana siya sa isang drama series sa GMA-7 para makipagtagisan sa ilang magagaling na Kapuso stars.
Nakikita ko kasing bagay siyang magkontrabida o isang mahalagang role sa gagawing drama series ni Dingdong Dantes.
Para may bago naman tayong napapanood sa mga serye ng Kapuso network. Hindi yung sila-sila pa rin.
Kailangan natin ng mga bagong gaganap sa mga susunod na drama series ng GMA-7. Mas swak sana talaga riyan si Cedrick Juan.