Comedian Bayani Casimiro Jr. dies at 57

Posted by

Bayani Casimiro Jr. was best known for his role as Prinsipe K OK Ka, Fairy Ko.

bayani casimiro jr. dies

Comedian Bayani Casimiro Jr., best known for his role as Prinsipe K in the defunct sitcom Okay Ka, Fairy Ko, passes away on July 25, 2025. He was 57.
PHOTO/S: Files

Pumanaw na ang dating komedyanteng si Bayani Casimiro Jr. dahil sa cardiac arrest noong Hulyo 25, 2025.

Siya ay 57.

Kinumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kapatid ni Bayani Jr. na si Marilou Casimiro ang pagpanaw ng komedyante.

Ang tunay na pangalan ni Bayani Jr. ay Arnulfo “Jude” Casimiro, na isinilang noong Agosto 15, 1967.

Anak siya ng pumanaw na ring veteran comedian na si Bayani Casimiro, na tinaguriang “Fred Astaire of the Philippines.”

Bukod sa kanyang screen name, nakilala si Bayani Jr. bilang Prinsipe K o Prinsipe Kahilingan, ang karakter niya sa defunct sitcom na Okay Ka, Fairy Ko na pinagbidahan ni Vic Sotto.

Napanood ang Okay Ka, Fairy Ko sa IBC 13 (1987-1989), ABS-CBN (1989-1995), at GMA-7 (1995-1997)

Si Bayani Sr. ang original cast member ng Okay Ka, Fairy Ko.

Nang pumanaw si Bayani Sr. noong Enero 27, 1989, idinagdag sa cast si Bayani Jr. at ibinigay sa kanya ang papel ni Prinisipe K.

Mahigit sa sampung pelikula at apat na programa sa telebisyon ang mga naging proyekto ni Bayani Jr. bago siya tuluyang nawala sa sirkulasyon.

Nanatiling binata si Bayani Jr. dahil hindi siya nagkaroon ng asawa at anak.

BAYANI CASIMIRO JR.’S FUNERAL DETAILS

Nakaburol ang mga labi ni Bayani Jr. sa St. Peter’s Memorial Chapel sa Sucat, Parañaque City.

Nakatakda sa Hulyo 30 ang kanyang cremation at libing sa Loyola Memorial Park, sa Parañaque City.

Hinihiling ng kapatid ni Bayani Jr. na si Marilou na maiparating kay Vic Sotto ang pagkamatay ng dating komedyante.

Malaki ang naging kontribusyon ni Vic sa pagkakaroon ng showbiz career ng sumakabilang-buhay na komedyante.

Hinihiling din ni Marilou na mabigyan ng bulaklak ang kanyang yumaong kapatid dahil halos walang makikitang bulaklak sa burol nito.