Eat Bulaga! declares Rochelle Santos as the true winner.
Dulce’s clone, Rochelle Santos, is the true winner of Eat Bulaga’s “OPM Female Clones.”
PHOTO/S: Screengrab Eat Bulaga! TVJ on YouTube
Ikinagulat ng mga manonood at netizens ang pag-amin ng Eat Bulaga! na nagkamali sila sa pag-anunsiyo sa resulta ng “OPM Female Clones,” ang sikat ng singing competition ng programa.
Noong Sabado, July 19, 2025, naganap ang grand finals ng “OPM Female Clones,” kunsaan si Rachel Clemente, ang kaboses ni Sharon Cuneta, ang itinanghal na grand winner.
Second placer naman ang kaboses ni Dulce na si Rochelle Santos, habang ang kaboses ni Claire dela Fuenta na si Jazharra Ungui ang third placer.
EAT BUALAG! reveals true “OPM Female Clones” winner
Apat na araw matapos tanghaling grand winner si Clemente ay ipinagtapat ng longest-running noontime show sa bansa na nagkami sila ng pag-anunsiyo.
Si Allan K ang nagsalita sa ngalan ng lahat ng hosts at production staff ng Eat Bulaga!.
Bago magsimula ang “OPM Male Clones” qualifying round nitong Miyerkules, July 23, humingi ng paumanhin si Allan sa kanilang pagkakamali.
Ayon kay Allan K, hindi si Clemente ang tunay na nagwagi.
Base raw sa judges’ score ay nasa ikatlong puwesto lamang si Clemente.
Ikalawa si Ungui, at ang tunay na nagwagi ay si Santos.
(L-R) Jazharra Ungui, Rochelle Santos, Rachel Clemente.Â
Photo/s: TVJ Facebook
Pahayag ni Allan K: “Habang may panahon tayo na ituwid ang isang pagkakamali, gagawin po natin yan.
CONTINUE READING BELOW ↓
PBB COLLAB SEPANX? Here’s what happened at the Sparkle PBB Grand MediaCon | PEP #shorts
“Higit po ang aming pagpapahalaga sa desisyon ng mga judges noong Sabado [sa] grand finals ng ‘OPM Female Clones.’
“Pitong mahuhusay at pinagpipitagang pangalan sa industriya ang pumili sa karapat-dapat na manalo noong Sabado.”
Ang tinutukoy na pitong hurado ni Allan K ay sina Jimmy Antiporda, K Brosas, Sheryn Regis, Mitoy Yonting, Lani Misalucha, Fe delos Reyes, at Mitch Valdes.
Pagpapatuloy niya: “Based on judges scores, ito po ang winners noong Sabado.
“Second runner-up, Rachel Clemente, ang ka-voice ni Sharon Cuneta.
“Ang first runner up po ay si Jazharra Ungui, ang ka-voice ni Claire dela Fuente.
“[Malaki] po ang aming paghanga sa dalawang ito, kasama ang iba pang grand finalist.”
Matapos ipakilala ni Allan K ang runners-up na sina Clemente at Ungui, tinawag niya si Santos na hudyat ng paglabas at pagkanta ng winning piece niyang “Ako ang Nasawi, Ako ang Nagwagi.”
Allan K addresses results mishap
Matapos kumanta ni Santos at maianunsiyo na siya talaga ang nagwagi sa singing competition ay tinanong ni Joey de Leon si Allan K kung ano ang totoong nangyari.
Sabi ni Joey, “Siya talaga ang nagwagi, pero nasawi dahil sa pagkakamali… Ano ba talaga ang nagyari?”
Sa puntong ito ay ipinaliwanag ni Allan K na dahil sa pagkapalit-palit ng cue card ay nalito sila sa pagtukoy kung sino ang totoong nanalo.
Gayunpaman inihihingi raw nila ito ng paumahin, kalakip ang pangakong hindi na ito mauulit.
Paliwanag ni Allan K, “Ang nangyari po kasi, noong Sabado, e, nagkapalit-palit ang mga pangalan sa cue card during the announcement of winners.
“Parang Steve Harvey na ano, basta.”
Ang “Steve Harvey” na tinutukoy ni Allan ay ang maling pag-anunsiyo ng American host ng nanalong Miss Universe noong 2015. Sa halip na si Pia Wurtzbach ng Pilipinas ang idineklara niyang nanalo ay si Ariadna Gutierrez ng Colombia ang tinawag niya.
Pagpapatuloy ni Allan K: “Humihingi kami ng paumanhin, pag-unawa sa mga contestant, at Dabarkads na sumubaybay noong Sabado na naapektuhan sa isang pagkakamali na hindi naman po sinasadya.
“Sino ba naman ang may gusto na mangyari iyon di ba?”
Dagdag niya, “Umasa po kayo na the show will always value integrity, honesty, and fairness in all competitions and decisions.
“Gaya ng sinasabi lagi, ‘Tao lang, nagkakamali!’ Ang mahalaga, sa anumang larangan ng buhay ay maitama natin ito at mas matuto pa araw-araw.”