“Please, huwag akong gagayahin.”
Para kay Ryan Hernandez, chill lang dapat ang buhay college. Pero may naging realizations siya nang kumuha na ng board exam. “I really thought I was not trying my best and will not make it, yet passed. I have always been lucky, pero grabe ito!” (Photos courtesy of Ryan Hernandez)
Isa si Ryan Daniel Hernandez sa mga pumasa sa 2023 Psychometrician Licensure Examination na isinagawa last August 1 and 2.
Lumabas ang resulta noong August 9.
Sa kanyang Facebook post noong August 10, ibinahagi ni Ryan ang kanyang naging board exam journey.
Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Psychology sa Laguna State Polytechnic University-Los Baños Campus noong 2022.
Pagbabahagi ni Ryan, “Ayan lang. Flex ko na lang itong mga eksena during my review journey.
“Nakakagala, puma-party, umiinom at may time para mag-leisure. As if wala akong boards na pinaghahandaan.”
Sa kasamaang palad, 20 days bago ang board exam ay naospital siya.
Sabi ni Ryan sa sarili, “Hindi na ako magte-take.”
Aminadong magulo ang kanyang utak, 10 days before the board exam ay nagpasya siyang itutuloy na lang ang pagkuha.
KINAPOS NG ORAS SA REVIEW
Sabi pa ni Ryan, nag-cram siya sa pagre-review, at sa subject na Industrial Psychology ay limang araw lang siyang nakapagrepaso.
“And mind you, as in zero knowledge ako kasi di ko siya pinapansin. Pinansin ko lang nung last minute na.”
Paalala niya sa ibang kukuha ng board exam, “Please, huwag akong gagayahin.”
Nag-allot naman siya ng tatlong araw para sa subject na Psychological Assessment.
Pagtatapat pa ni Ryan, “Last two days before the board exam, literal na remix kasi dalawang subjects ang pinagsasabay ko in one sitting kasi ngarag na talaga.”
LAGING MASUWERTE, PERO GRABE RAW ANG PAGPASA NIYA
Isa pang pagsubok ang pinagdaanan niya, “Nag-breakdown ako kasi nakatulog ako the night before ng second day of exam, which is supposedly last minute review ko sa I.O.”
Kaya naman nagulat si Ryan nang lumabas ang resulta ng board exam.
“So, ayun lang. Biggest ‘WTF’ moment of my life itong results ng board exam because I really thought I was not trying my best and will not make it, yet passed.”
Biro pa niya, “I have always been lucky, pero grabe ito!”
Pahabol pa ni Ryan sa kanyang post, “Also, let me be the inspiration para sa mga tamad, gala, at eme-eme nung college.
“Your performance nor your grades in college doesn’t define you completely. Some of us just want to have fun while surviving at the same time in college.
“Mag-inom na kayo, mag-party na kayo, gumala na kayo with your friends. Enjoy it while it lasts.”
Dahil naman sa kanyang pagpasa sa naturang board exam, ang goal ni Ryan sa kanyang next life update dahil gusto niyang i-pursue ang medisina, “Doctor na ako.”
At hindi lang ito. Wish din niya na, “Topnotcher ako sa physician board exam.”