Netizen: “Aldub comeback po ba ito? Manifesting.”
Eat Bulaga! excites fans with a teaser showing a “Tamang Panahon” banner, an apparent reference to its phenomenal hit “Kalyeserye” segment.
PHOTO/S: Screengrab TVJ on Facebook
Magkahalong kilig at excitement ang nararamdaman ng legit Dabarkads matapos maglabas ng video teaser ang Eat Bulaga! na may nakasulat na “Tamang Panahon.”
Noong Lunes, July 7, 2025, nagsimula nang ilabas sa TVJ social media pages ang graphic clip ng isang ladder o hagdanan, kalakip ang mensahe nitong “Practice lang muna.”
Noong July 9, isang teaser video muli ang lumabas kunsaan may tanong na: “Naniniwala ka ba sa FOREVER?”
Pagdating ng Huwebes, July 10, muling nag-upload ang TVJ ng isang video teaser.
Dito maririnig ang boses ni Lola Nidora, ang karakter ni Wally Bayola sa sikat na segment noon ng Eat Bulaga! na “Kalyeserye.”
Nagpadagdag pa sa excitement ng fans ang pagbanggit ni Lola Nidora na, “Secrets will be revealed sa tamang panahon.”
IS THIS THE RETURN OF Kalyeserye?
Dahil sa halos magkakasunod na teaser, kanya-kanyang hula ngayon ang netizens kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.
Bagamat wala pang binabanggit na detalye, umaasa ang marami na hudyat ito ng pagbabalik ng “Kalyeserye,” kasabay ng anibersaryo ng longest-running noontime show sa bansa.
Sa June 30, ipagdiriwang ng Eat Bulaga! ang kanilang ika-46 anibersaryo.
Komento ng isang netizen (published as is), “Lumaki mata ko sa ‘Tamang Panahon!’ Mukhang pahiwatig ito sa pagbabalik ng Kalyeserye .”
Sabi ng isa (published as is), “JULY is the month of Eat Bulaga. And they have the most successful segment which is KALYESERYE. Sana kahit once, magsama sama ulit ung mga iconic characters like nung tatlong lola, and YayaDub.”
Saad pa ng isa (published as is), “Walang masama kung may kalyeserye 2.0. Kahit naman may sari-sarili ng buhay ang tambalang aldub, hindi na mabubura sa kasaysayan ng telebisyon ang malaking kasiyahan sa napakaraming pilipino noon.”
“Aldub comeback po ba ito? Manifesting,” dagdag pa ng isa.
Ang makasaysayang “Kalyeserye” ay isang romantic comedy series na ipinapalabas noon nang live sa isa pang segment ng noontime show na “Juan for All, All for Juan.”
Sa “Kalyeserye” sumikat nang histo ang tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza, na unang nakilala bilang si Yaya Dub.
Alden Richards and Maine Mendoza popularized the iconic pabebe wave.
Photo/s: Eat Bulaga!
Nagmistulang mini-skit ang “Kalyeserye” tampok ang pagliligawan nina Alden at Yaya Dub (Maine) nang magkalayo.
Si Alden ay pirming nasa Eat Bulaga! studio, habang si Maine naman ay paiba-iba ng lokasyon depende sa pupuntahang lugar ng “Juan for All, All for Juan,” kasama sina Wally, Jose Manalo (Lola Tinidora), at Paolo Ballesteros (Lola Tidora).
Bagamat nagliligawan, ipinapakita rin ng segment ang kahalagahan ng respeto sa mga nakatatanda at paghihintay sa mga inaasam nating dumating sa “tamang panahon.”
Nagsimula ang “Kalyeserye” sa Eat Bulaga! noong July 16, 2015. Kaya 10th anniversary na ng kinabaliwang segment na ito sa darating na July 16.