Kris Aquino updates IG followers about her condition.
Kris Aquino to netizens praying for her recovery for her sons Joshua and Bimby Aquino: “I love my sons and they aren’t ready to lose me—especially Bimb who just turned 18. Thank you for loving me.”
PHOTO/S: Courtesy: @dindo.m.balares / @krisaquino on Instagram
Muling nagparamdam sa kanyang Instagram followers si Kris Aquino sa pamamagitan ng isang photo post nitong Linggo ng gabi, July 20, 2025.
Dito ay ibinalita niyang nasa maayos nang kalagayan ang bunsong anak na si Bimby Aquino matapos nitong makaranas ng sobrang pananakit ng tiyan.
Sinabi rin ni Kris na nagdulot ng epekto sa isang autoimmune disease niya, ang rheumatoid arthritis, ang klimang dulot ng bagyo.
Lahad ni Kris, “Bimb’s finally healthy after having a bad case of the stomach flu. The typhoon made my rheumatoid arthritis HURT so much (it’s hard to explain the other autoimmune diseases I have as well as the 2 recently diagnosed diseases because of my multiple autoimmune diseases).”
Kahit may dinaramdam, nakuha pa ring magpangiti ng kanyang Instagram followers si Kris dahil ibinalita niyang magkakaroon ng Instagram takeover si Bimby para masagot ang ilan nilang katanungan.
Dagdag ni Kris, “Let’s have fun. Bimb will soon take over my IG (with me checking before he posts)… get to know us because we are very different people now.
“At 11 PM we’ll answer the questions we find intriguing and worth answering. Walang bastusan, please? Like this post & follow us?”
Caption niya sa post, “Bimb and I are ready… are you?”
KRIS SAYS SHE’S LEARNING HOW TO WALK AGAIN
Sa comments section, sinabi ni Kris sa isang netizen na hindi lang para mabuhay kundi dahil sa pagmamahal niya sa dalawang anak ang kanyang pagnanais gumaling.
Sa tingin ni Kris, hindi pa handa ang mga anak niyang mawala siya.
Sa ngayon, pilit daw niyang nilalabanan ang labing-isang (11) autoimmune diseases niya.
Aniya: “not just for kuya Josh & bimb yung effort kong lumaban. I now have 9 primary autoimmune diseases , # 10 is a result of the 9, and i have an 11th disease that came about because of my lupus, rheumatoid arthritis, sjogren’s and a few of my other autoimmune diseases.
“I love my sons and they aren’t ready to lose me—especially bimb who just turned 18. Thank you for loving me.”
Sabi naman ng isang follower, “Hi Miss i hope mameet po kita ulit in person! sana lang po!”
Tugon ni Kris, kasalukuyan siyang nakatira sa isang bahay na pagmamay-ari ng kaibigan ng kanyang yumanong kapatid, si former President Noynoy Aquino.
Pangarap daw ito ni Kris noon pa dahil sariwang hangin ang kanyang nalalanghap.
Yun nga lang, hindi pa raw niya alam kung mapagbibigyan ang hiling ng follower dahil kailangan niyang gumamit ng wheelchair at mag-aral maglakad muli.
Buong tugon ni Kris: “i am currently staying at the compound of a very kind friend of my brother. This place is very peaceful and living where i get fresh sea air and listen to the waves was always my dream.
“Too bad i am now wheelchair bound… i still need to learn how to walk again.”
Komento naman ng isang netizen, “I miss your energy!!! It is unmatched! We need the Kris Aquino magic soon!”
Sabi ni Kris, hindi pa posibleng maibalik ang dating Kris dahil maraming kumplikasyon ang kanyang karamdaman.
Ang anak daw niyang si Bimby ang magtatakda ng panahon para makadaupang-palad ang ilan niyang tagahanga.
Aniya: “that’s the problem- i’m not the same me and i want to give all of you the KRIS you deserve. Parang gremlins kung magmultiply my autoimmune diseases including the complications. I think you will like watching the 6’2 male version of me because he’s more down to earth, athletic, and super charming to all- we will be uploading soon but Bimb will be the one going outside and meeting people.”
Sabi ng isa, published as is, “Praying for your fast recovery, Ms. Kris! Always akong nag li-light ng candles sa church for you.”
Maiksing tugon ni Kris, “i believe we have a loving God who answers unselfish prayers- you have my heartfelt gratitude.”
Claim naman ng isa, “Gagaling po kayo in Jesus mighty name”
Sabi ni Kris, “i believe that prayers are answered and miracles do happen. Good night.”
Mensahe pa ng isa, “i miss you madam, hindi ka nawawala palagi sa mga dasal ko. mahal na mahal kita keep fighting!”
Sagot ni Kris, “Thank you. Super grateful, please keep praying.”
NETIZEN SUGGESTS TO KRIS TO UNDERGO THERAPY ON UNRESOLVED TRAUMA
Isang netizen naman ang may mahabang mensahe kay Kris.
Labis daw ang paghanga niya sa patuloy na paglaban ni Kris sa kanyang karamdaman at iba pang kinahaharap nitong problema sa buhay.
Sabi pa nito, may ibang auto-immune disease na sanhi ng isang hindi naresolbang trauma.
Naisip daw ba niyang sumailalim dito?
Panimula ng netizen: “I can’t imagine how overwhelming it must feel to go through so much, both in your personal life and with your health. Your strength is remarkable!
“What you’ve experienced could wear down even the strongest people. Sometimes our bodies absorb pain that our minds (and circumstances) haven’t had the chance to process or heal.
“And many autoimmune conditions are influenced by unresolved trauma. It might sound different, but have you ever thought about therapies that focus more on the emotional or psychological side?”
Dagdag pa nito, may mga therapy raw na hindi na nakakatulong sa paggaling ng isang taong may auto-immune diseases.
May mga therapy na dinesenyo upang magamot ang mga ito mula sa epekto ng kanilang buhay bilang public persona.
Saad ng netizen: “Some people find value in trauma-focused therapy/somatic therapy. I’ve read that these can help, especially when physical treatments alone aren’t bringing relief.
“There are therapies designed to help people process trauma from intense public lives (your case is especially intense starting from your parents’ political lives and the public scrutiny from your own professional life).
“Exploring therapies beyond hospital-based approaches can expand your healing, encompassing the heart and mind, not just the body.
“You deserve support that sees the whole of your story. Hoping for your holistic and full recovery. God bless you!”
Sinagot siya ni Kris.
Ayon sa TV host-actress, may nagsabi na nito sa kanya.
Pero dumating na raw siya sa puntong napatawad na niya lahat kahit ang mga taong hindi humingi ng tawad sa kanya.
Aniya: “this has been suggested but i have reached a point where i have forgiven those who never bothered to say they are sorry… i have been blessed in so many ways because all my dreams as a child came true because i had a dad who called me beautiful and many times encouraged me to dream bigger dreams…
“my mom when i was on tv on a daily basis you will be amused to know was a stage mom monitoring my shows and telling me when a certain angle wasn’t flattering and made me look big or when i mispronounced a word…
“i have nothing at all against therapists but i am very self aware- i am now on 2 immunosuppressants so we would need to do therapy on line. With how sophisticated hackers can be and how AI can alter a person’s words and facial expression- no thanks. My therapy is listening to Christian and Catholic Contemporary music.”