Manny Pacquiao, mainit na sinalubong ng boxing fans sa Las vegas
Filipino boxing champ Manny Pacquiao (in photo0 receives a thrunderous welcome from boxing fans all over the world during his weigh in with Mexican-American boxer Mario Barrios at MGM Grand Garden Arena in Las Vegas, Nevada, on July 18, 2025.
PHOTO/S: Manny Pacquiao on X (Twitter)
Mainit ang pagtanggap kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao nang dumating ito sa MGM Grand Garden Arena para sa weigh in at face off nila ng Mexican-American boxer na si Mario Thomas Barrios.
Naganap ang kanilang weigh in nitong Biyernes ng hapon, Hulyo 18, 2025 (Sabado, Hulyo 19, sa Pilipinas), sa Las Vegas, Nevada.
Ang GMA-7 entertainment reporter na si Lhar Santiago, na kasalukuyang nasa Las Vegas, ang nagparating sa Cabinet Files ng balita tungkol sa “pandemonium” na nangyari nang dumating si Pacquiao.
Literal daw na nagkagulo at isinigaw ng mga tao ang pangalan ng Filipino boxing superstar nang umakyat ito sa entablado.
Ayon kay Lhar, nasaksihan at naramdaman niya ang mataas na respeto at pagpapahalaga kay Pacquiao ng boxing fans na iba’t iba ang lahi.
Tuwang-tuwa sila dahil nakita nila nang personal ang 46-year-old Pinoy boxer na muling lalaban ng boksing makaraan ang apat na taong pamamahinga.
AGE IS JUST A NUMBER
Umalingawngaw sa loob ng weigh in venue ang malakas na palakpakan at hiyawan ng mga tao nang maghubad si Pacquiao ng pang-itaas dahil sa kanyang magandang pangangatawan.
Walang mag-aakalang labing-anim na taon ang tanda niya sa 30-year-old na si Barrios.
Manny Pacquiao (left) and Mario Thomas Barrios (right) during their weigh in at MGM Grand Garden Arena in Las Vegas, Nevada.
Photo/s: Manny Pacquiao on X (Twitter)
“Age is just a number,” sabi ni Pacquiao, na hindi nagpapaapekto sa isyu ng malaking agwat ng edad nila ni Barrios.
Magtutunggali sina Pacquiao at Barrios para sa World Boxing Council (WBC) welterweight title sa Hulyo 19 sa Las Vegas.
Mapapanood ito sa Pilipinas bukas, Linggo, Hulyo 20.
Inaabangan ang paghaharap ng dalawa dahil interesado ang boxing fans na mapanood ang klase ng larong ipamamalas ni Pacquiao laban sa nakababatang si Barrios.
Kahit Mexicano si Barrios, may mga Latinong pumupusta na si Pacquiao ang mananalo sa kanilang WBC welterweight title bid.
Suportado naman ng mga Pilipino ang laban ni Pacquiao.
Sa mga kilalang personalidad sa Pilipinas, sina Senator Jinggoy Estrada, former Senator Bong Revilla Jr., at dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson ang ilan sa mga lumipad sa Amerika at binisita siya bilang pagpapakita ng suporta.
MANNY PACQUIAO’S FAMILY
Kumpleto rin ang pamilya ni Manny dahil kasama niya sa Las Vegas ang kanyang misis na si Jinkee at ang kanilang limang anak.
Manny Pacquiao and Jinkee Pacquiao with their five children.
Photo/s: Instagram
Nabanggit ni Lhar sa Cabinet Files na nakasabay niya sa isang Filipino fastfood restaurant ang anak ni Manny na si Michael Pacquiao.
Pinaunlakan daw ng binata ang lahat ng mga Pilipinong lumapit at humiling na magpakuha ng larawan na kasama siya.
Hinangaan ni Lhar ang kababaang-loob, kabutihan, at pagiging magalang ni Michael na piniling kumain sa fastfood at hindi sa mga mamamahaling restaurant sa Las Vegas.