Sang’gre, nalamangan na ang Batang Quiapo sa aggregated ratings

Posted by

Sang’gre, hindi na lamang sa aggregated ratings lumalamang.

sang'gre batang quiapo ratings

GMA Network’s Sang’gre (left) has been topping the ratings game for two consecutive days, with Batang Quiapo starring Coco Martin (right) taking the second spot.
PHOTO/S: GMA Drama / Batang Quiapo Facebook

GORGY RULA

Dalawang araw na palang tinalo ng Sang’gre sa ratings ang katapat nitong FPJ’s Batang Quiapo.

Madalas ay sa single channel lang lumalamang ang Sang’gre, pero pagdating sa aggregated ratings ay mas mataas ang teleserye ni Coco Martin.

Bukod sa GMA-7 ay sa GTV lang napapanood ang Sang’gre.

Ang Batang Quiapo ay napapanood naman sa TV5, Kapamilya Channel, at A2Z.

Marami na ring viewers ang A2Z at Kapamilya Channel kaya kapag naiipon ay nauungusan ng Batang Quiapo ang Sang’gre.

Pero noong Biyernes, July 25, 2025, ay lumamang na ang Sang’gre hindi lang sa single channel, pati na sa aggregated ratings.

Ang Sang’gre ay naka-12.3%, at ang Batang Quiapo ay 11.3%.

JULY 28 RATINGS

Nitong Lunes, July 28, mas mataas ang Sang’gre na naka-12.9%, at ang Batang Quiapo naman ay 11.7%.

Abangan natin kung magtutuluy-tuloy ito at kung ano ang gagawing pasabog ng Batang Quiapo para mabawi ang mataas na ratings.

Natapos na ng Sang’gre ang buong season nito, at ang huling tsika sa amin ay wala na raw extension.

Samantala, wala pang balita kung tuluy-tuloy pa rin ang Batang Quiapo at kung aabutin pa ng ilang taon.

NOEL FERRER

Narito ang ratings ng iba pang primetime programs noong Hulyo 25, Biyernes:

24 Oras, 13.6%; Frontline Pilipinas, 2.5%; TV Patrol, 2.7%.

Ang Totoy Bato sa TV5 ay 2.7%, at ang PBA Finals Live sa RPTV ay 2.7%.

Ang Sanggang Dikit FR ay 8.3%, laban sa It’s Okay To Not Be Okay na 5.3%.

JERRY OLEA

Noong Hulyo 28, Lunes, ang 24 Oras ay 13.3%; samantalang ang Frontline Pilipinas ay 2.1%; at ang TV Patrol ay 2.4%.

Ang Totoy Bato ay 2.4%.

Ang Sanggang Dikit ay 8.5%, at ang It’s Okay To Not Be Okay ay 5.3%.

Sa Netflix ay umaarangakada nang husto ang It’s Okay To Not Be Okay dahil consistent itong No. 1.