TikToker bashed for using passport on domestic flight–why?

Posted by

TikToker: “Di naman kayo nagbabayad ng plane ticket ko, e.”

fhukerat airport

A TikToker used her passport as identification at the airport gate for a domestic flight. While bashers mocked her for it, informed netizens pointed out that a passport is a valid primary ID for both transactions and identification purposes.
PHOTO/S: TikTok

Mainit na pinag-usapan sa social media ang paggamit ng passport ng Tiktoker na si Kier Garcia, a.k.a. Fhukerat, bilang proof of identification para sa kanyang domestic flight.

Naging dahilan ito para pagtawanan siya ng bashers.

Sa ipinost niyang video, makikitang inabot niya sa airport personnel sa gate area ang kanyang passport.

Agad na-reshare ang video clip at mababasa sa captions at comments ng mga bashers ang pangungutya.

Narito ang ilan (published as is):

“international yurn?”

“Nakakatawa passport ang gamit sa local flight halatang bisaya hahaha”

“Passport n pla sa Bora???”

“bakit nakapassport? Boracay lang pala. Hindi naman kami ngpapassport nung pumunta ng Boracay. HAHAHAHAHA”

basher comment 1

basher comment 2

basher comment 3

basher comment 4

FHUKERAT REACTS

Nag-react ang TikToker sa pangungutyang natanggap niya.

Pabiro ang isa sa kanyang mga reactions.

“Next time PSA dadalhin ko,” post nito sa kanyang Facebook account, pagtukoy sa Philippine Statistics Authority ng Pilipinas.

Fhukerat comment 1
Gumawa rin siya ng TikTok video at sinagot ang pamba-bash sa kanya.

Caption muna niya sa video: “Birth certificate na lang dadalhin ko next time.”

Fhukerat comment 2
Sa maiksing video, nagpaliwanag siya kung bakit passport ang dala niyang ID.

“Dinala ko yung passport ko kasi valid naman ang passport. May another ID naman ako dito, which is national ID, pero nasa bag ko siya, nasa wallet ko siya. So, mahirap siyang kunin.

“Dinala ko rin yung passport ko para dalawa. Kasi, minsan, sa hotel or kung saan-saan ka pumupunta, minsan kinukuha yung ID mo and then ibabalik siya pagka-check out mo. So dalawa yung dinadala kong ID.

“Wala namang mali doon kasi ID naman iyon, e,” katwiran niya.

“Wala lang. Lahat na lang talaga big deal. Hindi ko naman kayo sinaktan doon sa video ko na iyon. Anong ginawa ko doon?”

Pagtatapos ni Fhukerat sa video niya habang kumakain: “Kumain na rin kayo, huwag kayong puro bantay ng buhay ng ibang tao.

“Di naman kayo nagbabayad ng plane ticket ko, e.”

FHUKERAT GETS SUPPORT

Sa kabilang banda, umani rin ng suporta ang content creator.

Kasama naman kasi talaga ang passport sa list of valid IDs.

Isang satire page ang nagkomento ng: “Mas legit pa iyan kesa sa kung anu-anong laminated na luma na at hindi na nga updated.”

Pinuna rin ang diskriminasyon sa pagiging Bisaya ng Tiktoker.

“Pag may ganitong issue, ang bilis ikabit na ‘halatang Bisaya’ as if being Bisaya is something to mock.

“Why is it that every time someone from the province stands out, gets noticed, or does something different, people are so quick to use ‘Bisaya’ as a punchline?”

Hirit pa ng satire page: “Mas okay na maging Bisaya with a passport kesa maging judgmental with zero contribution sa buhay ng may buhay.”

Sinegundahan naman ng mga informed netizens ang pagiging lehitimo at valid ng passport bilang identification.

Narito ang ilang komento:

Netizens on id 1

Netizens on id 2

netizens id 3