“I’m reminded of why I chose this path.”
“It makes you feel that being a doctor is not just a job, it’s a calling.” Physician Dr. Russel Nacog-ang Guadilla, 27, is winning hearts for charging only PHP300 to PHP350 for consultations in West Rembo, Taguig.
PHOTO/S: Russel Guadilla on Facebook
Ang mahal ng pagpapagamot at pagpapa-check up ngayon.
Kaya hindi kataka-takang mabilis na nag-viral ang isang licensed doctor dahil sa mas mura nitong consultation fee.
Naitampok na sa ilang news programs at news sites si Doctor Russel Nacog-ang Guadilla, 27, isang general physician.
Nakatira siya sa BGC, Taguig, at may klinika sa Barangay West Rembo sa Taguig City.
Ang kanyang singil sa mga pasyente: PHP300 hanggang PHP350 lamang.
Di hamak na mas mura kumpara sa PHP600 pataas na usual consultation fee ng ibang doctor.
Para sa iba, marahil maliit na bagay lang ito, pero biyayang maituturing ito para sa mga taong sakto o kulang ang kita sa pang-araw-araw na gastos.
Maraming ikinonsidera si Dr. Guadilla bago siya nagdesisyong maningil ng mas murang consultation fee.
“I charge PHP300 para sa mga students, senior citizens, PWDs [Persons With Disabilities], at PHP350 sa regular consultation,” anang doctor sa interview ng DZMM Teleradyo, July 13, 2025.
“Because yung community naman kung nasaan ang clinic ko is usually mga low- to mid-income earners.
“So, I believe that the price is actually just right to sustain the clinic, at isa pa, affordable and hindi out of reach ng mga citizens around the area.”
Dagdag niya, “It’s not just a random number I chose, ha. I even consulted some of my friends, my family, and then we decided na nasa range na iyon ang tama lang.”
Nakapasa sa Physicians Licensure Exam si Dr. Russel noong October 2024.
Binuksan ang kanyang klinika noong March 2025.
Sa isa niyang Facebook post, ipinahayag ni Dr. Russel na bilang isang manggagamot, may misyon siyang tulungan ang mga nangangailangan.
“I’ve been living in BGC for a while, and napansin ko… halos walang private clinic nearby, lalo na sa labas ng BGC,” published as is post ng doctor.
“Walang abot-kayang clinic for the surrounding community (recently nalang nagbukas ulit yung West Rembo Health Center due to the dispute).
“Kaya kahit first-gen doctor ako, bagong licensed, walang ipon…Nagbukas ako ng maliit na klinika. Para kahit papaano, makatulong.”
doktor russel on sacrifices and fulfillment
Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano reaksiyong nakukuha niya mula sa mga pasyente kapag nalalamang mas mababa ang kanyang singil sa konsultasyon.
“Locals are very appreciative usually not just because of the price, but because of the mere fact na may access sila sa healthcare,” sagot ni Dr. Russel ngayong Huwebes, July 17, 2025.
“Madalas nilang sabihin na, ‘Buti na lang may ganito dito sa amin,’ or ‘Ngayon lang po ako nakapagpatingin ulit.’
“Para sa kanila, mahalaga na may doktor na puwedeng lapitan kahit wala silang malaking budget.
“May ilan din na nagugulat at nagtatanong kung totoo ba talaga ang consultation fee, kasi sanay na sila sa mas mahal.
“Nakakatuwa kasi nararamdaman mo talaga yung sincerity ng pasasalamat nila.”
Sa pagtulong niya sa iba, mas lalo pang naging makabuluhan para sa doktor ang napiling propesyon.
Paliwanag niya: “Sobrang laki ng fulfillment. There was a time I was really exhausted emotionally and physically drained. Pero bawat pasyente, bawat kuwento, bawat, ‘Salamat po, Dok,’ somehow revives my spirit.
“I’m reminded of why I chose this path. Parang kahit pagod ka, you carry on kasi you know you’re exactly where you’re needed.
“May mga nanay na lumalapit dala ang anak nila, mga lolo’t lola na walang ibang malapitan when they entrust their lives and their loved ones to you, it’s not just fulfilling, it’s humbling.
Ipinaliwanag din niya na bilang general physician, parte siya ng primary care at kabilang sa “gate-keepers” ng mga pasyente.
Bahagi ng tungkulin niya ay makapagrekomenda kung saang espesyalista kailangang pumunta ang pasyente.
Nausisa siya tungkol sa post niyang “walang ipon.”
Aniya sa DZMM interview: “Iniisip ng mga Pilipino na ikaw ay isang doktor, [most] likely ang iniisip nila comfortable ang life mo. Mayaman. Pero, actually, hindi po lahat ng nagdo-doktor ay mayaman.”
Sa ngayon, wala pang residency o field of specialization ang doktor.
“Hindi pa po ako nagri-residency o nag-i-specialize.
“May mga gigs po ako, part-time jobs. Umiikot po ako sa hemodialysis centers and mga kumpanya. So I’m also a part-time company doctor and hemodialysis doctor. It pays me well naman para mabuhay.”
Ang ibang oras naman daw niya ay nilalaan para tumulong sa iba. Ito raw ang nagbibigay kahulugan sa kanyang buhay.
“Kung iisipin ninyo, why are we even here on earth kung wala tayong purpose. Maybe I think that’s my ikigai—to help, at least, in my very own way.”
Ang “ikigai” ay Japanese word na ang kahulugan ay “purpose in life.”
May ibinigay ring paglilinaw si Dr. Russel sa mas mahal na singil ng ibang doctor.
Binanggit niyang baguhan pa lamang siya bilang licensed physician.
“Ibinabatay ko rin po yung halaga ng aking propesyon doon sa china-charge ko.
“Kung may espesyalista po kayo, kung mag-charge sila PHP1,000-PHP2,000, if they are specialists, they deserve it.”
Ginagamit din ni Dr. Russel ang social media para makapagbigay ng health tips para sa iba.