Your Honor: Ogie Diaz, binalikan ang experience niya sa GMA Network

Posted by

Your Honor: Ogie Diaz, binalikan ang experience niya sa GMA Network

Ogie Diaz sa Your Honor

Source: Your Honor
Ogie Diaz recalls his Kapuso experience: “Tapos nagbababad na ako dito, hindi na ako umaalis kasi baka…”

Napa-throwback ang TV host, vlogger, at manager na si Ogie Diaz, o kilala rin sa tawag ng Mama Ogs, sa pagharap niya sa House of Honorables na sina Chariz Solomon at Buboy Villar.

Ipinatawag si Mama Ogs bilang resource person sa Your Honor para sa session nila na tinawag na ‘In Aid of Plastikan: Mga Plastik sa Showbiz.’

Sa simula nang panayam niya kina Madam Cha at Vice Chair Buboy, bigla niya naalala ang buhay niya noong 1980s nang maging assistant siya noon ng veteran showbiz writer na si Cristy Fermin.

Kuwento pa niya, madalas siya tumatambay sa bakuran ng Kapuso Network noon.

“That 1986, Oo, 16 years old ako. Inaabangan ko sa labas ng GMA compound si Ate Cristy Fermin dahil siya ay isa dun sa mga host ng Movie Magazine na naging Movie Patrol.

“Tapos nagbababad na ako dito, kasi, hindi na ako umaalis kasi baka hindi na ako papasukin. So pag-alis ni Ate Cristy naghihintay na lang ako ng Saturday edition ng That’s Entertainment.”

“Pero hindi pa ako reporter nun, alalay ako ni Ate Cristy, taga-bitbit ng blazer niya, ng tubig niya saka ng bag niya.”

Bilang kilalang manager at entertainment writer, natanong si Ogie ni Madam Cha na ano raw ba ang worst experience niya sa isang taong plastik sa show business.

Sagot naman nito sa Your Honor host, “Siyempre, pagka-back biter ka, plastic na yun! So, maraming uri, maraming klase ng kaplastikan talaga. Nararanasan natin ‘yan, ‘yung may mga kaibigan tayong pagkaharap natin okay tayo, pagtalikod kung ano-ano sinasabi against you dun sa isang tao. Tapos, ‘yung iba sumisipsip na aayunan na aayunan ‘yung kuwento mo ‘di ba, kasi nga may kailangan ako sa’yo kaya aayunan kita.

Paglilinaw naman ni Mama Ogs, “Ang daming mga kaplastikan talaga dito, kaya lang nga hindi lang naman dito sa larangan natin, madami rin kahit sa opisina. May mga ganyan din ‘di ba.”