Alynna Velasquez, umalis na raw sa bahay ni Hajji Alejandro matapos ang 27 taon ng pagsasama
– Umalis umano si Alynna Velasquez mula sa bahay ni Hajji Alejandro sa Antipolo para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pamilya ng singer
– Sumailalim si Hajji sa operasyon noong Pebrero 2025 matapos ma-diagnose na may stage 4 colon cancer
– Sinisi ng pamilya si Alynna sa pagkalat ng balita tungkol sa kalagayan ni Hajji matapos kumalat ang impormasyon sa social media
– Wala nang komunikasyon sina Alynna at Hajji mula nang magdesisyon siyang lumisan sa kanilang tahanan
Umalis na umano si singer Alynna Velasquez mula sa tahanan ng beteranong OPM icon na si Hajji Alejandro sa Antipolo City upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pamilya ng singer habang patuloy itong nagpapagaling mula sa kanyang sakit.

Source: Youtube
Sa panayam kay Alynna ni Julius Babao para sa Unplugged YouTube channel noong Marso 20, 2025, ibinahagi niya ang aniya’y mga kaganapan bago siya nagdesisyong umalis sa piling ni Hajji.
“I felt na parang mas gusto nila to take care of him… Kung ako din ‘yon, mas gugustuhin ko na kasama ko ang tatay ko kasi pamilya siya,” pahayag ni Alynna.
Sumailalim si Hajji Alejandro sa operasyon noong Pebrero 2025 matapos ma-diagnose na may stage 4 colon cancer. Ayon kay Alynna, wala siyang nakitang reaksyon mula kay Hajji nang malaman nito ang kanyang kondisyon.
Matapos ang operasyon, nagkaroon umano si Hajji ng seizures at infection na naging sanhi ng kanyang pagkapasok sa ICU. Sa kabila ng kritikal na kalagayan, maswerteng nakarekober si Hajji at ngayon ay sumasailalim na sa therapy.
“And today, he’s home. Meron na siyang walker kasi nag-aaral uli siya na galawin kasi nawalan na siya ng muscles… Pero ang ganda ng memory niya pa rin,” dagdag ni Alynna.
Naging kontrobersyal ang kalagayan ni Hajji matapos kumalat ang impormasyon sa social media nang walang pahintulot ng kanyang pamilya. Bagaman itinanggi ni Alynna na siya ang nagpakalat ng impormasyon sa media, inamin niyang sinabi niya ito sa isang kaibigan ni Hajji.
“I was blamed by the family… The family wanted it to be private and I respect it,” paglilinaw ni Alynna.
Ayon pa sa kanya, may mabuting intensyon ang kaibigan ni Hajji na ipaalam sa grupo ng alumni ng San Beda, kung saan nag-aral si Hajji, para humingi ng panalangin. Ngunit naging viral ang post at si Alynna ang sinisi sa pagkalat ng impormasyon.
Nagpasya raw si Alynna na lumisan sa bahay ni Hajji matapos ang ilang hindi pagkakaunawaan sa pamilya ng beteranong mang-aawit.
“I am not a wife, I am just a girlfriend. So, I think, kung technical ang pag-uusapan, the family has all the right to have him, to be with him,” paliwanag ni Alynna.
Bagaman hindi umano siya pinaalis, naramdaman niyang kailangan niyang magparaya upang bigyang-daan ang pamilya ni Hajji na maalagaan ito.
“Kapag kailangan nila ako, I’ll just be around… So, right now, I just want to go back to work and catch up,” saad ni Alynna.
Matapos umalis sa bahay, inamin ni Alynna na wala silang komunikasyon ngayon ni Hajji.
Sa kabila ng kanyang pag-alis, tiniyak ni Alynna na mananatili siyang handang tumulong kung kakailanganin siya ni Hajji at ng kanyang pamilya sa anumang oras.
Si Hajji Alejandro ay isang beteranong mang-aawit sa Pilipinas na tinaguriang “Kilabot ng mga Kolehiyala” noong dekada ’70 dahil sa kanyang kaguwapuhan at husay sa pagkanta na nagpapa-kilig sa mga kababaihan, lalo na sa mga kolehiyala. Isa siya sa mga tanyag na OPM (Original Pilipino Music) icons noong 1970s at naging bahagi ng pagsulong ng OPM sa bansa.
Ilan sa kanyang mga pinasikat na kanta ay “Kay Ganda ng Ating Musika,” na nanalo sa Metro Manila Popular Music Festival (Metropop) noong 1978, “Nakapagtataka,” “May Minamahal,” “Tag-Araw, Tag-Ulan,” at “Panakip-Butas.”
Sa isang kamakailang panayam sa “Fast Talk with Tito Boy Abunda,” inamin ni Ariel Rivera na hindi niya kailanman nagustuhan ang label na “Kilabot ng mga Kolehiyala.” Si Ariel ay isa sa pinakasikat na mang-aawit noong dekada ’90 at itinuring na isang hitmaker dahil sa dami ng kanyang sumikat na awitin.
Kamakailan lamang na-confine sa si Hajji ospital. Isang video niya kasama ang kanyang ina sa ospital ang ibinahagi ni Arnold Clavio online.
Sa kanyang Instagram post, isiniwalat ni Arnold na may Stage 4 Colon Cancer si Hajji at kumalat na ito sa ibang bahagi ng kanyang katawan.
Maraming tao, kabilang na si Sharon Cuneta, ang nag-iwan ng komento sa viral post ni Arnold bilang pagpapakita ng kanilang suporta at pag-aalala para sa beteranong mang-aawit.
News
Ryza Cenon bravely shared her two attempts to take her own life: ‘I suddenly saw the light at the end of the tunnel.
Ryza Cenon, matapang na kwinento ang dalawang beses na muntik niyang kunin ang sariling buhay – Ryza Cenon revealed in…
SINISIKAP ni Angillyn Gorens na protektahan ang anak nila ni Buboy Villar, isang makabihasang paraan ng pagpapalaki ng anak.
Angillyn Gorens, umalma: “They keep using my kids on their interviews” – Umalma si Angillyn Gorens matapos gamitin umano ang…
Maureen Larrazabal ADMITS to being BLIND
Maureen Larrazabal, inamin na nabulag ng dalawang taon dahil sa contact lens – Inamin ni Maureen Larrazabal na nabulag siya…
NAGLABAS ng opisyal na PAHAYAG si Coco Martin tungkol kay Katherine Luna matapos ang halos 20 taon ng maling paratang
Coco Martin, sinabing napatawad na niya si Katherine Luna – Coco Martin expressed his dream of not only entertaining audiences…
Arci Munoz cries after she was asked about breakup with businessman-boyfriend: “Maybe I’m not beautiful enough”
Arci Munoz cries after she was asked about breakup with businessman-boyfriend “I always keep this private life private. I want…
IBINUNYAG ni Arci Muñoz sa talkshow ni Boy Abunda ang matinding PAGSISISI at panghihinayang dahil sa kanyang NAKARAAN.”
Arci Muñoz, nagsisi at nagparetoke pa ng mukha: “Ngayon mas less is more na talaga” – Arci Muñoz, in a…
End of content
No more pages to load