Ruru Madrid: “Yun yung nagsisilbing gasolina sa akin to work harder.”

Ruru Madrid on criticisms of his acting capabilities before
Ruru Madrid on being called a ham actor before: “Dami, every day, laging may nangba-bash — ang bano kong umarte, hindi marunong umarte, ‘bakit binibigyan ng GMA ng project yan.’ For some reason, parang iniisip ko, akala ko nung una di ako naapektuhan. Pero siguro, subconsciously, yun pala yung nagmu-motivate sa akin o yun yung nagsisilbing gasolina sa akin to work harder.”

Parehong naging matagumpay ang dalawang huling teleseryeng pinagbidahan ni Ruru Madrid sa GMA-7, ang Lolong (2022) at Black Rider (2023-2024).

Ano sa tingin ni Ruru ang sikreto kung bakit patok sa mga manonood ang mga programa niya sa telebisyon?

Ayon sa Kapuso actor: “Di ko po talaga sure kung ano po talaga ang dahilan. Pero siguro dun po sa mga bagay na puwede ko ma-control is sarili ko.

“Kumbaga, ako, katulad ng sinabi ko kanina, na gusto ko lagi ako nag-i-improve, gusto ko lagi akong may bago akong ipinapakita.

“Hindi lang just to prove myself dun sa mga taong hindi naniniwala kundi patunayan sa sarili ko na deserving ako sa lahat ng natatanggap ko.

“And siguro yung pagiging leader, hindi ako yung tipong leader na gusto ko utusan ko sila na dapat ganito gawin mo o sino man kasama ko.

“Never ako nagsalita ng ganun, never ako nag-coach, never ako nag-utos.

“Kumbaga, ang ginagawa ko, laging magli-lead ako by example.

“Kumbaga, gagawin ko yung isang bagay hoping na makahawa ko sa mga kasamahan ko.”

RURU’S MOTIVATION TO IMPROVE HIS ACTING

Natawag na ba siyang “ham actor”?

Pag-amin ni Ruru, “Dami. Parang, ever since lumabas yung meme sa Lolong na sumisigaw ako, yung, ‘Ahhh’ ganyan.

Lolong memes in 2022
Photo/s: Courtesy: TikTok

“Dami, every day, laging may nangba-bash — ang bano kong umarte, hindi marunong umarte, ‘bakit binibigyan ng GMA ng project yan.’

“For some reason, parang iniisip ko, akala ko nung una di ako naapektuhan.

“Pero siguro, subconsciously, yun pala yung nagmu-motivate sa akin o yun yung nagsisilbing gasolina sa akin to work harder.

“And hindi naman parang patunayan ko sa kanila, pero parang patunayan ko sa sarili ko na, ‘Hindi, mali sila. Deserving ka dito, deserving ka sa mga natatanggap mo.’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng kolumnistang si Allan Diones si Ruru sa grand press conference ng Lolong: Bayani ng Bayan na ginanap sa Gateway Mall 2 noong Lunes, January 13, 2025.

RURU MADRID LOOKS BACK ON MMFF 2024 WINNING MOMENT

Muling binalikan ni Ruru ang winning moment niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 Gabi ng Parangal noong December 28, 2024.

Si Ruru ang nagwaging best supporting actor para sa pagganap niya sa Green Bones.

Hindi ba talaga siya nag-expect noong panahon na yun?

“Never kong iniisip, never kong pinag-pray na sana manalo ako.

“Hindi, basta sa akin makapunta ako doon,” sabi ni Ruru.

Pero bakit tila pinaghandaan niya ang kanyang speech?

Paliwanag ni Ruru, “Hindi, kasi parang nangyari po noon, prior to that moment, may mga parang visualization na nangyayari.

“For example, magbiyahe ako pauwi ng bahay galing taping, parang biglang papasok yung moment sa akin na may hawak-hawak ako na award tapos nagsasalita ako.

“Parang siguro, na-foresee ko ba, na-manifest ko… hindi ko alam.”

Ayon kay Ruru, galing sa puso ang talumpati niya noong nagwagi siyang best supporting actor.

“Sa totoo lang, feeling ko yung sinabi ko noong araw na yun, lahat yun galing sa puso, na ang tagal ko siyang iniipon, ang tagal siyang nakatago sa akin.

“So, nung pagdating ko ng entablado, parang kusa na lang lumabas.”

Mas napaganda ba para sa kanya na napunta siya sa best supporting actor category imbes na sa best actor category?

Si Dennis Trillo na co-star niya sa Green Bones ang itinanghal na MMFF 2024 best actor.

Saad ni Ruru: “Sa akin naman po, any. Kung mapunta sa best supporting or best actor, any.

“Sa totoo lang, hindi ko po inaasahan na manu-nominate ako.

“Parang, alam ko lang sa sarili ko na sa Green Bones, binuhos ko yung best ko.

“Sa Green Bones, alam ko na wala akong pagsisisihan sa ginawa ko dahil all-out talaga.

“As in, ilang months of preparation, ilang months of workshops na every after taping, may workshop ako.

Ilang pelikula pinanood ko na talagang minsan nakakatulugan ko na pero kailangan ko siyang gawin.

“Ang dami, hindi po siya biro. Pero sabi ko nga, I always love the journey.

“Yung proseso po bago mo makuha, di ba, parang nakikita natin lagi yung resulta na meron palang award.

“Pero para sa akin, iba, e, iba yung journey. Parang yun yung dream para sa akin.”

LOLONG: bayani ng bayan premieres january 20

Sa Lolong: Bayani ng Bayan, makakasama muli ni Ruru ang mga nakasama niya sa Book 1 na sina Shaira Diaz, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Mikoy Morales, Alma Concepcion, Maui Taylor, at Ms. Jean Garcia.

Sa Book 2, pasok sa cast sina John Arcilla, Rocco Nacino, Martin del Rosario, Klea Pineda, at Tetchie Agbayani.

Pasok din sina Victor Neri, Nonie Buencamino, Rodjun Cruz, Pancho Magno, Michelle Dee, Nikki Valdez, Bernadette Allyson, Boom Labrusca, Jan Marini, Gerard Pizarras, Archi Adamos, Nicco Manalo, Nikko Natividad, John Clifford, Waynona Collings, Rubi Rubi, Inah Evans, Barbiengot Forteza, Joe Vargas, Karenina Haniel, at Mr. Leo Martinez.

Kasama rin sa show ang mga baguhang child stars na sina Ryrie Sophia at Drey Lampago.

Ang Lolong: Bayani ng Bayan ay mula sa direksiyon nina King Mark Baco at Rommel Penesa.

Ang Lolong: Bayani ng Bayan ay mula sa GMA Public Affairs at bahagi ng GMA Network’s 75th year.

Mapapanood ang Lolong: Bayani ng Bayan simula January 20, 2025, pagkatapos ng 24 Oras.