Dennis Trillo on Carlene Aguilar’s pregnancy: “The baby is not mine.”

Dennis says he and Carlene did not meet in the United States when he went there a few weeks ago.
Matinee idol has denied that he is the father of rumored girlfriend Carlene Aguilar’s baby. “If it’s true that Carlene is pregnant, the baby is not mine,” he says.

Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Dennis Trillo hinggil sa pagdadalantao ng kanyang rumored long-time girlfriend na si Carlene Aguilar.
Mula nang pumutok ang balitang kumpirmadong six months pregnant si Carlene ay inaabangan na ng lahat kung anong magiging reaksiyon ni Dennis sa isyu.
Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source na malapit kay Dennis na diretsong itinanggi ng matinee idol na siya ang ama ng ipinagbubuntis ng 2001 Miss Philippines-Earth at 2005 Bb. Pilipinas-World na si Carlene.

Nasa Amerika si Dennis nang pumutok ang balitang buntis si Carlene, na hindi sinasadyang nakita ng GMA-7 reporter na si Lhar Santiago habang namimili sa isang outlet store sa Los Angeles, California noong last week of May.

Malaki na ang tiyan ni Carlene at agad niyang inamin kay Lhar na anim na buwan na siyang buntis. Mabilis ding sinabi ng 25-anyos na beauty queen na hindi si Dennis ang ama ng kanyang ipinagbubuntis kundi isa raw Chinese businessman na hindi nito pinangalanan.

Pagbalik ng Pilipinas ni Dennis last week mula sa dinaluhang US-Pinoy Expo show ng GMA Pinoy TV sa New Jersey ay saka siya tinawagan ng PEP source para tanungin tungkol sa preggy issue.

“If it’s true that Carlene is pregnant, the baby is not mine,” ang eksaktong sagot ni Dennis sa source ng PEP na malapit sa kanya.

“Definitely, it’s not mine!” paniniyak pa ng aktor.

Paliwanag pa ni Dennis, matagal na raw niyang hindi “pinakikialaman” si Carlene kaya wala siyang kinalaman sa kasalukuyang kundisyon nito.

Nabanggit din ni Dennis na hindi sila nagkita sa Amerika ng kanyang rumored girlfriend. Nasa Los Angeles daw kasi si Carlene samantalang sila ay nasa New Jersey at nag-sidetrip sa New York.
Dennis Trillo defends himself against Carlene's "kuripot" accusation |  PEP.ph

Pinagsabihan si Dennis ng nasabing PEP source na malapit sa kanya na, “If you deny it now, don’t ever make the mistake of admitting it in your lifetime! Because if you will admit it later, you will be damned forever by your fans!” Pinakinggan naman daw ni Dennis at nagpasalamat pa sa concern.

Feeling ng PEP source ay posibleng hindi nga si Dennis ang ama ng sanggol na nasa sinapupunan ni Carlene dahil nang makausap niya ito ay hindi man lang daw niya naramdaman na bothered ito sa balita.

Sa kabilang banda, may mga nakausap naman ang PEP na ilang taong nakakakilala kay Dennis. Anila, hirap silang paniwalaan na mabubuntis ng ibang lalake si Carlene dahil ang alam nila ay inililihim lang ng dalawa ang kanilang relasyon, na nagsimula noon pang kapwa sila talents ng ABS-CBN pero never nag-break ang mga ito bilang magkasintahan.

A little backgrounder: Pebrero ng taong ito unang umugong ang balitang buntis si Carlene nang may makakita ritong namimili ng maternity dress.

Noong Marso 12 sa press launch ng debut CD ni Dennis sa Virgin Café ay napikon si Dennis nang kulit-kulitin namin tungkol sa balitang pagbubuntis ni Carlene.

Napansin naming tila hindi alam ni Dennis kung ano ang isasagot niya sa amin nang gabing ‘yon. Aniya, hindi raw niya nakakausap si Carlene at hindi niya alam kung buntis ito. Pero hindi kami kumbinsido dahil puwedeng-puwede niyang tawagan si Carlene para tanungin kung ano ang totoo.
Carlene Aguilar and Dennis Trillo getting along but not getting back  together | PEP.ph

Sa 28th birthday ni Dennis noong May 12 sa Barrakz Bar & Resto sa Tomas Morato ay muli naming inusisa sa kanya ang kanyang rumored girlfriend.

Sabi ng young actor, out-of-town si Carlene kaya wala sa party niya, pero tumawag na raw ito sa kanya para bumati ng happy birthday. Nabanggit din niya sa amin na nakikita niya raw si Carlene at hindi naman daw ito buntis.

Makalipas ang ilang linggo ay ayun si Carlene at umaaming anim na buwang buntis!

Palaisipan din sa marami ang Chinese businessman na diumano’y ama ng unborn baby ni Carlene. Sa mga hindi nakakaalam ay may dugong Chinese si Dennis (Abelardo Dennis Florencio Ho ang real name nito) at ang alam namin ay may sariling negosyo ang kanyang pamilya.