Julie Anne San Jose “not that bothered” by lesbian rumor; willing to do tomboy role

Julie Anne firm in saying no to sexy magazine cover.
Julie Anne San Jose on possibility of accepting lesbian role: “Well siguro, personally po, siyempre andito naman tayo para magtrabaho, ‘di ba? And siyempre ako, nag-e-explore naman ako. Gusto ko ring… gusto ko pong mag-innovate, kumbaga.”

Sa sobrang busy ngayon ni Julie Anne San Jose, wala na raw siyang time mag-entertain ng suitors.

Natatawang sabi ng GMA-7 singer-actress sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Next time na lang po yun!

“May mga umaali-aligid pero hindi ko po sila pinapansin. Hindi ko muna pinapansin!”

Wala na raw silang komunikasyon ng rapper na si Abra na minsang na-link sa kanya.

Dahil wala siyang boyfriend, hindi nakaligtas si Julie Anne sa intrigang baka tomboy siya.

“Actually, matagal na po iyan, e.

“Like, even before pa, sinasabi nila na, ‘Ay, si Julie, walang boyfriend, tibo ‘yan, lesbian ‘yan!’”

Hindi naman daw kailangan ang lalaki para masabing straight ang isang babae at hindi raw siya naaapektuhan sa mga ganoong intriga.

“I’m not that bothered, pero minsan nakaka-offend din.

“Kasi siyempre you’re being judged na hindi naman nila alam kung ano talaga yung totoong story.

“Well, kahit ano namang story, ‘di ba?”

TOMBOY ROLE. Pinag-uusapan ngayon ang GMA primetime series na The Rich Man’s Daughter na tumatalakay sa mga buhay ng lesbians.

Kaya natatanong ngayon ang mga artistang babae kung kaya nila ang roles na ginagampanan dito nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro.

Si Julie Anne, kung sa kanya inialok ang The Rich Man’s Daughter, tatanggapin ba niya?

“Wow! The Rich Man’s Daughter? Nakaka-overwhelm yun!” bulalas niya.

Kaya ba niya ang papel ng isang tomboy?

“Well siguro, personally po, siyempre andito naman tayo para magtrabaho, ‘di ba?

“And siyempre ako, nag-e-explore naman ako.

“Gusto ko ring… gusto ko pong mag-innovate, kumbaga.

“‘Tsaka feeling ko… yeah, I’d love to try, I’d love to try a new role.”

Mas kaya niya ang isang lesbian role kaysa mag-pose nang sexy para sa FHM?

“I don’t know!” at tumawa si Julie Anne. “Well, siguro in terms of sa acting, iyon.”

Hindi raw kasi niya talaga forte na mag-sexy pictorial. At sa palagay rin niya ay hindi siya aalukin ng isang mapangahas na papel na tulad ng isang lesbian role.

“Bata pa po ako, e.”

ASPIRATION. Noong 2013 ay nag-audition si Julie Anne para sa Miss Saigon, kung saan nakasabay niya si Rachelle Ann Go na siyang nakapasa.

Gagawin ba ni Julie Anne na mag-audition muli?

Sagot niya, “Hopefully! Kung if ever na ibibigay sa akin ni Lord.

“‘Tsaka depende naman po sa path ng career.”

Kaya niyang talikuran ang showbiz career niya dito sa Pilipinas kung sakaling makapasa siya at ipadala sa London?

“Iyon yung kailangan kong pag-isipan kasi marami po akong maiiwanan dito, e.

“Pero if ever naman po, I’m really looking forward.”

May sakripisyo nga iyon.

“Magsa-sacrifice ka talaga.”

Kaya ba niyang magsakripisyo?

“Titingnan po. I still can’t say no, pero I’ll see.”