Alex Gonzaga tinawag na ilusyunada kay Piolo Pascual

Tinanong si Alex Gonzaga kung sino ang gusto niyang mapangasawa kung hindi siya pinakasalan ng kanyang mister na si Mikee Morada.

Bago sagutin, nagpasintabi naman ang aktres turned vlogger sa kanyang kabiyak na katabi niya noon.

Sey pa niya, sa rebelasyon daw niya ay sana hindi masira ang friendship ng asawa at ng taong gusto niyang asawahin.

Tinumbok pa niya na ang pantasya niya na maging ‘other half’ ay walang iba kundi ang ultimate leading man na si Piolo Pascual.

“Kung hindi ako ipinakilala ni PJ dito [Mikee], baka siya yung napakasalan ko. Kasi, di ba, nanligaw din, before?”, hirit niya.

Sa huli, binawi naman niya ang pahayag na pinormahan siya ng aktor at sinabing nagbibiro lamang siya.

Matatandaang bago nagkatuluyan sina Alex at Mikee ay si Piolo ang tumayong tulay para sila magkakilala.

Close friend kasi ni Papa P. si Mikee.

Ito naman ang komento ng kibitzers.
Piolo Pascual Played Matchmaker To Alex Gonzaga!

“Hahaha. Ilusyunada!”

“Kahit naman ako, bet ko si Papa P. Kahit anakan na lang ako at di na asawa.”

“Better choice, Catherine. Hahaha”

“Ang tanong: patusin naman kaya siya ni Papa P?”

“Sinabi niyang nagbibiro lamang siya.”

“Mas bagay sina Toni at Piolo.”

“Hypothetical lang naman iyong question. Seseryosohin mo pa ba si Alex?” (Archie Liao)