Ikinasal sina Robi Domingo at Maiqui Pineda noong Enero 6, 2024 sa isang simbahan ng Pulilan, Bulacan.

Sa mediacon ng Time To Dance nitong Enero 16, Huwebes ng hapon sa 9501, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, Quezon City, ibinalita ni Robi na kauuwi lang niya sa bansa.

Nag-Japan sila ni Maiqui para sa kanilang honeymoon at first wedding anniversary.

“Kasi last year, naudlot po yung honeymoon. Kasi, right after the wedding, andami-daming personal stuff na nangyari,” lahad ni Robi.

“Including the passing of my lola, and biglang nagkaroon ng program. So, kailangang dire-diretso ang trabaho, and I’m really grateful for that.”

Namatay ang lola ni Robi sa araw mismo ng kanyang kasal. Hindi muna iyon ipinaalam sa kanya.

Pagpapatuloy ni Robi, “And I’m also grateful sa opportunity na nagkaroon kami ng time to go to Japan. Initially this was suppsed to be in Europe.

“But we told each other, let’s go to somewhere na familiar kami, and that’s Japan. So we spent nine days there.

“Doon muna kami sa Sapporo, sa Hokkaido. Kasi parang for the past years, nagdo-documentary ako dun. So, something familiar sa akin.

“And then we went back to Tokyo where I proposed. So, dumaan na naman kami sa Shibuya Crossing.”

MEMORABLE HONEYMOON AND FIRST WEDDING ANNIVERSARY

Wow! Memorable pala talaga ang pulot-gata nila at pagdiriwang ng unang anibersaryo ng kasal.

Pagngiti ni Robi, “Memorable, memorable trip! And hanggang ngayon, yun ang pinag-uusapan namin.

“Yung utak ko, nandun pa rin sa Japan. Wala pa, wala pa siyang visa makauwi, e. So andun pa rin, andun pa rin…”

Dalawa lang sila sa paglalakbay na iyon, na napaghandaan nila.

“Malamig! The coldest temperature na naramdaman namin was negative eight, negative ten degrees.”

So, lagi silang magkayakap?

“Ay, oo! Oo!” bulalas ni Robi.

“Maiqui is OK na rin, she’s well. And I’m so happy kasi we went to DisneySea the other day.

“Sabi niya, ‘Robs, guess how many steps we did for today.’ Background lang, this is coming from Maiqui na hindi makatayo, hindi makaupo.

“Ahhh average, we would do 12,000 steps. But the other day, naging 25,000 steps. And she did it.

“Sabi ko, ‘Wow!’ She’s really improved a lot.”

Nasa last dosage na si Maiqui ng kanyang medicine.

Kailan kaya nila mauulit ang ganitong bakasyon?

“Pinag-uusapan na namin yan. Hopefully with my parents, and her parents as well,” sambit ni Robi.

“We’re in the process. Kasi, andami lang mangyayari ngayon including yung personal naman, lipat-bahay kami.

“We’re gonna move to a bigger space and nearer. Hindi na doon sa Pasig area. We’re gonna move back to QC near ABS-CBN para mas madali lang.

“Yeah, andami naming goals together. Andaming projects and hopefully, hopefully maging okay lahat.”

robi domingo maiqui pineda wedding
Robi Domingo and Maiqui Pineda on their wedding day 

Photo/s: @iamrobidomingo on Instagram

NOEL FERRER

Sa kabila ng mga trabaho, palaging ginagampanan ni Robi ang pagiging husband kay Maiqui.

Read: Netizens laud Robi Domingo for normalizing husbands doing household chores

“Even right now! The fact na hinahawakan ko pa rin yung ring kahit anong mangyari,” lahad ni Robi habang hinahaplos at pinapaikot ang kanyang wedding ring.

“Parang ano, e, lahat ng gawin ko ngayon, it’s always for us. So yun, yun ang masasabi kong doing my part as a husband.

“And also when I go home — wala po kaming househelp. So, ever since na nagpakasal po kami, kaming dalawa lang.

“And mas napagtibay ang relationship namin. First few months of the relationship, of the marriage, akala ko, di ba, usually people would say, ‘Ay! I-enjoy nyo yan, trips kayo palagi!’

“Yung trips namin, sa hospital. Especially during the first months of her recovery, and I’m so grateful for it.

“Kasi, andami kong natutunan sa sarili ko, sa kanya, at sa aming dalawa.

“Kaya nga yung ano, natatawa na lang ako. We had four big maletas going around…”

Anu-ano ang laman nung apat na maleta?

“Mga equipment. Pangniyebe, kasi sobrang lamig talaga, e. So, andami naming maleta,” kuwento ni Robi.

“E, medyo nai-stress na kami pareho. And then I would just say andaming snow, ganyan. ‘Yung kasal nga, napag-ano natin, napagtagumpayan natin. Ito pa kaya?’

“So, lahat ng mga bagay ngayon na madadali at saka nakakairita, mga minor lang. Kayang-kaya namang malagpasan pala!”

GORGY RULA

For the first time, naging concern ni Robi Domingo kung saan mananatili sa Christmas Day.

“Kailangang maging present ka sa family reunions. Na-experience ko first time na mamroblema kung saan…” saad ni Robi.

“Hindi naman problema but it’s a concern, ‘Saan tayo magpa-Pasko? Saan tayo magnu-New Year?’

“E, apat na family technically, na malalaki. ‘So, saan tayo pupunta?’ Na kailanga, i-discuss mo yun.

“Andaming adjustments and concerns which excite us and also make us, ‘Oo nga, ano?’

“Andami naming pinagdadaanan, and pinagtatawanan na lang namin.”

TIME TO DANCE

Siyanga pala, co-hosts si Robi at ang New Gen Dance Champ na si Gela Atayde sa dance survival reality show na Time to Dance.

Magpa-pilot ito ngayong Enero 18, Sabado ng 8:30 P.M., sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, MYX, iWantTFC, at TFC.

robi domingo gela atayde time to dance
Robi Domingo and Gela Atayde 

Photo/s: Jerry Olea

Kasama sa show sina AC Bonifacio at Darren Espanto, at dance coaches na sina Chips Beltran, Lema Diaz, at Jobel Dayrit bilang guest judges at coaches.

Ang theme song ng Time to Dance ay inawit nina Kyle Echarri at Gela.

Sa pilot episode ng show, ipapakilala ang 17 dance hopefuls na sasabak sa matinding training kasama ang magagaling na coach mula sa Philippine dance community.

Ang mga mananayaw ay may iba’t ibang edad, karanasan, at pisikal na abilidad. Masusubukan ang gigil, galing, at puso ng mga mananayaw sa group dance evaluations at one-on-one dance combats.

Sasabak din ba si Robi sa matinding hatawan sa Time to Dance?

“I think pinanghawakan ko po dati yun especially when I was part of the Gigger Boys,” natatawang sabi ni Robi.

“And funny enough, yesterday, I just saw Sam Concepcion. So, nagkita na kami for like a quick chit-chat lang.

“But we were talking about it ni Gela. I don’t know if it will happen. Hopefully in the grand finals. Let’s see!

“And also not just in the grand finals, but also sa 30th anniversary celebration ng ASAP. And I personally wish the Gigger Boys to be back for nostalgic feels lang, di ba?”

Kasama ni Robi sa nasabing grupo sina Sam Concepcion, Enchong Dee, Arron Villaflor, Dino Imperial, Chris Gutierrez, at ang namayapang si AJ Perez.

gigger boys
Gigger Boys: (from left) Enchong Dee, Robi Domingo, Chris Gutierrez, AJ Perez, Sam Concepcion, and Arron Villaflor 

Photo/s: File