“These malicious claims directed at our company and actor Kim Soo Hyun are entirely false and cannot be tolerated under any circumstances.

“We are currently reviewing the strongest possible legal actions against HoverLab Inc. for spreading these falsehoods.

“Our company is deeply saddened by the passing of the late Kim Sae Ron, who was once part of our agency, and we mourn her loss.

“However, the dissemination of such false information by [Garosero Research Institute] mirrors the very behavior of so-called “cyber wreckers” that caused the late actress so much pain during her lifetime.

“Their actions, driven solely by self-interest, not only damage our company but also tarnish the honor of the deceased, and thus we will respond to this matter with the utmost seriousness.

“We earnestly request that these baseless falsehoods not be further spread, amplified, or reproduced in any way.”

 

GAROSERO RELEASES ADDITIONAL “PROOFS” OF KIM SOO HYUN-KIM SAE RON RELATIONSHIP

Hindi naman nagpatinag ang Garosero Research Institute sa legal threats mula sa kampo ni Kim Soo Hyun.

Nitong March 12, Miyerkules, naglabas ang Garosero Research Institute ng mga karagdagang ebidensiya bilang patunay na nagkaroon ng relasyon sina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron.

Kabilang dito ang mga larawan mula sa military enlistment ni Kim Soo Hyun (October 2017 hanggang July 2019), intimate photos nina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron, at handwritten letters nila para sa isa’t isa.

Narito ang ilan sa mga ito:

Kim Soo Hyun, Kim Sae Ron
Photo/s: Kim Sae Ron (Instagram)
kim soo hyun military enlistment
Photo/s: Garosero Research Institute
kim soo hyun kim sae ron
Photo/s: Garosero Research Institute
kim soo hyun kim sae ron relationship
Photo/s: Garosero Research Institute
kim soo hyun kim sae ron relationship
Photo/s: Garosero Research Institute

KIM SAE RON’S LOAN FROM GOLD MEDALIST

Maliban sa mga larawan at handwritten letters, naglabas din ang Garosero Research Institute ng screenshots ng mga ipinadala umanong mensahe ni Kim Sae Ron kay Kim Soo Hyun.

Kaugnay ito ng loan ni Kim Sae Ron sa Gold Medalist, kung saan dati ring contract star ang aktres.

Sa mga mensaheng ito ay nakikiusap ang aktres sa aktor na bigyan siya ng sapat na panahon upang mabayaran ang kanyang pagkakautang na nagkakahalaga ng mahigit 686 million won (27.1 million pesos).

Narito ang English translation ng mensaheng ipinadala umano ni Kim Sae Ron kay Kim Soo Hyun:

“Hi, it’s Sae Ron.

“I just received the notice, and they said they will sue me. They mentioned they would give me more time, so I’m working hard to prepare for my return and plan to pay off the debt from each project.

“I truly have no intention of avoiding this, but if you ask me to pay the 700 million won now, I can’t do it.

“It’s not that I don’t want to pay, I just can’t afford it. But does it really need to go as far as a lawsuit?

“I really hope you understand and give me more time.”

Ngunit hindi umano sumagot si Kim Soo Hyun.

 

DISPATCH REPORT ON KIM SAE RON’S LOAN

Kaugnay nito, nakakuha ang Dispatch—ang nangungunang online entertainment outlet sa South Korea—ng kopya ng letter of certification na ipinadala ng Gold Medalist kay Kim Sae Ron noong March 2024.

Dito ay nakasaad na kailangang bayaran ng aktres ang loan nitong nagkakahalaga ng 686,409,653 bago matapos ang 2023.

Nagbanta umano ang Gold Medalist na gagawa ng legal na hakbang dahil hindi pa nababayaran ng aktres ang kanyang utang.

Noong panahong iyon ay walang paraan si Kim Sae Ron na mabayaran ang kanyang pagkakautang kaya nagpadala siya ng mensahe kay Kim Soo Hyun.

Pero dahil hindi sumagot si Kim Soo Hyun sa kanyang mensahe, nag-post si Kim Sae Ron sa kanyang Instagram Story para sabihan ang aktor na kontakin siya nito.

Pagkatapos nito ay sinubukan daw ng Dispatch na makipag-ugnayan kay Kim Sae Ron dahil sinabi noon ng aktres na naghahanda siyang maglabas ng official statement.

Pero itinanggi ni Kim Sae Ron na sinabi niyang maglalabas siya ng statement. Ang nais lamang daw niya ay ayusin ang ilang bagay.

Ayon sa Dispatch, ayaw ni Kim Sae Ron na mailathala ang istorya tungkol sa utang niya sa Gold Medalist.

Noong panahong iyon ay naglabas ng maikling pahayag ang Gold Medalist tungkol sa Instagram Story ng aktres: “We don’t know Kim Sae Ron’s intentions.”

Noong February 2025, muling tinanong ng Dispatch ang Gold Medalist tungkol sa letter of certification na ipinadala nila kay Kim Sae Ron.

Ayon sa Gold Medalist, hindi nila intensiyong kolektahin ang utang ni Kim Sae Ron. Isa lamang daw iyong simple formal procedure upang maiwasan ang embezzlement of funds.

Sinabi rin ng talent management company na isang representative nila ang kumontak kay Kim Sa Reon tungkol sa letter of certification.

Ngunit ayon sa usap-usapan, hindi umano alam ni Kim Sae Ron na pormalidad lamang ang pagpapadala sa kanya ng notice.

Kim Soo Hyun, Kim Sae Ron
Kim Soo Hyun and Kim Sae Ron 

Photo/s: Kim Soo Hyun (Instagram), Kim Sae Ron (Instagram)

BACKLASH AGAINST KIM SOO HYUN BEGINS

Sa kabila ng kontrobersiyang ito ay hindi natitinag ang Gold Medalist sa kanilang posisyon na ang mga alegasyon kay Kim Soo Hyun ay “completely baseless.”

Ngunit unti-unti nang nararamdaman ang negatibong epekto ng kontrobersiyang ito sa career ng aktor.

Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 18 brand deals si Kim Soo Hyun.

Isa-isa nang pansamantalang pinahihinto ang paglabas ng videos at photo shoots ng ilan sa kanyang endorsements.

Habang ang iba naman ay inoobserbahan pa ang mga pangyayari at saka pa lang sila magdedesisyon.

Ayon sa mga ulat, tuloy pa rin ang pagpapabalas ng upcoming series ni Kim Soo Hyun, ang Knock Off, sa April 2025.

Pero hindi na umano kasama ang aktor sa online variety show ni G-Dragon na Good Day.

Sa mga susunod na araw ay inaasahang marami pang balitang magsisilabasan tungkol sa mga proyekto at endorsement deals ng sikat na aktor.

 

Kim Soo Hyun entrance
Kim Soo Hyun during his fan meet in Manila on July 1, 2024

KIM SAE RON PASSED AWAY ON KIM SOO HYUN’S BIRTHDAY

Pumanaw si Kim Sae Ron, sa edad na 24, noong February 16, 2025.

Natagpuan ang walang buhay na katawan ni Kim Sae Ron ng kanyang kaibigan, na tumawag ng police, sa bahay ng aktres sa Seoul.

Ayon sa Seongdeong Police sa Seoul at Yonhap News Agency, suicide ang dahilan ng pagkamatay ng aktres.

Wala raw note o letter na iniwan si Kim Sae Ron.

Binigyan ng kulay ng ilang netizens ang petsa ng kamatayan ng aktres dahil nataon ito sa 37th birthday ni Kim Soo Hyun.

 

Isa sa itinuturing na pinakasikat at pinakamagaling na aktres sa South Korea, nagsimula ang dagok sa buhay at career ni Kim Sae Ron nang maaresto siya dahil sa driving under the influence (DUI) noong 2022.

Bumangga ang kanyang sasakyan sa mga puno sa kalsada, isang transformer, at iba pang roadside structures malapit sa Hakdong Intersection sa Gangnam, Seoul.

Pinagmulta siya ng 20 million won o PHP860,480 dahil sa pinsalang idinulot ng insidente.

Kalaunan ay nag-isyu siya ng handwritten letter at personal na nakipagkita sa business owners na naapektuhan sa insidente.

kim sae ron dui incident
Kim Sae Ron after her DUI incident

Kasabay nito ay labis ding naapektuhan ang showbz career ni Kim Sae Ron.

Nag-backout siya sa kanyang role sa SBS drama Trolley.

Hindi na-renew ang kanyang kontrata sa Gold Medalist.

Pinatawan din siya ng ban ng major TV network sa South Korea, ang KBS.

Higit pa rito, tumanggap ng katakut-takot na pambabatikos si Kim Sae Ron mula sa publiko, partikular na ang South Korean netizens na kilala sa pagiging marahas sa pagkomento tungkol sa mga celebrity na nasasangkot sa kontrobersiya at kaso.

KIM SAE RON’S ACTING CAREER

Nagsimula ang career ni Kim Sae Ron bilang child actress sa pamamagitan ng lead role sa pelikulang A Brand New Life (2009).

Nang sumunod na taon, 2010, umani ng papuri ang kanyang pagganap sa pelikulang The Man From Nowhere, kasama ang sikat na aktor na si Won Bin.

the man from nowhere
The poster of The Man From Nowhere

Ang iba pa niyang mga pelikula ay I Am Dad (2011), Barbie (2012), The Neighbor (2012), A Girl At My Door (2014), Manhole (2014), Snowy Road (2017), at The Villagers (2018).

Kabilang naman sa mga K-drama na ginawa niya ay Listen To My Heart (2011), Fashion King (2012), The Queen’s Classroom (2013), Hi! School: Love On (2014), Secret Healer (2016), Leverage (2019), at The Great Shaman Ga Doo-Shim (2021).

Huli siyang napanood sa Netflix series na Bloodhounds.

 

kim sae ron bloodhounds
Kim Sae Ron in Bloodhounds