Kathryn Bernardo absent sa tagumpay ng pamangkin sa dance competition finals

Mukhang hindi nasaksihan ni Kathryn Bernardo ang tagumpay ng kanyang pamangkin na si Lhexine nang manalo ang grupo ng dalagita sa hip-hop dance competition kamakailan lang.

Nasa IG post ni Mommy Min Bernardo ang ilang larawan ng apo na nagpapakita ng success nito sa National Dance Competition Junio Hip Hop.

Nasungkit ni Lhexine at ang kanyang team ang All-Girls Division sa finals.

Komento nga ni Mommy Min sa apo, “You are limitless” na nakuha rin sa tarpaulin ng contest kung saan nagpa-photo op si Hexine.

Base sa mga pinosteng photos ni Mommy Mhin, hindi nila kasama si Kathryn.

Kapatid, pamangkin at tatay ni Kathryn lang ang nasa larawan kasama si Lhexine.

Sa comment section, hinahanap ni @tokyo_palms si Kathryn, na sinundan pa nito ng tanong kung kasama ba ng aktres ang napapabalitang boyfriend nitong isang pulitiko.

Todo tanggol naman ang mga solid kay Kathryn at sinabing wala pang boyfriend ang kanilang lodi, ayon na rin sa panayam ng kanyang ina sa isang interview.

Pinaparatangan ng mga Kathryn supporter ang mga Alden Richards faney na siyang namba-bash sa kanilang idol. (Rey Pumaloy)