Tahasang pinabulaanan ng club disc jockey na si Jellie Aw ang isang Facebook post na nagpapahiwatig na maaari niyang patawarin ang fiancé na si Jam Ignacio matapos ang kinasangkutan nilang mauling incident.
Sa kanyang Instagram Story noong Sabado, March 8, 2025, ibinahagi ni Jellie ang screenshot ng isang Facebook post na nagko-quote sa kanya.
Tungkol ito sa pagpapatawad sa isang tao kung mahal mo talaga. Lulunukin mo raw ang iyong pride at ego kapag mahal mo ang isang tao.
Buong post diumano ni “Jellie Aw”: “Kung talagang nagsisisi at magbabago bakit hindi diba? Ganon naman kapag nagmamahal, lulunukin mo yung ego and pride mo just to be happy.”
Kalakip nito ang larawan ng bugbog-saradong mukha ng club DJ noong panahong naging viral ang kanyang mga larawan matapos siyang bugbugin umano ng fiancé na si Jam Ignacio.
Ang petsa ng post ay March 2, 2025.
Sa caption ng totoong Jellie Aw sa kanyang Instagram story, binuweltahan niya ang nag-post ng pekeng quote.
Sabi ni Jellie (published as is): “GALING NG GUMAWA NETO! PALAKPAKAN SA MUKA!”

JELLIE AW TO JAM IGNACIO: “ANO GAGAWIN KO?”
Mukhang wala na ngang pag-asa pang magbalikan ang engaged couple na sina Jellie at Jam, na ex-boyfriend ng aktres na si Karla Estrada.
Tila naka-move on na rin si Jellie sa pambubugbog na ginawa sa kanya ni Jam at balik-trabaho na siyang muli.
Sinabayan din niya ito ng pagbahagi sa kanyang Instagram Story noong March 6 ng screenshot ng mensahe ni Jam sa kanya.
Hindi malinaw kung kailan ipinadala ang mensaheng ito, pero mukhang sinusuyo muli ni Jam si Jellie.
Nakasaad ditong ginagawa umano ni Jam ang lahat para maging maayos muli ang relasyon nila, pati sa pamilya ni Jellie.
May pangarap din daw si Jam para bubuin sana nilang pamilya.
Buong mensahe ni Jam (published as is): “Kahit kailan hindi kita kayang lokohin.
“Miski kumausap nang iba hindi ko kaya gawin yan sayo. Bakit mo ako ginaganito.
“Nag mamakaawa ako sayo. Pinipilit ko na maging maayos tayo. Maging maayos tong relasyon natin.
“Nangangarap ako para satin. Para sa pamilya mo na tinuturing ko na din pamilya.
“Bakit mo ako ginaganitp
“Bakit?
“Cge lang jellie
“Cge lang
“Hindi ko na alam. Hindi ko na alam.”
Makahulugang caption ni Jellie: “ano gagawin ko @jamignacio”
Hanggang ngayon ay wala pang bagong post si Jam tungkol kay Jellie.
Patuloy pa ring naka-follow ang isa’t isa sa kani-kanilang Instagram accounts.
News
SHOCKING MOMENT: Paulo Avelino Kisses Kim Chiu in Public at Ayala Mall — Fans Go Wild Over Their Full Performance
SHOCKING MOMENT: Paulo Avelino Kisses Kim Chiu in Public at Ayala Mall — Fans Go Wild Over Their Full Performance…
BREAKING: Kathryn Bernardo, JMFYANG, and SB19 Set the Runway on Fire at the 2025 Bench Body Fashion Show — You Won’t Believe What Happened
BREAKING: Kathryn Bernardo, JMFYANG, and SB19 Set the Runway on Fire at the 2025 Bench Body Fashion Show — You…
Emotional Moment: Julia Montes Can’t Hold Back Tears as Coco Martin Surprises Her with Unexpected Birthday Gift
Emotional Moment: Julia Montes Can’t Hold Back Tears as Coco Martin Surprises Her with Unexpected Birthday Gift In a heartwarming…
PAULO AVELINO, HULING-HULI SI KIM CHIU SA ISANG SWEET NA MOMENTO – KIMPAU FANS, KILIG TO THE MAX!
Paulo Avelino, Huling-Huli Si Kim Chiu sa Isang Sweet Na Momento – KimPau Fans, Kilig to the Max! Sa mundo…
Sh0cking! RIA ATAYDE Sumabog na Sa Galit At KINALADKAD si Mariel Rodriguez PALABAS ng OSPITAL!
Isang shocking incident ang naganap kamakailan matapos sumabog umano sa galit si Ria Atayde at kinaladkad palabas ng ospital si Mariel Rodriguez! 😱 Maraming…
OMG! Kylie Padilla nag viral sa sagot at inilabas ang feelings sa pag amin ni Aljur Abrenica at Aj Raval…
Kylie Padilla Nag-Viral Matapos Ilabas ang Saloobin sa Pag-amin nina Aljur Abrenica at AJ Raval Mainit na usapin muli sa…
End of content
No more pages to load