Kathryn at Alden, nagpansinan sa backstage ng Bench fashion show
Kathryn at Alden, nabiktima ng fake news.
Kathryn Bernardo and Alden Richards were spotted greeting each other at the backstage of MOA Arena during the Body of Work: The Bench Show on March 21, 2025.
PHOTO/S: Screen grab from TikTok
Hindi totoo ang usap-usapang hindi nagpansinan sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Body of Work: The Bench Show na ginanap sa MOA Arena noong Biyernes, Marso 21, 2025.
Ang mga kuhang video sa backstage ng Mall of Asia Arena at lumabas sa social media ang katibayang nagpansinan sina Kathryn at Alden.
Malinaw na makikita sa video na binati nina Alden at Kathryn ang isa’t isa, at humawak pa ang aktor sa beywang ng kapareha niya sa blockbuster movie na Hello, Love, Again.
Isa itong sapat na pruweba na hindi totoo ang mga hinalang hindi sila magkasundo.
FAKE NEWS ABOUT KATHRYN-ALDEN SNUBBING INCIDENT
Nag-ugat ang fake news na hindi nagpansinan sina Alden at Kathryn sa curtain call ng Body of Work dahil nakunan sila ng mga video na hindi nag-uusap sa entablado, habang kasama ang ibang mga personalidad na may partisipasyon sa naganap na fashion show.
Alden Richards (left side, in white sando) and Kathryn Bernardo (right side, in two-piece) during the curtain call of Body of Work: The Bench Show at MOA Arena on March 21, 2025.Â
Photo/s: Bench Lifestyle Facebook
Dahil dito, may mga nagmalisyang may problema sa pagitan ng dalawa.
Mula nang mag-umpisa ang showbiz career ni Alden noong 2011, hindi ito nasangkot sa mga away.
Kilala rin ang Kapuso actor sa pagiging gentleman kaya hindi kapani-paniwala ang lumutang na balitang hindi niya pinansin si Kathryn.
Ang mga miyembro ng entertainment press at ang mga artistang nakatrabaho ni Alden ang makapagpapatunay sa kanyang pagiging palabati at magiliw sa halos lahat ng mga taong nakakahalubilo niya.
Gaya ni Alden, tila wala sa ugali ni Kathryn ang hindi mamansin ng kapwa.
Pareho silang kilala sa pagiging marunong makisama.
Aral para sa lahat ang nangyari, na hindi dapat basta paniwalaan ang lahat ng mga napapanood sa mga maiiksing video.
Ang mga kaganapan lamang sa MOA stage ang kanilang nakita, hindi ang mga eksena sa backstage na nakunan din ng video — na matibay na ebidensiyang salat sa katotohanan ang kumalat na isyu tungkol kina Alden at Kathryn.
News
Sh0cking Revelation! Ian de Leon Reveals the Cause of Nora Aunor’s De@th – What Hidden Truth Lies Behind the Passing of a Legend?
Inihayag ni Ian de Leon kung ano ang dahilan ng pagpanaw ni Nora Aunor noong Abril 16, 2025. “Technically and clinically…
Bombshell Truth Revealed! Ian De Leon Opens Up About His Distance from Nora Aunor – John Rendez Accused of Causing an Irreparable Rift in the Family!
BOMBSHELL TRUTH! Ian De Leon Opens Up About Distance from Nora Aunor — John Rendez Accused of Causing Irreparable Rift…
OMG! Emotional Bombshell After the Breakup: Kobe Paras Sends a Heartfelt Message to Kyline Alcantara – His Words Will Leave You Stunned and Speechless!
SHOCKING REVEAL! Kobe Paras Sends Emotional Bombshell Message to Kyline Alcantara After Breakup—What He Said Will Leave You Breathless and…
Step Inside the Legendary Original Home of Nora Aunor – Hidden Corners and Untold Memories Finally Revealed! (VIDEO)
Nora House Tour – Let’s Explore Her Original Home!!! (VIDEO) In an exciting and heartwarming new video, the legendary actress…
Nora Aunor’s Final Will Officially Revealed: Lotlot de Leon Sh0cked by Its Contents – What Did She See That Left Her Completely Speechless?
🔥 LAST WILL NI NORA AUNOR ISINAPUBLIKO NA! LOTLOT DE LEON GULAT NA GULAT SA NILALAMAN NITO! BUONG PAMILYA, NAPATAHIMIK SA…
Kim Chiu secret Revealed: She Quietly Gave an Enormous Amount to Nora Aunor—The Reason Behind It Will Break Your Heart!
Kim Chiu’s Secret Revealed: She Quietly Gave an Enormous Amount to Nora Aunor—The Reason Behind It Will Break Your Heart!…
End of content
No more pages to load