
Nagsalita na ang Kapuso actor na si Alden Richards tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ngayon ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.
Halos isang linggo nang usap-usapan sa social media ang sweet gesture ni Alden kay Kathryn nang sorpresahin niya ang aktres sa post-birthday celebration nito noong April 2, 2024.
Sa mga video clip na ibinahagi sa social media, makikita ang pagdating ni Alden sa venue kunsaan nagdaos ng surprise birthday party ang glam team ni Kathryn.
Dala-dala niya ang isang malaking bouquet ng Ecuadorian roses at regalong nakalagay.
Kita naman sa mukha ni Kathryn ang pagkagulat nang makita ang Kapuso actor, at kaagad niya itong nilapitan.
Sa isa pang kuhang video, makikita sina Alden at Kathryn na nagse-selfie.
Kapansin-pansin ang pagiging malapit at kumportable nila sa isa’t isa, na siyang naging rason para kakiligan sila ng kanilang fans at pag-ship sa tambalan nilang KathDen.
Sa panayam ni Alden sa 24 Oras nitong Miyerkules, April 10, nausisa siya ng entertainment reporter na si Nelson Canlas ukol sa estado ng relasyon nila ngayon ni Kathryn.
Sagot ni Alden kay Nelson, “What you see is what you get.”
Hindi na rin daw niya kailangan ipaliwanag pa ang relasyon nila ng aktres lalo na’t kung ano ang nakikita sa kanila ng iba sa social media ay ganoon din sila sa personal.
Ang tanging masasabi raw ni Alden ay masaya siyang makitang masaya si Kathryn.
Aniya, “I was invited and siyempre, it was part of her post-birthday celebration with friends and family.
“Masaya naman, masaya naman yung naging experience.
“You can see how happy Kath is.”
Dagdag pa niya, “Hindi lang din talaga kailangan lagi ipamalita sa social media yung mga ganiyan.
“You know, sometimes yung mga personal things that’s happening, better be personal na lang.”
Nagsimula ang pagiging magkaibigan nina Alden at Kathryn nang magkatambal sila sa isa sa highest-grossing Filipino films, ang Hello, Love, Goodbye, noong 2019.
Napapabalita rin ang pagkakaroon nito ng sequel, ngunit wala pang ibang detalye.
News
ARTISTANG INGGIT kay Nora Aunor NAGBAYAD sa DOKTOR sa JAPAN para SIRAIN boses ni Nora Aunor!
ARTISTANG INGGIT kay Nora Aunor NAGBAYAD sa DOKTOR sa JAPAN para SIRAIN ang Boses ng Superstar? Isang Kontrobersyal na Rebelasyon!…
Nora Aunor may mga NAKATAGONG SPORTS CAR! Grabe pala ang YAMAN ni Ate Guy Superstar talaga!
Nora Aunor’s Hidden Luxury: Sports Car Collection Revealed! Grabe ang YAMAN ni Ate Guy! Superstar Nora Aunor, kilala bilang “Ate…
Kris Aquino’s Choice: Bimby’s Future Wife?
Kris Aquino’s Shocking Choice for Bimby’s Future Wife? Fans Can’t Stop Talking! Is Kris Aquino already thinking about her son…
Kathryn Bernardo and James Reid teleserye in the works? Fans await ABS-CBN’s official reveal
Kathryn Bernardo and James Reid Teleserye in the Works? The Pairing Fans Never Saw Coming! Is ABS-CBN about to unveil…
LOOK: Kathryn Bernardo and Nadine Lustre for COSMOPOLITAN Philippines May 2025 issue.
QUEENS IN ONE FRAME: KATHRYN BERNARDO & NADINE LUSTRE SHAKE THE INDUSTRY! When two of the Philippines’ biggest stars come…
Kathryn PINAGLABAN ang RELASYON nila ni Alden!
KATHRYN BERNARDO: HINDI PINAGSISISIHAN ANG PAG-AARAL BILANG NORMAL NA ESTUDYANTE KAHIT SIKAT NA! Sa isang sit-down segment ng Pilipinas Got…
End of content
No more pages to load