
Anne Curtis at Alden Richards
KUNG may isang Kapamilya star pa na gustung-gustong makatrabaho ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards, yan ay walang iba kundi si Anne Curtis.
Pagkatapos niyang makatambal hg dalawang beses ang Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo sa pelikula, wish naman ngayon ng Kapuso heartthrob ang “It’s Showtime” host.
Sa ilang taon daw ni Alden sa entertainment industry ay never pa raw niyang nakasama sa kahit anong acting project ang wifey ni Erwan Heussaff.
Sa interview ng TV5 showbiz news reporter na si MJ Marfori, nabanggit nga ni Alden na sana’y mabigyan sila ni Anne ng chance na makagawa ng pelikula lalo’t naging crush din daw niya ang aktres.
“Actually, so far I’ve never worked with Anne Curtis yet and I would love to work with her in a project, maybe a movie or a series,” pahayag ni Alden.
Dugtong pa ng TV host-actress, “Kasi alam naman natin before, when I was starting, na naging crush ko po si Ms. Anne Curtis for the longest time.”
Sey ni Alden, nakikita naman daw niya si Anne sa ibang proyekto at nakapag-bonding din sila sa ilang pagkakataon. Kaya ang nilu-look forward talaga niya ay ang makasama ang aktres sa isang bonggang acting project.
* * *
Ngayong Manila-bound na si Lolong (Ruru Madrid), siguradong mas marami pang dapat abangan sa “Lolong: Pangil ng Maynila” dahil bagong adventures na naman ang kanyang tatahakin kasama ang bagong mga karakter.
Kaya naman, lalong nae-excite ang kanyang mga fans sa mga kaabang-abang na eksena na siguradong magpapadama sa kanila ng samu’t saring emosyon.
Sa post nga ni Ruru sa kanyang Instagram, makikitang masaya siyang pinagkaguluhan ng kanyang fans sa set ng “Lolong.”
May mga sugat man sa mukha at mukhang pagod dahil sa eksenang ginawa, game na game pa rin si Ruru sa pagpapaunlak sa mga ayaw paawat na fans na bumati at yumakap sa kanya.
Nagpasalamat din si Ruru sa pagmamahal na kanyang natatanggap mula sa mga manonood ng serye.
“Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta! Patuloy nating samahan si Lolong sa kanyang panibagong laban sa Maynila.
Kayo ang inspirasyon ko, Mahal ko kayo!” aniya pa.
News
ARTISTANG INGGIT kay Nora Aunor NAGBAYAD sa DOKTOR sa JAPAN para SIRAIN boses ni Nora Aunor!
ARTISTANG INGGIT kay Nora Aunor NAGBAYAD sa DOKTOR sa JAPAN para SIRAIN ang Boses ng Superstar? Isang Kontrobersyal na Rebelasyon!…
Nora Aunor may mga NAKATAGONG SPORTS CAR! Grabe pala ang YAMAN ni Ate Guy Superstar talaga!
Nora Aunor’s Hidden Luxury: Sports Car Collection Revealed! Grabe ang YAMAN ni Ate Guy! Superstar Nora Aunor, kilala bilang “Ate…
Kris Aquino’s Choice: Bimby’s Future Wife?
Kris Aquino’s Shocking Choice for Bimby’s Future Wife? Fans Can’t Stop Talking! Is Kris Aquino already thinking about her son…
Kathryn Bernardo and James Reid teleserye in the works? Fans await ABS-CBN’s official reveal
Kathryn Bernardo and James Reid Teleserye in the Works? The Pairing Fans Never Saw Coming! Is ABS-CBN about to unveil…
LOOK: Kathryn Bernardo and Nadine Lustre for COSMOPOLITAN Philippines May 2025 issue.
QUEENS IN ONE FRAME: KATHRYN BERNARDO & NADINE LUSTRE SHAKE THE INDUSTRY! When two of the Philippines’ biggest stars come…
Kathryn PINAGLABAN ang RELASYON nila ni Alden!
KATHRYN BERNARDO: HINDI PINAGSISISIHAN ANG PAG-AARAL BILANG NORMAL NA ESTUDYANTE KAHIT SIKAT NA! Sa isang sit-down segment ng Pilipinas Got…
End of content
No more pages to load