GANITONG BANNER LANG SAPAT NA PARA IWAS KALAT! 🤭🎉Pasig Mayor Vico Sotto recognized by U.S. as Anti-Corruption Champ | ANC

Naging viral sa social media ang larawan ni Pasig City Mayor Vico Sotto, kung saan makikita siyang nag-selfie sa tabi ng isang simpleng banner na gawa ng isang residente. Ang banner, bagamat minimalist, ay nagdulot ng ngiti sa maraming netizens dahil sa pagiging praktikal nito.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Mayor Vico ang kanyang saloobin tungkol sa “money politics” at kung paano niya sinusubukang baguhin ang kalakaran sa politika.

Buong Mensahe ni Mayor Vico:U.S. State Department Honors Pasig Mayor Vico Sotto for Transparency  Initiatives - U.S. Embassy in the Philippines

“Day 12 of 45. Shout out sa mga supporter na hindi na makapag-antay sa tarp 😅🙏🙏🙏

10 years na akong politiko pero wala pa rin malaking ‘makinarya’ para sa mabilisang pagkabit ng mga poster at iba pa. Bakit? Choice po ito.

I WANT TO DO MY PART IN BREAKING THE CYCLE OF “MONEY POLITICS”.
Ang ‘money politics,’ kung saan gumagastos ng sobrang laki ang mga politiko para manalo – alam na naman natin kung ano ang kasunod nun.

Ang pinaka-obvious na naidudulot nito ay korapsyon. Pero hindi lang ito ang problema… sa malaking gastusan, maraming matitino/magagaling na kandidato na hindi nabibigyan ng pagkakataon.

Kailangan makarating tayo sa punto na ang “best of the best” ang nauupo sa posisyon. Kung ganoon, siguradong aangat ang kalidad ng pamahalaan… gaganda ang mga tulong at serbisyo nito para sa ating lahat… hindi na tayo mababaon sa politika at utang na loob… maitataguyod natin ang isang gobyernong maayos at tunay na para sa tao.

Marami pa akong gustong sabihin tungkol dito, pero sa susunod na po ako sasali sa essay-writing contest 😅

𝘛𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯. 𝘝𝘰𝘵𝘦 𝘴𝘵𝘳𝘢𝘪𝘨𝘩𝘵, 𝙂𝙞𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙨𝙞𝙜! 🏹🎯

Reaksyon ng Netizens

Kinaaliwan ng netizens ang pagiging simple at makatotohanan ni Mayor Vico. Ang kanyang pagiging praktikal at ang paglayo sa magastos na political machinery ay nagbigay inspirasyon sa marami. Sa kabila ng pagiging kilala sa kanyang katapatan at dedikasyon, nananatiling grounded si Mayor Vico sa kanyang mga prinsipyo.

Maraming sumang-ayon sa mensahe niya na kailangan ng pagbabago sa sistema ng politika sa bansa. Hindi lamang ito usapin ng eleksyon kundi pati na rin ng moralidad at integridad ng mga nanunungkulan.

Talaga namang si Mayor Vico ang mukha ng pagbabago sa politika ng Pilipinas—tunay, simple, at para sa tao! 🙌

Có thể là hình ảnh về 2 người, bạt nhún và văn bản