Red letter day para sa solid fans ni Kathryn Bernardo ang March 26.

At ngayong Miyerkoles nga ang 29th birthday ng Asia’s Superstar.

Palaging may pa-surprise ang iba’t ibang fan club ni Kath tuwing sasapit ang kaarawan ng aktres.

Inaalam talaga nila kay Mommy Min Bernardo kung ano ang schedule ng aktres na malapit sa actual birthday nito para makasama nila itong mag-celebrate.

Alam namin na maraming ganap para sa 29th birthday ni Kath, pero noong Linggo ay sinurpresa na ng fans ang idolo nila sa backstage ng ‘Pilipinas Got Talent’ studio sa ABS-CBN compound.

May pa-cake at konting salo-salo ang mga faney kasama sina Kath at Tita Min.

Shookt nga si Kath sa surprise advance birthday celebration ng mga faney kaya sa breaktime niya sa taping ng ‘PGT’ Season 7 naki-bonding with her fans, na super nag-effort para makasama siya.

Pero teka! Last Sunday rin ay nasa ABS-CBN compound si Alden Richards at nag-host ng 38th PMPC Star Awards For TV na ginanap sa Dolphy Theater kaya ang tanong naman ng KathDen fans, nagkita kaya sila?

Eh noong Biyernes kasi ay nagkasama na ang KathDen sa ‘Body of Work: Bench Fashion Show’ sa SM MOA Arena. Wait na lang namin kung may lalabas na pictures, videos na nagkita ang dalawa sa ABS-CBN compound, ha!

Anyway, ano naman kaya ang birthday gift ni Tisoy kay Kath? Same day last year ay magkasama ang KathDen sa El Nido, Palawan with other friends at sinelebrate nga nila ang kaarawan ng Kapamilya actress.

Happy 29th Birthday, Kathryn! (Ogie Rodriguez)