Magpapakilig kaya sina Joy at Ethan sa Bench Body of Work sa Marso 21, 2025 sa SM Mall of Asia (MOA) Arena?
Kathryn Bernardo at Alden Richards, magsama kaya muli sa fashion show matapos ang record-breaking Hello Love Again movie?
Sina Joy at Ethan ang characters na ginampanan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa mga pelikulang Hello, Love, Goodbye (2019) at Hello, Love, Again (2024).
Ang Hello, Love, Again ang pinakamalakas na pelikulang Pilipino sa kasaysayan (hindi adjusted sa inflation).
Kahapon at ngayon ay number 1 ang Hello, Love, Again sa talaan ng Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix.
Sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH ay hindi pa natitinag sa top spot ang Tamang Panahon ni Alex Calleja, kaya number 2 pa rin doon ang Incognito na pinangungunahan ni Daniel Padilla.
KATHRYN, ALDEN SABAY KAYANG RARAMPA SA FASHION SHOW?
Noong Pebrero 4, ini-announce ng clothing brand sa social media na rarampa si Alden sa isang fashion show. Kagabi kinumpirmang kasama sa palabas si Kathryn.
Kaya hopia, asado, at expectorant ang KathDen fans na minsan pang magpapakilig sina Joy at Ethan.
Maaalalang sa SM MOA Arena rin ginanap noong Nobyembre 18, 2017, ang fashion show ng clothing brand kaugnay sa kanilang ika-30 anibersaryo.
Isa sa highlights noon ang sabay na pagrampa nina Kathryn at Daniel. Hinalikan pa noon ni DJ ang baba ni Kath, remember?
Sa fashion show ding iyon nagpakitang-gilas si Maine Mendoza, na napalibutan ng pogilicious yummylicious hunks sa pagrampa.
Paliligayahin kaya ng clothing brand ang KathDen fans sa upcoming fashion show?
NOEL FERRER
Kanina, marami akong kaibigan na nagte-text sa akin na nagsasabing naaaliw sila sa panonood ng Hello, Love, Again (HLA) sa Netflix.
Ok naman, pero kinabahan at naawa ulit ako sa Ex Ex Lovers na pelikula nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.
I’m sure apektado sila ng pagbabago ng viewing habits ng mga tao sa panahon nina Marvin at Jolina na hindi na gaanong nagpupunta sa mga sinehan at nakukuntento na sa streaming.
Paano na?
Gustung-gusto kong kumita ang mga pelikulang Pilipino sa takilya, pero paano kaya?
I’m sure ang mga solid KathDen will do everything to keep HLA on top of the Netflix Most Viewed Rankings.
GORGY RULA
Masaya na naman ang inaasahang pagsasanib-puwersa sa rampahan ng mga Kapuso at Kapamilya stars sa nasabing fashion show.
Pero hindi maiiwasang pagkumparahin sino sa mga ito ang mas titilian at papalakpakan.
Kaya mas maganda kung magkasamang rarampa sina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Tiyak na ang KathDen ang isa sa inaabangang highlights ng fashion show na ito.
Kung magkasama silang rarampa, hudyat kaya ito ng another project na pagsasamahan nila? Matutuloy kaya ang isang teleserye na collaboration ng ABS-CBN at GMA-7 na pagbibidahan nilang dalawa?
DANIEL PADILLA ON INCOGNITO
Samantala, napapag-usapan naman ng kabadingan ang performance ni Daniel Padilla sa Incognito.
Ang napansin lang namin sa mga huling episodes ng action-drama na ito, medyo may kalusugan ngayon si Daniel.
Pero ang napapagtripan ng kabadingan ay ang mga eksenang may “pabukol” si Daniel.
Kapansin-pansin talaga sa ilang eksena nito, kahit magaling naman siya rito, lalo na sa madramang eksena.
May ibang brand nang ineendorso si Daniel. Puwede rin kaya silang magpa-fashion show na pagbibidahan ni Daniel?
Paghandaan lang ni Daniel ang kanyang katawan, tiyak na pasabog din kung irarampa ang kakisigan niya with matching pabukol!
News
ARTISTANG INGGIT kay Nora Aunor NAGBAYAD sa DOKTOR sa JAPAN para SIRAIN boses ni Nora Aunor!
ARTISTANG INGGIT kay Nora Aunor NAGBAYAD sa DOKTOR sa JAPAN para SIRAIN ang Boses ng Superstar? Isang Kontrobersyal na Rebelasyon!…
Nora Aunor may mga NAKATAGONG SPORTS CAR! Grabe pala ang YAMAN ni Ate Guy Superstar talaga!
Nora Aunor’s Hidden Luxury: Sports Car Collection Revealed! Grabe ang YAMAN ni Ate Guy! Superstar Nora Aunor, kilala bilang “Ate…
Kris Aquino’s Choice: Bimby’s Future Wife?
Kris Aquino’s Shocking Choice for Bimby’s Future Wife? Fans Can’t Stop Talking! Is Kris Aquino already thinking about her son…
Kathryn Bernardo and James Reid teleserye in the works? Fans await ABS-CBN’s official reveal
Kathryn Bernardo and James Reid Teleserye in the Works? The Pairing Fans Never Saw Coming! Is ABS-CBN about to unveil…
LOOK: Kathryn Bernardo and Nadine Lustre for COSMOPOLITAN Philippines May 2025 issue.
QUEENS IN ONE FRAME: KATHRYN BERNARDO & NADINE LUSTRE SHAKE THE INDUSTRY! When two of the Philippines’ biggest stars come…
Kathryn PINAGLABAN ang RELASYON nila ni Alden!
KATHRYN BERNARDO: HINDI PINAGSISISIHAN ANG PAG-AARAL BILANG NORMAL NA ESTUDYANTE KAHIT SIKAT NA! Sa isang sit-down segment ng Pilipinas Got…
End of content
No more pages to load