
Gabbi Garcia at Khalil Ramos
WALONG taon na rin palang magdyowa ang Kapuso celebrity couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos at in fairness, solid na solid pa rin ang kanilang relasyon.
Maraming revelation si Gabbi sa pagpasok niya bilang house guest sa pinag-uusapang “Pinoy Big Brother Collab Celebrity Edition” na napapanood sa GMA at sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.
Binigyan ni Big Brother ng chance ang isa sa “PBB” hosts na maranasan ang buhay sa loob ng Bahay ni Kuya at mukhang nag-eenjoy naman ang Kapuso star.
Sa napanood naming episode nitong nagdaang araw kung saan nakachikahan ni Gabbi ang housemate na si Ashley Ortega. Isa nga sa napag-usapan nila ay ang long-term relationship nina Gabbi at Khalil.
“Si Gabbi, 8 years na rin with Khalil. Nasa healthy relationship na siya. Pero hindi ba kayo dumarating sa point na parang nagkakasawaan na kayo sa isa’t isa? Eight years is so long, para na kayong mag-asawa,” sey ni Ashley.
Bigla namang sumingit sa usapan nila ang housemate na si Dustin Yu, “Alam mo kapag tumatagal na kayo, hindi naman totoo ‘yong sawa, e. Basta ine-enjoy niyo.”
Reaksyon ni Gabbi, “Yes, like every day pa rin kami nagbi-video call bago matulog.”
“Grabe ‘yun, alam mo bang naghihintay ‘yun sa basement ng GMA ng limang oras kapag wala akong driver. Hindi ko nga alam paano niya ako pinatulan,” natatawang chika pa ng TV host-actress.
May pagkakataon pa nga na talagang tinatanong ni Gabbi kay Khalil kung mahirap ba siyang i-maintain bilang girlfriend na laging sinasagot ng award-winning actor ng, “No.” “He maintains me well,” hirit ng aktres.
Samantala, sinabi rin ng dalaga na ang goal naman talaga nila ni Khalil ay ang magkaroon ng panghabangbuhay na relationship.
“Kasi alam namin na we’re here for the long run, not just for dating. Kung i-hug ko man si River (Joseph) and Dustin, tatawanan lang ako noon. Ganu’n na kami ka-chill sa relationship namin. May assurance talaga sa isa’t isa,” sey pa ni Gabbi.
Dagdag pa niya, “And never kami nagkaroon ng problema dahil sa babae o lalaki. It’s possible pala talaga to have a healthy relationship. Hindi nga rin kami nag-aaway.”
News
ARTISTANG INGGIT kay Nora Aunor NAGBAYAD sa DOKTOR sa JAPAN para SIRAIN boses ni Nora Aunor!
ARTISTANG INGGIT kay Nora Aunor NAGBAYAD sa DOKTOR sa JAPAN para SIRAIN ang Boses ng Superstar? Isang Kontrobersyal na Rebelasyon!…
Nora Aunor may mga NAKATAGONG SPORTS CAR! Grabe pala ang YAMAN ni Ate Guy Superstar talaga!
Nora Aunor’s Hidden Luxury: Sports Car Collection Revealed! Grabe ang YAMAN ni Ate Guy! Superstar Nora Aunor, kilala bilang “Ate…
Kris Aquino’s Choice: Bimby’s Future Wife?
Kris Aquino’s Shocking Choice for Bimby’s Future Wife? Fans Can’t Stop Talking! Is Kris Aquino already thinking about her son…
Kathryn Bernardo and James Reid teleserye in the works? Fans await ABS-CBN’s official reveal
Kathryn Bernardo and James Reid Teleserye in the Works? The Pairing Fans Never Saw Coming! Is ABS-CBN about to unveil…
LOOK: Kathryn Bernardo and Nadine Lustre for COSMOPOLITAN Philippines May 2025 issue.
QUEENS IN ONE FRAME: KATHRYN BERNARDO & NADINE LUSTRE SHAKE THE INDUSTRY! When two of the Philippines’ biggest stars come…
Kathryn PINAGLABAN ang RELASYON nila ni Alden!
KATHRYN BERNARDO: HINDI PINAGSISISIHAN ANG PAG-AARAL BILANG NORMAL NA ESTUDYANTE KAHIT SIKAT NA! Sa isang sit-down segment ng Pilipinas Got…
End of content
No more pages to load