Kyle Echarri malabong hinimas si Kathryn Bernardo

Hindi totoong hinimas-himas ni Kyle Echarri si Kathryn Bernardo sa nakaraang after-party ng ABS-CBN Ball 2025, kung ang pagbabasehan ay ang birthday post ng singer-actor para sa 50th birthday ng kanyang tatay.
Kasama sa ipinagpasalamat ni Kyle sa birthday message nito sa kanyang tatay.
Inisa-isa ni Kyle ang mga katangian nitong itinuro ng kanyang ama kabilang na ang pagrespeto sa mga babae.
Kakabit ang mga throwback at recent photo ng kanyang ama, pati na ang magkasama sila, maging ang baby photos ng yumao nitong kapatid, nag-tribute si Kyle para i-appreciate ang pagiging “best daddy” ng tatay niya.
“Happy 50th birthday to the man who taught me everything it takes to be a man. From kicking a futbol, fixing a car, riding a bike, respecting women in my life, taking care of your daughter, to standing up for what i believe is right. This man has shown me everything i need to know and has been my biggest idol in life. Thank you for loving mama and taking care of our family.”
Binanggit din ni Kyle ang yumao nitong bunsong kapatid pati ang malasakit nitong i-check ang kanyang kalagayan.
“I love you with all my heart pops and i will continue to make you feel proud everyday.” (Rey Pumaloy)






