Vice Ganda at Rodrigo Duterte
INALMAHAN ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda ang pagkalat sa social media ng fake quote card kung saan pinupuri ang dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi pinalampas ng TV host-comedian ang pekeng socmed post at pinabulaanan ang nakasulat dito matapos mag-trending ang kanyang pangalan kaugnay ng pagkaaresto ni Duterte.
Never daw siyang nagbigay ng ganitong pahayag sa social media o sa anumang news organization kaya agad siyang humingi ng tulong sa madlang pipol na i-report ito sa mga kinauukulan.
Ang mababasa sa nasabing quote card, “Ayaw kong magpakahipokrito ha, aminin natin nung time ni FPRRD, karamihan ng adik nagbagong buhay, karamihan sa mga kriminal nag uu nahang sumuko dahil sa takot kay Duterte.
“Confident kayong lumabas sa gabi dahil alam niyong yung mga kriminal at masasamang loob nabawasan na.
“Kung hindi si Duterte ang namuno ng pandemic, lahat tayo patay. Lahat ng pondo ng gobyerno ginamit ni Duterte maitawid lang tayo sa pandemic.”
Sa pamamagitan ng kanyang X at Facebook account, naglabas ng saloobin si Vice at mariin ngang pinabulaanan na siya ang nagsabi ng nakasulat sa quote card.
“I never stated this. Pls report,” ang sabi ni Vice sa kanyang X page kalakip ang nasabing pekeng quote card.
Ni-repost din niya ito sa FB at nilagyan ng caption na, “FAKE NEWS!
“Huwag paniwalaan ang kumakalat na pahayag na ito! Wala po akong inilabas o sinabi na ganitong statement.
“Maging mapanuri at huwag basta maniwala sa impormasyong walang malinaw o opisyal na pinagmulan. Please report!” sabi pa ni Vice.
Inaresto si Duterte kahapon sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa bisa ng arrest warrant mula sa International Criminal Court ng mga operatiba ng PNP-CIDG.
Kagabi, dinala na nga ng mga otoridad ang dating presidente sa The Hague sa The Netherlands kung saan nito haharapin ang mga kasong kanyang kinakaharap.
Sa isang panayam kay Sen. Bong Go, sinabi nitong nakatakda sana umanong magpa-check-up at sumailalim sa isang medical procedure sa Cardinal Santos Medical Center, San Juan City.
News
ARTISTANG INGGIT kay Nora Aunor NAGBAYAD sa DOKTOR sa JAPAN para SIRAIN boses ni Nora Aunor!
ARTISTANG INGGIT kay Nora Aunor NAGBAYAD sa DOKTOR sa JAPAN para SIRAIN ang Boses ng Superstar? Isang Kontrobersyal na Rebelasyon!…
Nora Aunor may mga NAKATAGONG SPORTS CAR! Grabe pala ang YAMAN ni Ate Guy Superstar talaga!
Nora Aunor’s Hidden Luxury: Sports Car Collection Revealed! Grabe ang YAMAN ni Ate Guy! Superstar Nora Aunor, kilala bilang “Ate…
Kris Aquino’s Choice: Bimby’s Future Wife?
Kris Aquino’s Shocking Choice for Bimby’s Future Wife? Fans Can’t Stop Talking! Is Kris Aquino already thinking about her son…
Kathryn Bernardo and James Reid teleserye in the works? Fans await ABS-CBN’s official reveal
Kathryn Bernardo and James Reid Teleserye in the Works? The Pairing Fans Never Saw Coming! Is ABS-CBN about to unveil…
LOOK: Kathryn Bernardo and Nadine Lustre for COSMOPOLITAN Philippines May 2025 issue.
QUEENS IN ONE FRAME: KATHRYN BERNARDO & NADINE LUSTRE SHAKE THE INDUSTRY! When two of the Philippines’ biggest stars come…
Kathryn PINAGLABAN ang RELASYON nila ni Alden!
KATHRYN BERNARDO: HINDI PINAGSISISIHAN ANG PAG-AARAL BILANG NORMAL NA ESTUDYANTE KAHIT SIKAT NA! Sa isang sit-down segment ng Pilipinas Got…
End of content
No more pages to load