Julie Anne San Jose and Ysabel Ortega talk about ‘Slay,’ love life, and career
Bumisita sina Julie Anne San Jose at Ysabel Ortega para ikuwento ang kanilang bagong show na Slay.
Mapapanood sina Julie at Ysabel sa Slay bilang Liv at Yana. Kabilang din sa kanilang pagbisita ang kuwento nina Julie at Ysabel tungkol sa kanilang buhay pag-ibig at marami pang iba.
Balikan ang kanilang kuwento sa Fast Talk with Boy Abunda.

Julie Anne San Jose and Ysabel Ortega
Dalawa sa pinakamahuhusay na Kapuso stars ang bumisita sa Fast Talk with Boy Abunda. Sila ay sina Julie Anne San Jose at Ysabel Ortega.
Slay
Ibinahagi nina Julie Anne San Jose at Ysabel Ortega ang kanilang mga karakter sa Slay na Liv at Yana. Napapanood na ngayon ang Slay sa online streaming service na VIU. Mapapanood naman ito sa GMA Prime simula March 24.

Cast
Makakasama rin sa Slay sina Gabbi Garcia bilang Amelie at Mikee Quintos bilang Sugar.

Julie Anne San Jose as Liv
Saad ni Julie Anne San Jose sa kaniyang karakter na Liv, “Liv is a very charismatic person. She’s very empowered. Actually, parang siya ‘yung pinaka-‘woke’ and relatable sa lahat ng bagay, whether it be like sa relationships, sa life, sa mga social issues.”

Ysabel Ortega as Yana
Inilarawan naman ni Ysabel Ortega ang karakter niyang Yana, “She’s a very positive type of person. Everything in the world is positive. Everything in the world is good. It’s very interesting kasi para s’yang ‘yung bunso ng four girls. So, she’s very fragile.”

Ysabel Ortega’s relationship with Miguel Tanfelix
Kuwento ni Ysabel Ortega ay pinaguusapan nila ni Miguel Tanfelix kung paano mag-grow ang kanilang relasyon ngayon magkaiba sila ng mga proyekto.
“We talked about how we’re going to handle our relationship now na nasa separate shows na kami. Parang we had the time na to develop and work on what we have so ngayon, we’re focused naman on growing as solo people, growing ourselves mismo.”

Proposal
Dahil itinuturing ni Boy Abunda na strong and empowered women sina Julie Anne San Jose at Ysabel Ortega, itinanong niya kung willing ba silang mag-propose sa kanilang mga boyfriend na sina Rayver Cruz at Miguel Tanfelix.
Sagot ni Ysabel, “I grew up talaga na, you know, pinalaki ako ng mama ko na traditional talaga. ‘Yung kailangan aakyat ng ligaw ‘yung lalaki, kailangan mag-e-effort din ‘yung lalaki to also show din how much he loves you. I think that’s one of the ways din.” Sinang-ayunan naman ito ni Julie Anne, “same answer.”







