Inilahad ni Toni Fowler sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ ang mga bagay na natutunan niya mula sa kanyang ex-boyfriends, kabilang na ang Ex Batallion member na si Jon Gutierrez na kilala rin bilang King Badger.
Nagpakatotoo ang controversial vlogger na si Toni Fowler tungkol sa kanyang mga naging karelasyon nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, April 8.
Sa panayam sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda, inilahad ni Toni ang mga bagay na natutunan niya mula sa kanyang ex-boyfriends, kabilang na ang Ex Batallion member na si Jon Gutierrez na kilala rin bilang King Badger.
Sabi ni Toni, “Natutunan ko do’n na, number one, tulad ng sinasabi ko sa kanila palagi, ‘wag ka magko-comfort ng bagong break up.”
Matatandaang nadawit ang pangalan ni Toni sa hiwalayan ni Jon at ng dati nitong asawa na si Jelai Andres ilang buwan lang matapos silang ikasal noong 2018.
Aminado si Toni na nakarelasyon niya si Jon noong 2016. Pero base sa isang one-hour long Facebook Live video na ipinost ni Mommy Oni noong March 23, 2019, nilinaw niya na hindi nanumbalik ang kanilang ugnayan ni Jon.
Patuloy ni Mommy Oni, “Number two, ‘wag kang maging dahilan ng ikakasakit ng puso ng isa pang babae kasi kakarmahin ka talaga. ‘Di lang din sa karma, mali ‘yun…magulo siya.”
Napagtanto rin daw ni Toni na “attention is not love.” Ika niya, “Akala ko kasi kapag may attention na binibigay sa ‘kin, love ‘yun.”
Sa ngayon, masaya ang puso ni Toni sa piling ng kanyang partner na si Vince Flores na mas kilala bilang Tito Vince. May anak na rin sila na nagngangalang Tyronne Valentine na isinilang ni Mommy Oni noong November 2024.
Ang nakatatandang anak ni Toni na si Tyronia, 13, ay anak niya sa dati niyang nobyo na si Aaron Manalo.
Alamin ang relationship timeline nina Toni Fowler at Vince Flores sa gallery sa ibaba:
News
ARTISTANG INGGIT kay Nora Aunor NAGBAYAD sa DOKTOR sa JAPAN para SIRAIN boses ni Nora Aunor!
ARTISTANG INGGIT kay Nora Aunor NAGBAYAD sa DOKTOR sa JAPAN para SIRAIN ang Boses ng Superstar? Isang Kontrobersyal na Rebelasyon!…
Nora Aunor may mga NAKATAGONG SPORTS CAR! Grabe pala ang YAMAN ni Ate Guy Superstar talaga!
Nora Aunor’s Hidden Luxury: Sports Car Collection Revealed! Grabe ang YAMAN ni Ate Guy! Superstar Nora Aunor, kilala bilang “Ate…
Kris Aquino’s Choice: Bimby’s Future Wife?
Kris Aquino’s Shocking Choice for Bimby’s Future Wife? Fans Can’t Stop Talking! Is Kris Aquino already thinking about her son…
Kathryn Bernardo and James Reid teleserye in the works? Fans await ABS-CBN’s official reveal
Kathryn Bernardo and James Reid Teleserye in the Works? The Pairing Fans Never Saw Coming! Is ABS-CBN about to unveil…
LOOK: Kathryn Bernardo and Nadine Lustre for COSMOPOLITAN Philippines May 2025 issue.
QUEENS IN ONE FRAME: KATHRYN BERNARDO & NADINE LUSTRE SHAKE THE INDUSTRY! When two of the Philippines’ biggest stars come…
Kathryn PINAGLABAN ang RELASYON nila ni Alden!
KATHRYN BERNARDO: HINDI PINAGSISISIHAN ANG PAG-AARAL BILANG NORMAL NA ESTUDYANTE KAHIT SIKAT NA! Sa isang sit-down segment ng Pilipinas Got…
End of content
No more pages to load