
GRABE ANG NAPALA NG MAG-ASAWA, SOBRA ANG GALIT NG ANAK NILA
Pebrero 2024. Sa loob ng isang bahay sa Pasig City, natagpuan ng mga kapitbahay ang mag-asawang Norberto Serano, 58 taong gulang, at Merlita Serano, 53 taong gulang, na wala nang buhay. Ayon sa paunang imbestigasyon, kapwa sila nasawi sa isang marahas na insidente sa loob mismo ng kanilang tahanan. Nang dumating ang mga pulis, walang nakitang palatandaan ng puwersahang pagpasok.
Walang sirang kandado, walang basag na bintana. Naroon pa ang lahat ng mahahalagang gamit. Hindi ito mukhang pagnanakaw kaya tinitingnan ng mga pulis ang ibang anggulo. Ayon sa mga kapitbahay, huling nakita si Jeremy Serano, ang anak ni Norberto sa unang asawa, na papaalis ng bahay noong gabi bago natuklasan ang dalawa. Ngunit hindi malinaw kung may kinalaman ba siya sa tunay na nangyari at kung mayroon man, ano ang kanyang motibo.
Balik-tanaw noong 2001 sa bayan ng Guagua, Pampanga, simple at tahimik ang buhay ng mag-asawang Norberto at Lidia. Si Norberto ay isang lokal na pulis sa istasyong iyon, kilala sa mahigpit na disiplina ngunit maayos makisama sa mga kapitbahay. Si Lidia naman ay isang guro sa pampublikong paaralan. Mabait, marangal, at tinitingala ng kanyang mga estudyante.
Sa kanilang tahanan, magkasama nilang pinalaki ang tanging anak na si Jeremy. Ngunit sa likod ng masayang imahe ng pamilya, unti-unting may nagbago. Mula sa masayang pagsasama, unti-unting nagbago ang ugali ng padre de pamilya. Naging madalang na ang pag-uwi nito sa kanilang bahay at nagpapanggap na may kinalaman ito sa kanyang trabaho. Noong kalagitnaan ng 2002, nakilala ni Norberto si Merlita Sandoval.
Isang batang babae na nagtatrabaho bilang administrative assistant sa presinto. Sa katunayan kaibigan, maganda at mabilis makakuha ng loob. Noong una, tila walang masama sa kanilang relasyon bilang magkatrabaho hanggang sa lumalim ang ugnayan. Madalas silang makitang sabay magtanghalian at kung minsan ay lumalabas nang magkasama pagkatapos ng duty. Sa mga sumunod na buwan, napansin ni Lidia ang pagbabago sa asawa.
Minsan habang inaayos niya ang uniporme ni Norberto, natuklasan niya sa loob ng pitaka nito ang ID ng isang babaeng hindi niya kilala. Inisip niya na marahil ito ang dahilan kung bakit nagbago ang ugali ng asawa. Hanggang sa isang gabi noong Nobyembre 2002, natagpuang wala nang buhay si Lidia sa kanilang bahay. Kinabukasan, lumabas ang ulat ng pulisya na namatay si Lidia sa isang aksidente.
Sinabing aksidente itong nadulas sa hagdan at hindi na nailigtas. Si Norberto mismo ang nag-file ng ulat. Labis na ipinagluksa ni Jeremy ang pagkawala ng kanyang ina. Samantalang tila walang ipinakitang emosyon si Norberto sa nangyari sa asawa. Mabilis itong bumalik sa normal na parang walang nangyari. Hanggang sa makalipas ang dalawang buwan, iniuwi na si Merlita Sandoval sa kanilang bahay at ipinakilala kay Jeremy na siya na ang makakasama nila sa mga gawaing bahay.
Bagama’t mahirap pa ring tanggapin ang nangyari sa ina, walang nagawa si Jeremy. Sa loob ng ilang linggo, unti-unting nagbago ang papel ni Merlita sa tahanan. Una, bilang tagapag-alaga ni Jeremy hanggang sa maging bagong asawa na ng kanyang ama. Pagkaraan ng ilang buwan, unti-unti ring nagbago ang loob ng bahay ng mga Serano.
Ang mga bulaklak na dati ay nakasalansan sa altar ay unti-unting nawala at ang mga larawan ay napalitan ng mga bago nina Norberto at Merlita; wala nang makikitang litrato ng yumaong ina sa dingding. Ang dating silid ni Lidia ay ginawang imbakan ng mga lumang gamit. Si Jeremy ay musmos pa lamang noong panahong iyon at hindi pa lubos na nauunawaan ang lahat.
Sa isip ng bata, ang lahat ay isa lamang aksidente. Araw-araw siyang bumabalik sa mga panahong buhay pa si Lidia. Ngunit hanggang sa ang lahat ay naging alaala na lamang. Sa paglipas ng panahon, unti-unting lumabas ang bagong anyo ng ama at ang tunay na ugali ng madrasta. Naging marahas at mapagmataas si Norberto; madalas niyang pagalitan si Jeremy kahit sa maliit na pagkakamali.
Si Merlita, na dati ay masiyahin, ay naging malamig at masungit. Hindi niya itinuring na anak si Jeremy bagkus ay parang isang estranghero. Mas lalong nagbago ang lahat nang ipanganak ni Merlita ang kanyang anak na si Roberto. Ang lahat ng atensyon at pagmamahal ay napunta sa kanyang kapatid sa labas. Naging matamlay ang kabataan ni Jeremy. Ganunpaman, ibinuhos niya ang sarili sa pag-aaral. Ngunit matapos ang high school, tinutulan ng kanyang madrasta ang pagpapatuloy niya sa kolehiyo, dahilan upang unti-unting mawalan ng ganang kumain si Jeremy.
Sa edad na 17, tuluyan na siyang umalis ng bahay. Sa harap nina Norberto at Merlita, walang sinabi si Jeremy. Tahimik niyang inimpake ang kanyang mga damit at lumabas dala ang mga luhang ilang taon niyang pinigil. Nanuluyan siya sa bahay ng kanyang lola na si Lerma sa Pampanga. Dito ay masaya siyang tinanggap ng mga magulang ng kanyang ina. Nanirahan siya roon at pumasok sa iba’t ibang trabaho hanggang sa mapunta sa isang repair shop.
Maraming taon ang lumipas, sa edad na 25, habang nililinis ni Jeremy ang lumang bag ng kanyang lola, may nahanap siyang isang sobre na matagal nang nakatago. Luma na ito, nanilaw, at may sulat ng kanyang ina rito. Ayon sa kanyang lola, kabilang ito sa mga gamit ng kanyang ina na nakuha niya pagkatapos ng libing, at iniuwi niya ito sa probinsya bago pa sunugin ni Norberto.
Ngunit dahil sa malabong paningin, hindi na nito nabasa ang nilalaman ng sulat na iyon. Sa loob ng sobre, naroon ang draft ng Affidavit sa pangalan ni Lidia Serano. Reklamo ito tungkol sa pangangalunya ng asawang si Norberto at ng isang babae mula sa istasyon. Nakasaad din ang address ng babae sa isang compound sa Santa Mesa, Manila. Natigilan si Jeremy.
Dahan-dahan niyang binasang muli ang sulat at doon niya unang naunawaan. Matagal nang alam ng kanyang ina ang pagtataksil ng ama at bago pa ito namatay ay nagtangka itong magsampa ng kaso ngunit hindi na naituloy. Natulala si Jeremy magdamag sa pag-iisip. Binalikan niya ang mga alaala ng nakaraan at ngayon ay muli itong naging sariwa sa kanyang isipan.
Alam niyang may mas malalim pa sa kanyang natuklasan at doon siya nagpasyang alamin ang buong katotohanan. Nobyembre 2023. Higit dalawang dekada matapos mamatay si Lidia Serano, bumalik si Jeremy sa Maynila. Nagpunta si Jeremy sa lumang presinto sa Pasig kung saan dating nakadestino ang kanyang ama. Itinago niya ang kanyang pagkakakilanlan sa mga tauhan doon.
Nang humingi siya ng kopya ng police report matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, napansin niyang ang kanyang ama mismo ang nag-file ng ulat. Ayon sa dokumento, nadulas sa hagdan at nahulog si Lidia. Walang autopsy, walang follow-up investigation. Ngunit may pangalan ng saksi, ang kanilang dating trabahador. Isang karpintero na sinabing nasa labas ng kanilang bahay nang mangyari ang insidente.
Amado Kalika alias Adong. Pagkatapos pumunta sa presinto, hinanap niya ang address ni Mang Adong sa isang bahay sa Pasig. Nahanap niya ang matanda. Noong una ay hindi siya nakilala nito. Ngunit nang banggitin niya ang pangalan ni Lidia, doon nagsimulang magbago ang tingin ng matanda. Hindi ito nag-atubiling sabihin kay Jeremy ang katotohanan dahil ayon sa kanya, matagal na niyang dinadala sa kanyang konsensya ang nangyari noong gabing iyon.
Inamin ni Mang Adong na noong gabi ng insidente, nagpapahinga siya sa labas ng bahay ni Jeremy matapos ang maghapong pagkakarpintero sa kanilang garahe. Narinig niyang nag-aaway ang ama at ina ni Jeremy tungkol sa ibang babae ni Norberto. Allegedly, nagbanta si Lidia. Ang asawa, at pagkaraan ng ilang minuto ay may hindi inaasahang nangyari. Ayon kay Mang Adong, hindi ito simpleng aksidente dahil may nakita siyang ginawa si Norberto.
Dahilan ng pagkahulog ni Lidia. Nang mapansin ni Norberto na nandoon si Mang Adong, tinawag niya ito at pinagbantaang papatayin siya at ang kanyang pamilya kung magsasalita. Dahil sa takot sa impluwensya ni Norberto, napilitan siyang manahimik at tinulungan pa raw niya si Norberto na linisin ang ebidensya. Humingi ng tawad si Mang Adong kay Jeremy habang umaagos ang kanyang mga luha.
Naramdaman ni Jeremy ang matinding galit sa kanyang ama. Sinabi niyang hindi niya mapapatawad ang ginawa nito sa kanilang pamilya. Samantala, pinuntahan naman ni Jeremy ang address ng kabit ng kanyang ama na nakalakip sa affidavit sa sobre. Luma na ang bahay. May bakal na bakod at kupas na signage ng dating karinderya. Nang magtanong siya sa tindera sa tapat, sinabing dati ngang nakatira doon si Merlita ngunit lumipat na sa Pasig.
Asawa na raw ito ng isang pulis. Natigilan si Jeremy sa kanyang narinig. Malinaw na ang lahat. Si Merlita Sandoval ang kabit ng kanyang ama noon. Ngayon ay legal na asawa na. Sa loob ng jeep pauwi, tulala si Jeremy. Narealize niya na kasinungalingan ang lahat ng nangyari at hindi aksidente ang pagkawala ng kanyang ina. Plano ito nina Norberto at Merlita.
Doon nagsimulang umusbong ang galit at determinasyon na bigyan ng katarungan ang kanyang inang si Lidia. Nang makabalik si Jeremy sa bahay ng kanyang lola sa Pampanga, hindi na siya mapakali. Gabi-gabi niyang binabasa ang sulat ng ina nang paulit-ulit hanggang sa maisaulo niya ang bawat salita. Nagplano siyang harapin ang kanyang ama at madrasta para pagbayarin sa kanilang kasalanan. Pebrero 2024, madaling araw sa Pasig City.
Tahimik ang kalsada sa tapat ng bahay ng mag-asawang Norberto at Merlita Serano. Lagpas alas-onse na nang kumatok siya sa gate. Bumukas ito pagkaraan ng ilang minuto. Nagulat si Merlita sa pagdating ni Jeremy at pinagalitan pa ito bago pinatuloy. Sa loob, nakaupo sa sofa si Norberto. Pagkakita sa anak, sandali itong natigilan, ngunit walang masayang pagtanggap. Pinagalitan pa rin siya sa kanyang hitsura.
Wala roon ang anak nina Norberto at Merlita nang oras na iyon. Nanahimik si Jeremy at ibinaba sa mesa ang sobre na sinabing dahilan ng kanyang pagbisita. Dahan-dahang binuksan ni Norberto ang sobre. Sa loob, nahanap niya ang mga dokumento mula sa pulisya at ang sulat ng yumaong asawang si Lidia. Sa unang mga salita pa lamang ng sulat, biglang nagbago ang ekspresyon ng matanda. Hiningi ni Jeremy ang katotohanan mula sa ama mismo. Umiling si Norberto.
Malamig ang boses nito. Nagbanta si Jeremy na gagawa siya ng paraan para bigyan ng gulo ang kanyang ama at si Merlita. Sa gitna ng tensyon, nagkaroon ng matinding komprontasyon sa pagitan ni Norberto at ng kanyang anak. Unang sumugod si Norberto at sinabihan si Jeremy na walang utang na loob. Nagbanta si Norberto na hindi makakalabas ng bahay si Jeremy at hindi nito maikakalat ang tungkol sa tunay na nangyari sa kanyang ina. Nauwi ito sa pisikal na sagupaan na humantong sa trahedya.
Parehong nasawi ang mag-asawa. Natigilan si Jeremy. Nanginginig ang kanyang kamay habang hawak ang isang matalim na bagay na nakuha niya sa kusina. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa nagawa. Lumabas siya ng bahay at isinara ang gate, dala ang mga dokumento sa mesa at hindi na lumingon pa. Dalawang linggo matapos ang insidente, nahuli si Jeremy sa Pampanga matapos lumabas ang isang saksi na nakakita sa kanyang lumabas ng bahay ng mag-asawa noong gabi ng insidente.
Kinasuhan siya ng double parricide. Sa korte, binigyan siya ng abogado mula sa Public Attorney’s Office para maging tagapagtanggol. Doon niya unang inilahad ang buong salaysay, ang sulat ng ina, ang kasaysayan ng pagtataksil ng ama, at ang tunay na nangyari kina Merlita at Norberto. Ayon sa kanyang abogado, ang ginawa ni Jeremy ay bunga ng matinding emosyon at self-defense o pagtatanggol sa sarili. Dahil sa banta sa kanyang buhay noong gabing iyon, ipinakita rin ang lumang affidavit ni Lidia. Kasabay nito,
Inimbitahan si Mang Adong sa korte para isalaysay ang kanyang kwento. Nakinig ang korte sa bawat detalye. Kalmado ang boses ni Jeremy ngunit mabigat. Wala siyang itinago o itinanggi sa kanyang nagawa. Matapos ang ilang buwang paglilitis, inilabas ang hatol. Napatunayan sa korte na hindi niya sinasadya ang nangyari sa kanyang ama at madrasta kundi resulta ito ng pagtatanggol sa sarili.
Ang tanging gusto lang niya ay makulong ang mga ito sa ginawa sa kanyang ina. Ngunit nang lumala ang sitwasyon, kailangan niyang protektahan ang sarili. Kinilala ng hukom ang self-defense bilang matibay na sirkumstansya sa ginawa ni Jeremy. Pinagtibay ito ng forensic report na isinagawa ng pulisya. Dahil dito, napawalang-sala si Jeremy.
Tinanggap ng korte ang testimonya ni Mang Adong at dahil dito, napatunayan ang sabwatan nina Norberto at Merlita sa trahedyang nangyari kay Lidia. Sa pagkakataong ito, naramdaman ni Jeremy ang katarungan hindi lang para sa sarili kundi para sa kanyang ina. Matapos ang pagdinig, nagyakap at sinalubong ni Aling Lerma ang kanyang apo. Samantala, kinausap ni Jeremy si Mang Adong at pinatawad ito sa pagtatago ng katotohanan.
Nagpasalamat si Mang Adong dahil tila nawala ang batong nakadagan sa kanyang dibdib na ilang dekada niyang pinapasan. Ang kasong ito ay paalala na ang katotohanan, gaano man katagal itago, ay laging may paraan para lumitaw. Sa tahanang dati ay binalot ng kasinungalingan, may isang anak na naging matapang para ilantad ang katotohanan.
Ngayon, sa wakas ay nakamit na ang katarungan at ang mga tunay na may sala ay nagbayad nang higit pa sa inaasahan. Nawa’y magsilbing aral ang kasong ito sa mga manonood na huwag nang ulitin ang ganitong uri ng pagkakamali sa hinaharap. Maraming salamat kakosa.






