Hindi raw inaasahan ni Alynna Velasquez na magiging viral ang pagbibigay-pugay niya sa late partner na si Hajji Alejandro sa Eastwood Walk of Fame kung saan may star ang OPM icon.

Sa kanyang post noong April 22, 2025, ipinahiwatig ni Alynna na hindi siya nakapunta sa lamay ng namayapang singer sa Heritage Memorial Park “for reasons I don’t have control of.”

Sa halip, pumunta si Alynna sa Eastwood Walk of Fame kung saan nag-alay siya ng kandila at bulaklak sa star ni Hajji roon.

 

Pumanaw si Hajji dahil sa metastatic colon cancer noong April 21, 2025.

Siya ay 70 taong gulang.

Twenty-seven years naging magkarelasyon sina Alynna at Hajji.

Alynna reminds netizens to not attack late partner's family

ALYNNA: “I didn’t point a finger at anyone.”

Sa Instagram noong Linggo, April 26, ibinahagi ni Alynna ang kuhang larawan niya sa star ni Hajji sa Eastwood Walk of Fame.

Ayon kay Alynnna, hindi niya intensiyong mag-viral ang post.

Saad niya sa caption: “Never in my wildest dreams did I imagine that my video would become viral.

“To me, it was just a quiet and solemn way to honor the man I love.

“I didn’t point a finger at anyone. I was ok with it. Rather, I blamed myself and just accepted my fate.”

Nang ibinahagi niya ito sa kanyang social media accounts, wala raw inaasahang atensiyon si Alynna mula sa publiko.

Wala rin daw siyang sinising tao o binanggit na kamag-anak na ayaw siya payagang pumunta sa burol ni Hajji.

Pero nagresulta raw sa malaking debate sa ilang netizens ang kanyang post.

 

“Over the pleasant and deeply impactful comments from my post, there were harsh pronouncements blown out of proportion.

“Nanganak na nang nanganak. Comment section became a debate box,” pahayag ng female singer.

Mayrooon daw sa pamilya ni Hajji na nirerespeto siya at may ilan ding hindi siya tanggap.

Tanggap daw niya ang kanyang kapalaraan.

Sabi niya, “Dear friends and followers, please don’t attack or blame the family.

“There are some members who respect me and those who hate my existence.

“It’s just my destiny and predetermined path. And I am also defective at times. For these, I apologize.

“My biggest regret is I let some people interfere with our lives. So many wasted time.

“Life is just so short. Love the people who love the people you love. [heart emoji]”

 

 

 

Sa comments section, kabilang ang aktres na si Claudine Barretto sa nagpaabot ng pakikiramay kay Alynna.

Claudine Barretto's message of sympathy