Hold Me Close ang pamagat ng pelikula nina Carlo Aquino at Julia Barretto na opisyal na kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Nang tanungin kung sino ang gusto niyang sabihan ng “hold me close,” ang madamdaming sagot ng 39-year-old actor: “Yung daughter ko, yeah, si Mithi.”
Patunay pa sa matinding pagmamahal ni Carlo kay Mithi ang malaking letra ng M na naka-tattoo sa pulso ng kanyang kanang kamay.
carlo and julia’s “catch up”
May anak na si Carlo pero binata pa ito nang umpisahan ang shooting ng Hold Me Close sa Saga Prefecture, Japan.
Unang nagtambal sina Carlo at Julia sa Expensive Candy noong 2022 at hindi pa siya kasal dahil naganap lamang noong Hunyo 9, 2024 ang pag-iisang-dibdib nila ng kanyang asawa na si Charlie Dizon.
Ikinuwento ni Carlo na “catch up” ang nangyari sa muling pagkikita nila ni Julia para sa promo ng kanilang pelikula.
“Catch up lang, kasi nga nung time na ginawa namin yung Expensive Candy, hindi pa ako kasal.
“Ngayon lang uli kami nagkita na married na ako. So itinatanong niya lang, how’s your married life?
“Noon naman [shooting ng Hold Me Close], kumustahan, kinukumusta ko si Ge [Gerald Anderson] dahil nakatrabaho ko si Ge. ‘Tapos si April [tunay na pangalan ni Charlie] kinukumusta rin niya.”
Malaki na na raw ang ipinagbago ni Carlo, ayon kay Julia.
Noong ginagawa raw nila ang Expensive Candy, “isang tanong, isang sagot” lamang ang kanyang leading man na iba na ngayon ang mindset kaya malalim na ang kanilang pagkakaibigan.
Gaya ni Julia, masaya si Carlo na ipinagmamalaki ang kanyang 27-inch-waistline dahil mararanasan niya muli na sumakay sa float para sa Parade of Stars ng 50th MMFF.
Matagal na panahon na ang nakalilipas mula nang magkaroon si Carlo ng filmfest entry at ayon sa kanya, “Puro Pinoy movies ang mapapanood this Christmas, saka excited nga din ako sa float.”
News
HOT: HINDI MAKAPANIWALA! ‘EAT BULAGA’ TULUYAN NANG MAGPAPAALAM – MGA TAGAHANGA, LABIS ANG LUNGKOT
HINDI MAKAPANIWALA! ‘EAT BULAGA’ TULUYAN NANG MAGPAPAALAM – MGA TAGAHANGA, LABIS ANG LUNGKOT 😢💔 Isang nakakagulat at nakakalungkot na balita ang…
HOT: Kathryn Bernardo Opens Up in Exclusive Interview – She and Alden Richards Are Now Officially Together
BREAKING: Kathryn Bernardo Opens Up in Exclusive Interview – She and Alden Richards Are Now Officially Together Kathryn Bernardo and…
OMG! CARMINA VILLAROEL IN SHOCK PA RIN MATAPOS ITONG MANGYARI SA KANYANG ANAK😭
CARMINA VILLAROEL IN SHOCK PA RIN MATAPOS ITONG MANGYARI SA KANYANG ANAK 😭 Isang Hindi Inaasahang Pangyayari! Hanggang ngayon, hindi…
Sh0cking! Marjorie Barretto, DINEPENSAHAN ang anak na si Julia sa gitna ng Camiguin issue
Marjorie Barretto, dinepensahan ang anak na si Julia sa gitna ng Camiguin issue – Marjorie Barretto has come to the…
OMG! Bianca Manalo Breaks Her Silence on the Sh0cking Allegations Against Win Gatchalian—What She Has to Say Will Leave You Speechless!
Hindi totoo. Ito ang mensaheng nais iparating ng beauty-queen-turned-actress na si Bianca Manalo kaugnay ng akusasyong may lihim na ugnayan umano sila…
Breaking! Emosyonal na Pamamaalam sa ‘It’s Showtime’—Mga Host, Napaiyak sa Surpresang Farewell ng Kanilang Kaibigan
Emosyonal na Pamamaalam sa ‘It’s Showtime’—Mga Host, Napaiyak sa Surpresang Farewell ng Kanilang Kaibigan Isang madamdaming tagpo ang naganap sa…
End of content
No more pages to load