Kumusta ka ba? Okay ka lang ba? Kaya pa ba? Yung totoo?

Sa mga tanong na iyan umikot ang “Magpasikat” performance ng grupo nina Ogie Alcasid, Kim Chiu, Lassy Marquez, at MC Muah Calaquian ngayong araw, October 22, 2024.

Nagtanghal ang apat na It’s Showtime hosts ng isang musical na may mga aerial stunts para sa 15th anniversary ng kanilang noontime show.

Madamdamin din ang “Magpasikat” performance na ito, tulad ng ipinakita ng Team Vice kahapon, na tungkol sa pagkapit sa pag-asa.

This time, tungkol naman sa pagpapahinga at pag-alaga sa mental health ang paksa ng team nina Ogie.

May mga original songs na inawit ang grupo. Surprise guest din si Morissette Amon.

 

PERSONAL STRUGGLES

Nagsimula ang performance sa isang video montage ng ilang mga celebrities na sumasagot sa tanong na “kumusta ka?”

“Kumakapit,” saad ni Lovi Poe.

“Okay naman,” sagot ni Bela Padilla.

“Pagod pero masaya,” sabi ni Carlo Aquino.

Matapos nito ay ipinakita na ang entablado na may engrandeng set-up. Puno ito ng mga naglalakihang video screens, mga hagdan at isang piano na nakapatong sa isang mataas na platform.

Sa pagsisimula ng tugtog ay ipinakita sina Ogie, Kim, MC at Lassy na tila naguguluhan at may malalim na iniisip.

Matapos nito ay sabay-sabay nilang kakantahin ang mga katagang, “Kumusta ka ba? Okay ka lang ba? Kaya pa ba? Yung totoo?”

Pagtigil ng tugtog ay isa-isang babanggitin ng mga hosts ang kanilang mga iniisip.

Una si Lassy, na nahihirapan umano sa pagbabayad ng bills.

Pangalawa si MC na napapagod sa concern niya sa ibang tao. “Ibang tao na lang ang iniisip ko, paano naman ako?”

Sunod naman si Kim Chiu na napapagod sa trabaho. “Halos araw-araw nagtatrabaho ako. Parang ubos na ubos na ako.”

Panghuli si Ogie, na nagbunyag ng kanyang struggles sa pag-maintain ng kasikatan sa kanyang edad.

“Sa dami ng mga hits ko, siguro na hit ko na yung quota ko. Panahon na siguro para tumigil ako. Sabagay, ang daming mga bata ngayon, ang gagaling. Mas magaling pa sa akin. Saka sila lagi ang hinahanap,” sabi ng master composer sa kanyang monologue.

Kim Chiu, Ogie Alcasid, Lassy and MC Magpasikat performance 2024
Ogie Alcasid plays the piano on a rotating stage 

Photo/s: Screengrab from It’s Showtime

Iniisip din daw ni Ogie ang retirement.

“Siguro, panahon na talaga para tumigil ako. Sabagay yung mga kasabayan ko, nagsitigil na rin sila,” sabi niya.

Matapos nito ay susubukan ni Ogie na tumugtog sa piano habang kumakanta ng isang bagong composition.

Habang tumutugtog si Ogie ay bahagyang tatagilid ang platform kung nasaan siya nakaupo, at iikot ito ng ilang beses. Nakatali naman si Ogie sa upuan para hindi siya malaglag.

Matitigilan lamang si Ogie sa pagkanta nang marinig ang boses ng kanyang anak na si Nate. Ipinakita rin nanonood ng live ang asawa niyang si Regine Velasquez.

Regine Velasquez watches husband Ogie Alcasid's Magpasikat performance
Regine Velasquez watches husband Ogie Alcasid’s Magpasikat performance 

Photo/s: Screengrab from It’s Showtime

MC AND LASSY

Next naman ay nag-shift ang eksena sa isang comedy bar kung saan nagtatrabaho sina MC at Lassy.

Dito ipinakita na kahit maraming trahedyang nagaganap sa buhay ng dalawang komedyante ay kailangan pa rin nilang magpatawa.

Ang death-defying stunt naman ng dalawa ay ang pagsabit sa isang cube na nakaangat at umiikot-ikot.

Habang nagpe-perform sa cube ay may voiceover na nagpe-play mula kina MC at Lassy.

“Kailan lang, lumubog sa baha ang bahay namin,” sabi ni Lassy.

“Bahay bang matatawag kung wala kang uuwian at yayakapin? Nami-miss ko na yung tunay kong pamilya,” saad ni MC.

“The show must go on… bawal tumigil! Maraming umaasa,” sabi nila nang sabay.

Kim Chiu, Ogie Alcasid, Lassy and MC Magpasikat performance 2024
MC (in black) and Lassy (in white) 

Photo/s: Screengrab from It’s Showtime

 

KIM CHIU ON STARDOM

Last si Kim, na ipinakita na napapagod pa rin siya kahit na nasa rurok ng tagumpay sa kanyang showbiz career.

“Ginagawa ko naman ang lahat. Binibigay ko ang higit pa sa dapat. Pero bakit kahit ano ang gawin ko, kulang na kulang pa rin sa inyo.

“Pitong araw sa isang linggo nagtatrabaho ako, dahil ayoko kayong ma-disappoint. Pinagdasal ko ito, pinangarap ko ito.

“Pero tao rin ako, napapagod din,” sabi ng chinita princess sa isang monologue.

Matapos nito ay sasayaw siya sa saliw kantang “Isa Pang Araw,” na live na inaawit ni Morissette Amon.

Buwis-buhay rin ang performance ni Kim. Nariyang nakasabit siya sa tali at sumisirko-sirko sa ere. Umarte ring siyang nag-trapeze papunta sa audience.

Sa dulo nito ay babagsak siya sa sahig at hahagulgol.

Kim Chiu, Ogie Alcasid, Lassy and MC Magpasikat performance 2024
Kim Chiu’s segment 

Photo/s: Screengrab from It’s Showtime

TIGIL, HINGA, KALMA

Sa sumunod na eksena ay magsasama-sama ang apat sa stage para mapanood ang mensahe ng kanilang mga kapamilya.

Para kay MC, may mensahe ang kanyang kapatid na si Archie, na nagpasalamat at nagsabi sa kanyang huwag niyang kalimutang magpahinga.

Para kay Lassy naman ay ang nanay niyang umiiyak.

“Maraming salamat sa iyo sa pag-asikaso mo sa akin. Nakpagpatayo ka ng bahay na para sa atin. Pero hindi naabutan ng ama mo, nawala na siya. After that, nabaha naman tayo,” sabi ng nanay ng komedyante.

 

Iyak lamang ang naisagot ni Lassy.

Pagpapatuloy ni Mommy Virgie, “Huwag mong masyadong isipin yung mga problema natin. Hindi mo naman kasalanan kung ano man ang mga masasamng nangyayari. Anak, I love you.”

Matapos nito ay nagyakapan sina MC at Lassy.

Next naman ang message para kay Kim, mula sa kapatid niyang si Lakam.

“Magpahinga ka lang. Kailangang mag-ipon ng lakas para galingan mo pa. Kung talagang mahal ka nila, maiintidihan ka nila. Tigil, hinga,” sabi ni Lakam.

Last si Ogie, na nanood ng mensahe mula sa anak niyang si Nate.

“Dad, you won’t get left behind because it isn’t a race. Remember why you make music. Tigil, hinga, kalma,” sabi ng nag-iisang anak nina Ogie at Regine.

Sa pagtatapos ng “Magpasikat” performance ng apat ay kakantahin mula nila ang mga katanungang, “Kumusta ka ba? Okay ka lang ba? Kaya pa ba? Yung totoo?”

Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na malungkot ang pagkanta nila kundi ay may tono nang matapang at masaya.

Pagkatapos ng kanta ay sasabihin nila ang sagot.

“Tigil, hinga,” sabi ni MC.

“Ikalma ang isip,” pagsunod ni Lassy.

“Ipagpahinga ang katawang-lupa,” saad ni Kim.

“Pakinggan ninyo ang inyong mga puso at alagaan ninyo ang inyong mga kaluluwa sapagkat hindi tayo nilikha para magkanya-kanya,” sabi ni Ogie.

At sabay-sabay nilang sasabihin ang susunod na mga kataga, “Kapag pagod ka na, tigil, hinga, kalma.”

Bukas, Miyerkules, ay ang team naman nina Vhong Navarro, Ion Perez, Amy Perez, at Darren Espanto ang magppapakita ng inihanda nila para sa “Magpasikat.”