May sama ba ng loob si Paulo Avelino sa Star Cinema?
Ito ang tanong ng netizens kaugnay ng binitiwang cryptic message ng aktor sa X (dating Twitter).
Huwebes ng hapon, January 9, 2025, nag-post si Paulo ng makahulugang patama sa hindi pinangalanang film company.
“Ma-experience nga na hindi tumapos ng pelikula,” waring sarkastikong saad ni Paulo kalakip ng laughing emoji.

Sa comments section, makikitang nabahala ang fans ni Paulo at Kim Chiu.
Nakilala ang tambalang Kim at Paulo, na may uniname na KimPau, sa teleseryeng Linlang at Pinoy adaptation ng What’s Wrong With Secretary Kim?.
Napagtagni-tagni ng fans na waring may kinalaman ang cryptic post ni Paulo sa inaasahang pelikula ng KimPau, ang My Love Will Make You Disappear, na iprinodyus ng Star Cinema.
Ang Star Cinema ang film company arm ng ABS-CBN Studios.

KIMPAU MOVIE
Noong December 23, 2024, sa premiere night ng Metro Manila Film Festival 2024 entry na And The Breadwinner Is… lumabas ang teaser ng KimPau movie.
Una iyong lumabas noong December 10 sa Instagram account, at December 11 sa YouTube channel ng Star Cinema.
Sa teaser trailer, makikitang nag-picnic si Kim sa Jones Bridge at doon ay nanonood ng romance K-drama.






