Eksklusibo at pasabog: ibinunyag ni Ellen ang nakakagulat na lihim

Posted by

Kabilang na si Angelica Panganiban sa group chat ng mga ex-girlfriend ni Derek Ramsay.

Ito ang ibinunyag ng mismong estranged wife ni Derek na si Ellen Adarna.

Bisperas ng Pasko, December 24, 2025, nagkaroon ng question-and-answer session si Ellen sa kanyang Instagram Stories, kung saan isa-isa niyang sinagot ang mga katanungan ng kanyang followers.

Isa sa mga tanong ay tungkol sa posibleng pagiging magkaibigan nila ni Angelica.

Si Derek, na naging boyfriend ni Angelica, ay nakarelasyon at naging asawa ni Ellen.

Ngunit makalipas lamang ang apat na taon ay naghiwalay rin sina Derek at Ellen.

“May chance po ba na maging friends kayo ni Ms. Angelica P.?” tanong ng isang netizen kay Ellen.

Ellen reveals Angelica joined Derek’s exes group chat

Photo/s: Screengrab Ellen Adarna on Instagram

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Walang pag-aalinlangan itong sinagot ni Ellen.

Aniya, sa ngayon ay hindi ito imposibleng mangyari dahil magkausap na sila ni Angelica.

Sa katunayan, si Angelica ay nasa group chat na raw ng mga nakarelasyon ni Derek na si Ellen mismo ang nag-create makaraan nilang maghiwalay ng aktor.

Pahayag ni Ellen sa video: “Actually, super chika na kami, dai. Kasama na siya sa [group chat].

“Manonood nga ako ng UnMarry. So relatable.”

Ang UnMarry ay ang pelikulang pinagbibidahan ni Angelica na kalahok sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF). Tungkol ito sa mga mag-asawang dumaraan sa annulment.