Diretso at mainit ang binitiwang pahayag ni Pasig Mayor Vico Sotto sa pagkaka-aresto kay Sarah Discaya.
Sinilbihan ng dalawang warrants of arrest si Discaya ng National Bureau of Investigation nitong December 18, 2025.
Una ay para sa violation of Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at pangalawala, ang Malversation of Public Funds or Property through Falsification.
Ang pangalawang warrant of arrest ay kaugnay sa milyun-milyong pisong halaga ng ghost flood control project sa Davao Occidental.
Inilipad sa Cebu si Discaya para iharap sa Lapu-Lapu City Regional Trial Court.
Si Discaya at ang asawa nitong si Curlee ay contractors sa bilyun-bilyong pisong halaga ng maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Si Sarah din ang naging katunggali ni Mayor Vico sa Pasig City mayoral race noong May 2025. Nanalo si Mayor Vico via landslide win para sa kanyang ikatlong termino bilang alkalde ng Pasig.
Si Mayor Vico ang unang kumuwestiyon sa umano’y anomalous projects ni Discaya, dahilan para maging isa sa pinakamalaking kontrobersiya ito ng taon, dahil sumambulat ang malalaking pangalang sangkot sa anomalyang kabilang ang mga politicians.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
MAYOR VICO tags discaya couple as “tagapagpasimuno”
Isang video ang inilabas ni Mayor Vico via Facebook account ngayong Sabado, December 20, 2025.
Direktang reaksiyon niya ito sa pagkaka-aresto ni Sarah Discaya at sa anomalya sa DPWH infrastructure projects.
“Una, sana mas marami pang mahuli at mapanagot,” simula ng alkalde.
Marami pa rin ang nadidismaya dahil wala pa ring malalaking tao ang napapanagot sa isyu, pero hindi napanghihinaan ng loob si Vico.
“Pero isipin na lang natin six months ago, ni hindi natin alam na ganito na pala kagrabe yung nangyayari sa DPWH projects.
“Six months ago, akala ng mga Discaya at ng marami pang iba na wala nang makakagalaw sa kanila… impunity.”
Sabi ni Vico, “Kahit papano nasa tama ang momentum.”
Read more about
Vico Sotto
Sarah Discaya
Mas lalo raw dapat maging alerto ang taong-bayan sa pagbantay sa koneksiyon ng mag-asawang Discaya sa ng maanomalyang flood control projects.
Apela ni Vico: “Pangalawa, wag sana nating kagatin ang propaganda ng mag-asawang Discaya na sila ay small fish o biktima lamang.

“Kung susuriin natin nang mabuti, hindi lang sila basta kontraktor. Sila ay naging tagapagpasimuno.
“Hindi lang isang administrasyon ang dinanaanan nila. Lagi nilang pinupuntahan yung mga congressman, nagpapa-meeting ng chief of staff, ‘tapos pinipresenta nila yung mga available na DPWH budget, lantarang nag-aalok ng advance, porsyento, SOP…”
VICO SOTTO ON ALLEGED INVOLVEMENT OF DISCAYA COUPLE’S KIDS
Hindi rin pinalampas ni Mayor Vico ang pagpapa-awa ni Sarah sa kanyang interviews.
Sabi ni Vico: “Pangatlo, sabi ni Madam Sarah, ‘Paano yung mga anak ko? Huhu.’ Sana naisip niyo iyan bago niyo dinamay ang mga anak ninyo sa mga kalokohan ninyo.
“Pangalan pa lang ng korporasyon ginawa lang santo, pero St. Gerrard, St. Timothy, St. Matthew, pati yung YPR [Discaya’s daughter].”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ang tinukoy ng alkalde ay ilan sa mga construction firms ng mag-asawang Discaya na ipinangalan sa kanilang mga anak.
Sa puntong ito, diretsahang inihayag ni Vico na ang mga anak nina Sarah at Curlee ay dawit umano sa negosyo ng mag-asawa.
Pagdedetalye pa ni Mayor Vico, “Si Matthew, Matthew Carl, binili ang St. Matthew Corporation [at] 18 years old nung 2022, sa halagang PHP245 million. Sana all PHP245 million nung 18 years old.
“Hindi bababa sa PHP17 billion ang naging infra projects na nito.
Sabi pa ni Vico ukol sa panganay ni Discaya: “Si Gerrard William Francisco, 18 years old noong 2021, nagparehistro ng [Way Maker One Person Corporation] PHP50 million authorized capital stock, PHP12 million paid-up capital…
“2023 alone, naka PHP3 billion ito. Property, ibang usapan pa iyan…”
Banat ng mayor sa mag-asawang Discaya: “Mister and Misis Discaya, hindi lang kayo nagnakaw. Tinulungan at tinuruan ninyo ang mga anak ninyong magnakaw.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Pang-apat na punto ni Vico, ni hindi raw makitaan ng pagsisisi ang mag-asawang Discaya.
“Sana magsisi sila, ano, at magsabi ng buong katotohanan.
“Pero sa nakikita natin wala talaga silang pagsisisi. Patuloy pang nagsisinungaling, paiba-iba ang kuwento…
“Nung una yumaman sa DPWH, sa dulo maliit ang kita sa DPWH, minsan lugi pa daw…
“Nung una binanggit si Speaker Martin [Romualdez] pati si Zaldy [co]. Sa dulo ngayon wala naman daw silang alam dun.
“Buti na lang una na nilang ipinangalandakan ang nakaw nila kaya halata tuloy sila ngayon.”
Pagbubunyag pa ng mayor, may nasagap siyang impormasyon na palihim umanong kumikilos ang mag-asawa para “mang-blackmail” ng mga pulitiko at mga empleyado nila.
Sabi ni Vico: “Gumagawa pa rin sila ng kasamaan. Dalawang congressman na ang nagkuwento sa akin na humihingi sila ng pera [o] cash, kapalit ng hindi pagsama sa kanila sa listahan o doon sa ledger.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Ilan na rin ang nagkuwento sa akin na tinatakot pa rin nila ang mga dati nilang empleyado para hindi tumestigo laban sa kanila. Blackmail…”
Pakiusap ng Pasig City mayor, “’Wag tayong tumigil. Patuloy nating gawin ang lahat ng makakaya natin para mapanagot ang dapat managot.
“We all have something to contribute. Let’s all do our part.”






