Pinarangalan si Direk Cathy Garcia-Sampana bilang Most Popular Film Director of the Year sa 53rd Guillermo Box Office Entertainment Awards para sa tagumpay ng pelikulang Hello, Love, Again.
Humakot din ng iba pang awards ang record-holder ng highest grossing Filipino film na umabot sa PHP1.6 billion ang sold tickets.
Phenomenal Box-Office King and Queen sina Alden Richards at Kathryn Bernardo, na kilala sa uniname na KathDen.
Movie Supporting Actor of The Year naman si Joross Gamboa; at Best Ensemble Acting For Movies ang buong cast.
Most Popular Film Producer ang Star Cinema; at Most Popular Screenwriters sila Carmi Raymundo, Crystal Hazel Miguel, at Olivia Lamasan.
Sa tagumpay ng Hello, Love, Goodbye at Hello, Love, Again, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Cathy kung may tsansa pang magkaroon ng third installment ang blockbuster movie na tinuring na highest grossing film of all time.
“Of course, the chance is always there, it’s just a matter of time,” sagot ni Direk Cathy.
“If time permits, pag ka may kuwentong maganda, why not? Di ko alam, ayokong magsalita ng tapos.
“Nothing is final, but we can hope, we can only hope. Kung may kuwento pa, why not?”
DIREK CATHY ON KATHNIEL
Si Direk Cathy din ang director ng blockbuster movies ng tambalan ng former reel-and-real-life sweethearts na sina Daniel Padilla at Kathryn, o kilala sa uniname na KathNiel.
Partikular na dito ang The Hows of Us (2018) at She’s Dating A Gangster (2014). Si Direk Cathy din ang director ng Got To Believe, ang prime-time series ng KathNiel na umere mula August 2013-March 2014.
May tsansa kayang magtambal muli ang ex-couple?
“KathNiel will always be KathNiel,” saad ni Direk Cathy.
Sabi pa niya: “They may be paired with others, pero marami pa rin ang may gusto sa kanila.
“Kung may kuwento namang bagay sa kanila, bakit hindi? Walang yes or no, e.”
Napapanood ngayon si Daniel sa Incognito, ang papatapos na action-drama series ng ABS-CBN Studios at Netflix Philippines.
Si Kathryn naman ay kakatapos maging hurado sa Pilipinas Got Talent.
Reaksiyon ni Direk Cathy sa magkaibang daang tinatahak ng dating magkasintahan:
“I’m always happy for both of them.
“Malalaki na sila, and I like them to experience the life that they wanted.
“Lahat naman desisyon nila, so I’m happy that they do it their way.”
Natuwa rin si Direk Cathy sa positibong feedback sa pagsabak ni Daniel sa action genre.
“Bongga, ang galing niya talaga. Matagal na pangarap niya yan, and I’m happy na finally nagkaroon siya ng action project, yeah.”
DIREK CATHY ON JOHN LLOYD-BEA
Bukas din si Direk Cathy sa posibilidad na muling magkatambal sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
Hinulma ni Direk Cathy ang box-office films ng mga ito: Miss You Like Crazy (2010), One More Chance (2007), at A Second Chance (2015).
Ilang beses na ring nabalita ang pag-uusap ng mga ito para sa isang proyekto, pero sa ngayon ay wala pa ring linaw kung matutuloy ito.
Pero di nawawalan ng pag-asa si Direk Cathy.
“Why not? Sabi ko nga, nothing is impossible when it comes to pairing. Lahat naman puwede.
“It’s just a matter of may tama bang kuwento for them. Lagi namang ganun, e. Kung may bagay para sa kanila, bakit hindi? Gawin natin.”
NEW FILM WITH ABS-CBN A-LISTERS
Sa ngayon, excited si Direk Cathy sa proyektong gagawin kasama si Maricel Soriano at iba pang sikat na Kapamilya stars.
Pagbabalita niya: “I have an upcoming movie with Piolo Pascual, Joshua Garcia, JK Labajo, Belle Mariano, and Diamond Star Maricel Soriano.
“I’m excited, super excited. First time naming mag-work together. Si Joshua pa lang nakatrabaho ko sa kanila and si Belle.
“The others, first time [ko] to do a movie with them. Pa-start na [ang filming], yes, labas this year.”
Aminado rin ang direktor na nakakaramdam siya ng pressure sa pelikulang ito.
“Sinabi ko na nga kay Maricel, ‘Ms. Maria, alam mo ba natatakot akong makatrabaho ka? Kasi Diamond Star ka na, e.’
“Ang bait-bait ni Ms. Maria na sabi niya, ‘Direk walang ganun, walang ganun. You can always tell me kung ano ang gusto niyong mangyari, kung ano ang gusto niyong gawin.’”
Sa huli, nagpahayag ng pasasalamat si Direk Cathy sa karangalang pinagkaloob sa kanya ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
“Super thankful, super blessed. Gusto kong ibalik sa lahat yung saya na mayroon kami.
“Mas inspiration makatanggap ng mga awards na ganito kasi pag Guillermo Awards, tao ang namimili, sila ang nagsasabi na marami kaming hearts na na-touch.
“Malaking success para sa amin talaga, and it inspires us to do movies na makaka-touch sa puso ng maraming manonood.”