From Predator to Playboy: Meet Henry, the 124-Year-Old Croc with a Legendary Love Life

Posted by

One hundred and twenty-four years old na si Henry, ang “oldest known crocodile in the world.”

Kabilang siya sa Nile species.

Nasa pangangalaga siya ng Crocworld Conservation Centre sa South Africa.

Henry with partner Colgate

Sa loob ng mahabang panahon niya sa mundo, sumobra rin ang laki ni Henry.

May haba siyang mahigit limang metro—16 feet 5 inches—mula sa kanyang ilong hanggang buntot.

Tumitimbang siya ng 700 kilograms o 1,543 pounds.

Bilang pagkukumpara, ang average Nile crocodile ay humahaba lang ng 4.5 meters (14.7 feet) at may timbang na around 410 kilograms (900 pounds).

Kung tutuusin, mas malaki kaysa kay Henry ang Philippine crocodile na si Lolong na nahuli noong 2011 at namatay noong 2013.

Si Lolong ay may habang 6.17 meters (20 feet 3 inches) at timbang na 1,075 kilograms (2,370 pounds)—ang pinakamalaking na-capture na crocodile.

Samantala, sa kabila ng tawag na Nile crocodile, ang species ni Henry ay matatagpuan lang sa malaking bahagi ng Africa.

HENRY HAS HAD SIX PARTNERS, MORE THAN 10,000 OFFSPRINGS

Pinaniniwalaang ipinanganak si Henry noong 1900 sa swamps ng Okavango Delta sa Botswana, batay sa ulat ng website na www.iflscience.com last June 25, 2025.

CONTINUE READING BELOW ↓

Wreaths from celebrities and politicians at Lolit Solis’s wake | PEP Hot Story

Napasailalim naman siya sa pangangalaga ng Crocworld Conservation Centre noong 1985.

Mula nang dumating sa Crocworld, nagkaroon si Henry ng anim na babaeng partners.

Sa pagtataya ng mga nag-aalaga sa kanya, nasa 10,000 ang kanyang naging anak sa loob ng 40 years.

Ipinagdiriwang ang kaarawan ni Henry tuwing December 16, kaya magiging 125 years old na siya ngayong taon.

Birthday greetings for Henry

Dahil sa wild siya ipinanganak, ang eksaktong petsa ng pagkaka-hatch sa kanya ay hindi tiyak.

Ibinahagi naman ng British TV show na Killer Crocs with Steve Backshall, nahuli si Henry noong 1903 ng isang elephant catcher na kung tawagin ay si Sir Henry.

Sa elephant catcher na rin isinunod ang kanyang pangalan.

Sa kasalukuyan, kasama ni Henry sa kanyang habitat ang 90-year-old crocodile na tinatawag namang si Colgate.

WHY CROCODILES HAVE LONG LIFE SPAN

Na-establish ng mga scientist na ang mga crocodile na nasa captivity tulad ni Henry ay maaari talagang mabuhay ng mahigit 100 years.

Natuklasang ang mga ito ay nagpapakita ng mataas na antas ng tinatawag na “negligible senescence.”

Ibig sabihin, kahit matatanda na, hindi mahahalata sa panlabas na anyo ang kanilang biological aging.

Itinuturing ding dahilan ng extreme longevity ang size nila kumpara sa ibang hayop.

May mga pag-aaral na nagsa-suggest na nakatutulong sa paghaba ng kanilang buhay ang unusual collection of microorganisms na naninirahan sa kanilang katawan.

Theoretically, batay sa pag-aaral ng mga scientist, ang crocodiles ay hindi namamatay dahil sa “old age.”

Ang madalas na dahilan ng kanilang kamatayan ay external factors gaya ng pagkagutom, aksidente, o dinapuan ng infectious disease.