Viral ngayon ang post ni Carla Abellana tungkol sa PrimeWater.
Sa post ng aktres kahapon, June 28, 2025 ay isiniwalat niya na may reklamo rin siya sa water provider na nagseserbisyo sa maraming lugar sa Pilipinas.
Sa Instagram Story ni Carla, nilagay niya ang screenshot ng isang email mula sa PrimeWater Tagaytay na naniningil sa kanya ng overdue payment.
“May we kindly follow up regarding the status of your payment? Kindly be informed of the disconnection schedule today,” saad ng email ng utilities company.
Sumunod naming ipinost ng Kapuso celebrity ang screenshot ng kanyang reply.
“Okay lang po. Halos wala din naman po kayo supply na tubig everyday, so parang ganun din naman po. But anyway, here’s the payment,” saad ng email ni Carla.
Agad na pinag-usapan online ang mga post ni Carla dahil marami ang naka-relate sa kanyang mga hinaing laban sa PrimeWater.
Matatandaan ngang naging malaking isyu noong nakaraang senatorial elections ang palyado umanong serbisyo ng naturang kumpanya.
Pag-aari ng Villar Family ang PrimeWater, at isa ito sa mga ipinukol na isyu sa tumatakbo noon sa pagkasenador na si Camille Villar.
Umabot pa nga sa Malacañang ang hinaing ng mga subscriber ng PrimeWater.
Sa isang press conference noong May 9, 2025, sinabi ng Palace Press Officer na si Claire Castro na bukas si Pangulong Bongbong Marcos sa pag-iimbestiga sa naturang kumpanya ng mga Villar.
“Tandaan po natin, ang estimated po na sinasabi na naaapektuhan po ng hindi magandang serbisyo ng PrimeWater ay umaabot na po sa 16 million na katao. So, kailangan lang po talaga itong mabilisang maaksiyunan,” saad ni Castro.
PRIMEWATER RESPONDS
Ngayong araw, June 29, 2025 ay nag-issue ng statement ang PrimeWater bilang sagot sa akusasyon ni Carla.
Sa statement ay nilinaw ng water services company ang halaga ng sinisingil nila sa aktres.
Nangako rin silang pagbubutihin ang pagbibigay ng tubig sa kanilang mga subscriber.
Narito ang buong statement ng PrimeWater:
“We acknowledge the concerns raised by Ms. Carla Abellana regarding her billing and water service in Tagaytay. We value all concessionaires and strive to keep communication clear and accurate.
“Ms. Abellana’s account remains active with a minimum consumption of 1 cubic meter, which explains the standard P194 bill, along with a P20 meter maintenance charge. In accordance with standard utility practices, all active accounts receive a minimum monthly bill regardless of usage. Our team also made an initial visit to the property and spoke with the caretaker to explain the concern and extend support.
“PrimeWater has been conducting daily water deliveries to help ease the inconvenience of households affected by low to no water pressure areas. We understand how essential water access is to daily life. That’s why we remain committed to improving the overall water system in Tagaytay, while continuing to follow standard protocols and providing assistance to every concessionaire in need. Our lines are always open should further concerns arise. Thank you.”