Naging tampulan ng mga biro at puna ang isang konsehal sa Tuguegarao City dahil sa opening prayer na binasa niya sa regular session ng city council noong June 17, 2025.
Lumalabas na gumamit daw siya ng AI (artificial intelligence).
Sa ChatGPT, for example, puwede itong i-command na mag-produce ng prayer gamit ang “write or code” tool nito.
In just a matter of seconds, gagawin nito ang request mo, at sa dulo, mababasa ang note na: “Feel free to review it and let me know if you’d like to add or change anything.”
Ito ang naging dahilan para mag-viral ang opening prayer, na na-broadcast live sa Facebook page ng Tuguegarao City council.
Narito ang binasa ng konsehala:
“May Your divine light shine upon us. Guiding us in our endeavors and filling our hearts with hope and inspiration.
“May we also pray… feel free to modify this prayer or tailor it to your specific needs and benefits…”
Saglit siyang tumigil bago niya sinabing, “This we ask in Jesus’ name, Amen…”
Ang video clip ay ni-repost ng mga vlogs at news media outlets.
NETIZENS REACT TO COUNCILOR’S AI-GENERATED PRAYER
Umani rin ito ng maraming reactions at comments—may nagbiro, may nagseryoso, may mga dismayado.
May mga hindi pa nakuntento at nag-post ng comment sa official Facebook account ng konsehala, na two years ago ang pinakahuling update sa feed.
Ang biro ng karamihan: “In ChatGPT we trust.”
Komento ng isa, “In ChatGPT, we pray.”
May tumawag naman sa konsehala ng “ChatGPT Queen.”
May nagkomentong “trending” ang video, at ang isa ay napansing “awkward” ang pangyayari.
May mga nagbatikos dahil kinailangan pang gumamit ng AI sa paggawa ng dasal.
Sambit ng isang netizen, “Kinopya na lang nga niya, binasa pa niya instruction.”
Komento ng isa pa, “Inasa sa AI pati prayer… Naku po. Hindi ba dapat ang prayer ay sa puso galing.”
May humirit ng: “Yung kinodigo na nga lang di man lang niya inayos, hays. Sana man lang inaral niya muna saglit bago niya binasa para naman sana magmukhang sincere yung prayer niya. Pero hindi eh, hays bagkus pinahalata pa niya. Tsk… Hays…”
At press time, hindi pa naglalabas ng reaction ang konsehala.
Pinadalhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe via Facebook Messenger, pero ang natanggap na response ay isang automatic message prompt.
Bukas ang website sa anumang pahayag na manggagaling mula sa kanya o sa kanyang kampo.