Pabirong sinagot ng actor-director na si Fifth Solomon ang komento ng isang basher na sinabihan siyang dapat “magpuntang mental hospital.”
Sa kanyang Instagram kahapon, June 25, 2025, nagbahagi si Fifth ng isang music video kung saan siya ang featured artist.
May kasama siyang dalawang seksing lalaki habang sumasayaw sila sa saliw ng kantang “Salot” nina Anton Antenorcruz, Rachel Gabreza, Raven Heyres, at Kumare Harvey.
Ang “Salot” ang official pride anthem ng Hoesik Bar Poblacion, bilang paggunita sa ipinagdiriwang na Pride Month sa buong mundo.
Si Fifth ang nag-produce at nag-compose ng kanta.
Post niya noong June 5: “PRIDE MONTH 2025 (Pride flag)
“This year, I composed and produced a song close to my heart—“SALOT”—the official Pride anthem of Hoesik Poblacion.
“Salot is a word that has been thrown at the LGBTQIA+ community to shame, silence, and invalidate us. But not anymore.
“Now, we say it loud. We say it proud. WE ARE SALOT.
“And we demand the respect we’ve always deserved.
“This is not just a song. It’s a statement. A reclaiming. A battle cry.”
FIFTH SOLOMON ANSWERS NETIZEN
Sa in-upload ni Fifth na video, nilagyan niya ito ng caption na “Andami nangyare Mami”
Sa comments section ng kanyang post ay ipinaabot ng ilang netizens na nagustuhan nila ang video ni Fifth.
Pero may isang basher na sinabihan si Fifth na pumasok na ng mental hospital.
Ayon dito, “need mo na magpuntang mental hospital baks”
Pinatulan ito ng actor-director
Pabiro niyang buwelta: “yoko walang phone beh tapos walang lock cr. Hirap mag bayis eme”
Kamakailan ay inamin ni Fifth na nakaranas siya ng mental breakdown dahil umano sa online bullying matapos niyang ibahagi sa publiko na gumastos siya ng malaking halaga para sa pagpaparetoke ng mukha.
Kasunod nito ang pag-anunsiyo niyang na-diagnose siya ng kanyang doktor na meron siyang bipolar disorder, isang “mental illness that causes unusual shifts in a person’s mood, energy, activity levels, and concentration. These shifts can make it difficult to carry out day-to-day tasks,” ayon sa National Institute of Mental Health.