Couple sets record for world’s longest kiss; splits after 10 years

Naging isang malaking balita sa buong mundo ang Thai couple na sina Ekkachai at Laksana Tiranarat noong 2013.
Kinilala kasi sila ng Guinness World Records matapos makapagtala ng record para sa “world’s longest continuous kiss.”
Ang event ay inorganisa ng Ripley’s Believe It or Not! Sa Pattaya, Thailand.
Nagsimula ito noong February 12, 2013—at natapos makalipas ang dalawang araw sa mismong Valentine’s Day.
Ang halikan nina Ekkachai at Laksana ay tumagal ng 58 oras at 35 minuto.

Hinangaan ang couple dahil sa kanilang pambihirang endurance at commitment para manalo at maitala ang panibagong record-breaking feat.
Kakaiba ang physical resilience na ipinakita nila dahil nanatili silang nakatayo nang magkadikit ang mga labi sa mahigit isang araw.
Hindi talaga sila natulog sa kabuuan ng challenge.
Kailangan ding magkadikit ang kanilang mga labi kahit may routine breaks.
Ang naging achievement noon nina Ekkachai at Laksana ay naglagay sa kanila sa atensyon ng buong mundo.
COUPLE ANNOUNCE THEIR SEPARATION
Ang nakakalungkot, inianunsiyo nina Ekkachai at Laksana na naghiwalay na sila.
Ibinahagi ni Ekkachai ang hiwalayan nila ng kanyang misis na si Laksana sa isang episode ng BBC Sounds podcast last February 17, 2025.
Hindi na siya nagdetalye ng mga dahilan ng kanilang separation.
Nagpahiwatig lang siya na unti-unti nilang naramdaman na nawala na ang magic sa pagitan nilang dalawa,
Ani Ekkachai, “It’s with a heavy heart that we share this personal change.”
Ipinabatid naman niya sa publiko na ang kanilang naging journey ni Laksana ay puno ng masasayang alala, bagaman aniya, panahon na para mag-move forward silang pareho sa magkaibang direksyon.
Nagpahayag naman si Ekkachai ng pagmamalaki sa naging once-in-a-lifetime achievement nila ng ex-wife kahit pa nagwakas na ang kanilang relationship.
EX-COUPLE STILL ON GOOD TERMS
Bago naitala ng former couple ang record noong 2013, una nila itong sinubukan noong 2011.
Sa kanilang unang try, tumagal ang kanilang kissing sa loob ng 46 hours and 24 minutes.
Dahil naman sa kanilang naging bagong record noon, nakapag-uwi sina Ekkachai at Laksana grand prize na 100,000 Thai Baht o PHP170,396.48.

Bukod dito, nagwagi rin sila ng dalawang diamond rings.
Bagaman at naghiwalay na, nananatili umano ang respeto ng ex-couple sa isa’t isa.
Nagkasundo rin sila na magkaroon ng maayos na co-parenting sa kanilang mga naging anak.
Samantala, sa ngayon, ang longest continuous kiss world record ay pinalitan na ng GWR ng longest kissing marathon.
News
Sh0cking Revelation! Ian de Leon Reveals the Cause of Nora Aunor’s De@th – What Hidden Truth Lies Behind the Passing of a Legend?
Inihayag ni Ian de Leon kung ano ang dahilan ng pagpanaw ni Nora Aunor noong Abril 16, 2025. “Technically and clinically…
Bombshell Truth Revealed! Ian De Leon Opens Up About His Distance from Nora Aunor – John Rendez Accused of Causing an Irreparable Rift in the Family!
BOMBSHELL TRUTH! Ian De Leon Opens Up About Distance from Nora Aunor — John Rendez Accused of Causing Irreparable Rift…
OMG! Emotional Bombshell After the Breakup: Kobe Paras Sends a Heartfelt Message to Kyline Alcantara – His Words Will Leave You Stunned and Speechless!
SHOCKING REVEAL! Kobe Paras Sends Emotional Bombshell Message to Kyline Alcantara After Breakup—What He Said Will Leave You Breathless and…
Step Inside the Legendary Original Home of Nora Aunor – Hidden Corners and Untold Memories Finally Revealed! (VIDEO)
Nora House Tour – Let’s Explore Her Original Home!!! (VIDEO) In an exciting and heartwarming new video, the legendary actress…
Nora Aunor’s Final Will Officially Revealed: Lotlot de Leon Sh0cked by Its Contents – What Did She See That Left Her Completely Speechless?
🔥 LAST WILL NI NORA AUNOR ISINAPUBLIKO NA! LOTLOT DE LEON GULAT NA GULAT SA NILALAMAN NITO! BUONG PAMILYA, NAPATAHIMIK SA…
Kim Chiu secret Revealed: She Quietly Gave an Enormous Amount to Nora Aunor—The Reason Behind It Will Break Your Heart!
Kim Chiu’s Secret Revealed: She Quietly Gave an Enormous Amount to Nora Aunor—The Reason Behind It Will Break Your Heart!…
End of content
No more pages to load