Itinanggi ng kampo ni Coco Martin ang akusasyon ni Robin Padilla na minamaltrato ng Kapamilya Primetime King ang production crew ng pinagbibidahan nitong primetime series. Si Coco, 39, ang lead star at direktor ng Kapamilya top-rating primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano, na apat na taon nang namamayagpag sa ere.
Sa sagot ni Robin sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post, pinaratangan ng action star si Coco na binubuhusan umano nito ng tubig ang mga kasama nito sa trabaho.
ROBIN PADILLA ON COCO MARTIN
Ngayong linggo ay aktibong-aktibo si Robin sa pakikipagsagutan sa mga netizen kaugnay ng franchise renewal ng ABS-CBN.
Sa magkakahiwalay na posts sa Facebook at Instagram, inihayag ng 50-year-old actor ang saloobin tungkol sa isyu.
Sabi ni Robin, hindi siya kontra sa franchise renewal, pero mas dapat daw unahin muna ang kapakanan ng mga tao sa production.
Sa comments section ng isa niyang Instagram post, isang netizen ang nagkumpara kina Robin at Coco.
Ayon sa netizen, dapat daw gawing ehemplo ni Robin si Coco, na maraming natutulungang mga walang trabaho.
Kilala ang teleserye ni Coco sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga artistang matagal nawala sa sirkulasyon.
Kabilang sa mga artistang napanood muli sa telebisyon dahil sa Ang Probinsyano ay sina Whitney Tyson, CJ Ramos, Mystica, at Rhed Bustamante.
Bahagi pa ng komento ng netizen (published as is): “pasensya napo kung di mo ako maintindihan at kung hinahalintulad kita kay coco pero mas da best at kapakipakinabang kung ang husay at galing mo ay ginamit mo sa maayos at mapayapang paraan”
Gaya ng inaasahan, sumagot dito si Robin.
Ayon sa action star, nagawa na niya ang mga ginagawa ngayon ni Coco, lalo na nung aktibo pa siya sa paggawa ng mga pelikula.
Dito binanggit ni Robin ang diumano’y pambubuhos ni Coco ng tubig sa isang production crew ng Ang Probinsyano, at pagpatol sa isang babaeng location manager.
Komento ni Robin (published as is): “napakarami ko pong pelikula na nagawa ko na ito
“nagkataon lang na wala akong ganang mag pelikula dahil sa nangyayari sa likod ng camera
“matagal na pong practice yan natutunan lang po yan ni direk coco sa mga naunang action stars
“siguro po mainam sabihin niyo po kay direk coco na wag bubuhusan ng tubig yun mga crew na nakakatulog sa pagod at pagpatol sa location manager na babae.”
Dagdag pa ni Robin: “Si john loyd po ay isa sa mga artista ng abscbn na katulad ko ay ayaw na gumawa”
Ang “john lloyd” na tinutukoy ni Robin ay ang aktor na si John Lloyd Cruz, na matagal nang hindi napapanood sa telebisyon dahil nais nitong ilayo ang buhay sa intriga.
Muling sumagot ang netizen kay Robin.
Saad nito (published as is): “ngayun na parating nyo na po sa kanya malinaw na may sama k ng loob finish na po
“at sa tingin ko si johnloyd may dahilan at di po sya katulad mo na may nasasabi.
“Pagpalain po kayu ng dios na may kapal tayung lahat
“harinaway maliwanagan at nasasa kanya na ang lahat ng nangyayari kahit tutol ka at ako at lahat sya pa rin ang gagawa ng lHat.”
Reaksiyon dito ni Robin: “ang pagsasabi ng totoo ay hindi sama ng loob ang katotohanan ay masakit pero ito ay nagsisilbing panggising sa mga tulong. Peace be with you”
May pahabol pang pakiusap si Robin sa netizen na kumampi kay Coco.
Komento ng action star (published as is): “mam bilang si direk coco po ang tumatayong tagapagtanggol ng mga artista ito po ba ay puedeng mailapit niyo sa kanya Galing sa aming mga artista
“Halimbawa pag gumawa tayo ng tv program or movie sa abscbn tapos ipapalabas nila sat tfc. Kikita sila don ng malaki pero di man lang tayo bibigyan kahit konti.
“Meron pa ngayon silang tv plus, i want tv , kbo at kung ano ano pa.
“Yung eksena natin sa tv ilalagay sa youtube channel nila kumikita po sila uli pero ni singko wala po tayo kapamilya pero Patayan ang bilang ng oras ng pag te taping na literal pati mga crew at Direktor namamatay talaga…”
NEWS ABOUT COCO
Marahil, galing ang impormasyon ni Robin tungkol sa pambubuhos diumano ng tubig ni Coco sa mga kasamahan nito sa trabaho sa isang ulat na lumabas sa Abante Tonite noong March 2018.
May titulo itong “Coco Martin pinagtripang buhusan ng tubig ang mga talent?”
Walang byline, na ibig sabihi’y hindi nakalagay kung sino ang nagsulat ng nasabing artikulo.
Ayon sa artikulo, isang source ang nagkuwento na nakausap niya ang isang talent sa top-rating teleserye ni Coco.
Kuwento ng source, nagpapahinga raw ang mga talent dahil sa sunud-sunod na eksena habang ang iba raw ay napapaidlip dahil sa pagod.
Maya-maya raw ay lumapit si Coco at binuhusan umano sila ng tubig.
Pinayuhan din daw ni Coco ang mga talent na maging professional sa trabaho dahil pinagdaanan din niya ang maging talent.
Walang pahayag mula sa panig ni Coco sa nasabing artikulo.
Pero sa dulo ng artikulo ay nabanggit na “biruan” lamang ang buhusan ng tubig.
NETIZENS REACT
Samantala, hati ang reaksiyon ng netizens sa paninindigan ni Robin tungkol sa isyu ng ABS-CBN franchise renewal.
May mga nakikisang-ayon at mayroon ding taliwas ang pananaw.
Isang netizen ang sumita kay Robin na sana raw ay ipinaglaban din nito ang mga empleyadong may ganitong suliranin na nasa ibang TV networks bago na-renew ang kanilang franchise.
Ipinaalala rin ng ilang netizens na binabatikos ni Robin ang ABS-CBN, samantalang ang network ang nagbigay sa kanya ng trabaho.
Ilan sa mga naging proyekto ni Robin sa Kapamilya network ay ang teleseryeng Sana Dalawa ang Puso Ko (2018), ang game show na Game ng Bayan (2016), at ang talent show na Pilipinas Got Talent (2016).
Sa ABS-CBN din nagtatrabaho ngayon ang ilan sa kanyang mga kamag-anak.
Mismong ang asawa nitong si Mariel Rodriguez ay bahagi ng noontime show na It’s Showtime.
Ang nakatatandang kapatid ni Robin na si Rommel Padilla ay kasalukuyang napapanood sa primetime series na A Soldier’s Heart.
Ang pamangkin niyang si Daniel Padilla ay isa sa top actors ngayon ng network.
Ang son-in-law naman ni Robin na si Aljur Abrenica, mister ni Kylie Padilla, ay bahagi ng afternoon drama series na Sandugo.
ROBIN DRAGS NAMES OF ANGEL, COCO, DINGDONG
May isa pang netizen ang humamon kay Robin na idetalye ang kanyang mga kinita noon sa ABS-CBN.
Tinatanggap daw ni Robin ang hamon, pero sa huli ay sinabi nitong dapat munang ganito rin ang gawin ng ibang malalaking artista.
Binanggit pa niya ang pangalan ng ilang artista, kagaya nina Coco, Angel Locsin, at maging ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.
Unang komento ni Robin: “mam handa po ako ilabas ang kontrata ko pati bankbook kung nais ninyo sabihan niyo po ang mga artista ng abs at gma para sabay sabay kami.”
Sumunod niyang komento: “itag niyo po si mam angel locsin, direk coco martin, sir dingdong dantes at maraming iba pa sabihin niyo lang po kung san kayo po ba ang sponsor?”
COCO’S CAMP REACTS TO ROBIN’S ACCUSATION
Ngayong Miyerkules, February 19, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Dreamscape Entertainment upang kunin ang kanilang panig sa akusayon ni Robin laban kay Coco.
Ang Dreamscape ay isang content provider sa ABS-CBN na nangangasiwa sa teleserye ng aktor na Ang Probinsyano.
Nagpadala ang PEP.ph ng dalawang mensahe sa isang taga-Dreamscape na ayaw magpabanggit ng pangalan.
Sa tugon nitong dalawang text messages, itinanggi ng source na minamaltrato ni Coco ang mga kasamahan niya sa teleserye.
Bagamat totoong may buhusan ng tubig sa set, isa lamang daw itong “biruan.”
Mensahe ng source mula sa Dreamscape (published as is): “Coco does not maltreat his staff and crew.
“Yung buhos tubig ay matagal na nilang laro sa mga teleseryes niya.
“Kapag napa-pack [up] ang taping, buhusan ng tubig ang katuwaan nila.
“Sinisiguro niya na may pagkakakitaan ang mga crew kapag natatapos ang programa.
“Katulad ng 12 crew na binigyan niya ng pedicab at panghanapbuhay.
“Halimbawa yung Scarface dating crew niya binigyan niya ng pagkakataong maging artista.”
Si Scarface ay lumabas sa first season ng FPJ’s Ang Probinsyano.
Ang pangalawang mensahe ng source sa PEP.ph ay naglalaman ng testimonya ng isang taga-production team ni Coco na nag-react tungkol sa buhusan ng tubig sa kanilang set.
Hindi nilagyan ng pagkakakilanlan ang staff member na nagpahayag ng mensahe.
Lahad nito (published as is): “Nakakatawa pati pagbuhos ng tubig ni kuya coco na issue na!
“Pati kaya ako nabuhusan nya din at gising na gising ako nun ah at d natutulog nungtime nang Juan Dela Cruz!
“Masayang biruan yun eh lalo na pag malapit na pack up.
“Takbuhan at tawanan lang kami nun walang at pikon!
“Hays maibato lang talaga sa mga tao.. sana okay lang si kuya.”
Ang Juan Dela Cruz ay ang teleseryeng pinagbidahan ni Coco noong 2013.
Isa ring malapit kay Coco ang nagpadala ng mensaheng ito sa PEP.ph ngayong araw (published as is): “Coco refuse to answer and will not make patol kay Robin.”
ROBIN HITS BACK AT FELLOW CELEBS
Nagsimula ang isyu nang mag-post nitong weekend si Robin sa Instagram tungkol sa malaking pagkakaiba ng mahihirap at mayayaman.
Ipinost niya ang bahagi ng artikulo sa www.rt.com na may titulong “Pope Francis endorses wealth redistribution, calls for an end to tax cuts for the ‘richest people’”
Ang post na ito ni Robin ay konektado sa ipinaglalaban daw niyang suweldo at benepisyo ng mga empleyado sa TV and movie production.
Noong nakaraang linggo, nag-post siya tungkol sa joint memorandum agreement ng Department of Labor and Employment at Film Development Council of the Philippines para sa “guidelines governing the working conditions and occupational safety and health of workers in the audiovisual production.”
Sa kanyang post, binatikos ni Robin ang Kapamilya artists and personalities na naghayag ng suporta sa ABS-CBN sa gitna ng bantang pagsasara nito.
Pinangangambahan ng ABS-CBN ang kanilang franchise renewal, lalo pa’t makailang ulit nang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang pagre-renew ng prangkisa ng giant network.
Nag-ugat ang pagkadismaya ng Pangulo sa ABS-CBN dahil sa hindi umano pag-ere ng ABS-CBN ng kanyang political ads noong 2016 presidential elections, kahit bayad na ito.
Si Robin ay kilalang solid supporter ni Pangulong Duterte.
Nakadagdag pa sa pangamba ng Kapamilya network ang quo warranto petition na isinumite ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court para kanselahin ang franchise ng ABS-CBN na mag-e-expire na sa March 30, 2020.
Bunsod nito, nagkaisa ang ABS-CBN stars sa panawagan nilang isalba ang kanilang home network.
Nag-post sa social media ang marami sa kanila, na sakaling mag-shut down ang network, libu-libong empleyado ang mawawalan ng trabaho.
Kinokontra ni Robin ang panawagan ng mga kapwa niya artista, na inuuna raw ang kapakanan ng TV network kesa sa kapakanan ng mga ordinaryong manggagawa ng istasyon.
Sa pamamagitan ng isang mahabang Facebook post, hinamon niya ang mga malalaking artista ng ABS-CBN at GMA-7 na ilabas ang kanilang mga kontrata at ikumpara ang kanilang sahod sa benepisyong natatanggap ng mga ordinaryong manggagawa.
At bagamat sinabi ni Robin na tinutulungan niya ang ABS-CBN sa kinahaharap nitong krisis, malinaw sa mga post ng aktor na kampi siya sa administrasyong Duterte.
Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng mga taong sangkot sa isyung ito.
News
Inside David and Victoria Beckham’s New $72.3 Million Waterfront Miami Beach Mansion
The power couple’s sprawling, contemporary South Florida compound overlooking Biscayne Bay comes complete with a gym, spa, and mooring for…
OMG! Coco Martin IBINUNYAG ang dahilan kung bakit siya mahigpit sa ibang tao
Coco Martin admits having ‘one longtime girlfriend,’ but insists on keeping personal life private. Coco Martin might be known for…
Coco Martin IBINUNYAG ang tunay na katauhan ni Julia Montes na punong-puno ng katatawanan
Kapamilya Primetime King Coco Martin has addressed the growing public interest in his relationship with actress Julia Montes, revealing his…
OMG! VICE Ganda INILAHAD na nagkagusto siya sa KANYANG kaibigan na si COCO MARTIN
Sa isang kamakailang panayam, nagbigay ng isang nakakagulat na pahayag si Vice Ganda, ang kilalang komedyante at host ng telebisyon,…
Coco Martin was STUNNED when he read the message from his biological father sent to Julia Montes on Valentine’s Day
Julia Montes gets Valentine’s Day message from dad Julia Montes and her biological father were only reunited last December. Photo from…
SHOCKING! Si Herbert Bautista – ex-boyfriend ni Ruffa Gutierrez, HINATULANG makulong ng hanggang 10 taon
Herbert Bautista, hinatulang makulong ng 6 hanggang 10 taon ng Sandiganbayan – Former Quezon City mayor Herbert Bautista and his…
End of content
No more pages to load