Derek refutes alleged Pernilla reaction to Andi-Philmar issue

Ano ang tunay na Instagram account ni Pernilla Sjoo?
Ito ngayon ang tanong matapos mabasa ang post ng aktor na si Derek Ramsay na nagsasabing hindi lehitimo ang screenshots ng umano’y reaksiyon ni Pernilla sa isyu ni Andi Eigenmann at ng partner nitong si Philmar Alipayo.
Lumalabas ding ni-repost ni Ellen Adarna ang parehong post ni Derek. Burado na ito subalit may ilang blogs na naka-screenshot sa IG Story na ito ng aktres.
Ang mag-asawang Derek at Ellen ay malapit na kaibigan ni Pernilla.
Si Pernilla, isang Siargao-based Swedish underwater photographer, ang itinuturong dahilan ng alitan nina Andi at Philmar.
Nagsimula ang lahat nang nag-post si Andi ng cryptic message, sa pamamagitan ng Instagram Stories, ukol sa “snake” umano sa relasyon nila ni Philmar.
Kalaunan, tinukoy ni Andi na ang “snake” ay ang kaibigang babae ni Philmar na hinikayat umano ang surfer na magkaroon sila ng matching tattoos.
Ginawa raw ito ng female friend kung kailan nag-away sina Andi at Philmar.
Sinabi rin ni Andi na ang female friend na ito ang naghikayat daw kay Philmar na hiwalayan ang aktres.
Hindi pinangalanan ni Andi kung sino ang babaeng tinutukoy niya, ngunit kumalat ang ilang larawan sa social media kunsaan makikita sina Philmar at Pernilla na may matching tattoos.
Si Pernilla pa mismo ang nag-post sa kanyang Instagram account ng larawan nila ni Philmar nang magpa-tattoo sila.
Nakita pa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang post na iyon ni Pernilla sa kanyang Instagram account na @pernillasjoo.
Nang kumalat ang IG Stories ni Andi tungkol sa sama ng loob niya sa pagpapa-tattoo nina Philmar at Pernilla, tinanggal ni Pernilla sa kanyang IG account ang larawan nila ni Philmar noong Sabado, February 8, 2025.
Makalipas ang ilang saglit, deactivated na at hindi na searchable ang Instagram account ni Pernilla.
Pero sa kabila ng pag-deactivate ng kanyang Instagram account, may mga kumalat na screenshots ng reaction diumano ni Pernilla, sa pamamagitan ng Instagram, sa pagkakadawit niya sa hidwaang Andi at Philmar.
Sa sinasabing reaksiyon ni Pernilla, umapela siya ng pang-unawa at simpatiya sa gitna ng pambabatikos sa kanya ng netizens.
Binitbit ng ilang news sites at blogs ang screenshots ng umano’y reaksiyon ni Pernilla.
DEREK’S and ellens REACTION IN DEFENSE OF PERNILLA
Nitong Lunes, February 10, ni-repost ni Derek ang screenshot ng IG Story ng isang netizen na pinuna ang ilang news sites na nagsulat ng reaksiyon umano ni Pernilla ukol sa kontrobersiya.
May naunang ganitong post si Ellen.
Lumalabas na hindi galing sa lehitimong IG account ni Pernilla ang mga screenshot na iniulat ng lehitimong news sites.
Mahihinuha ring ang netizen na nag-post ng pagpuna sa news sites ay personal na kakilala nina Derek at Ellen.
Kalakip ng post ng netizen ang screenshots ng online news sites na nagsulat ng reaction umano ni Pernilla sa Andi-Philmar issue.
Caption ng netizen: “GMA & Inquirer publishing a ‘statement’ sourced from a FAKE account. Her personal account has been deactivated the entire time.
“Philippine Media, madlang people.”


Hanggang ngayon ay deactivated pa rin ang Instagram account ni Pernilla na @pernillasjoo.
Samantala, nag-update naman si Philmar na nagkaayos na sila ni Andi.
Iniulat din ng PEP.ph ang sinasabing reaction ni Pernilla sa isyu kalakip ang paglilinaw na hindi kinukumpirmang si Pernilla ang nagmamay-ari ng Instagram account na ito.
Kinuwestiyon din ng PEP.ph kung ito nga ba ang lehitimong IG account ni Pernilla.
News
Sh0cking Revelation! Ian de Leon Reveals the Cause of Nora Aunor’s De@th – What Hidden Truth Lies Behind the Passing of a Legend?
Inihayag ni Ian de Leon kung ano ang dahilan ng pagpanaw ni Nora Aunor noong Abril 16, 2025. “Technically and clinically…
Bombshell Truth Revealed! Ian De Leon Opens Up About His Distance from Nora Aunor – John Rendez Accused of Causing an Irreparable Rift in the Family!
BOMBSHELL TRUTH! Ian De Leon Opens Up About Distance from Nora Aunor — John Rendez Accused of Causing Irreparable Rift…
OMG! Emotional Bombshell After the Breakup: Kobe Paras Sends a Heartfelt Message to Kyline Alcantara – His Words Will Leave You Stunned and Speechless!
SHOCKING REVEAL! Kobe Paras Sends Emotional Bombshell Message to Kyline Alcantara After Breakup—What He Said Will Leave You Breathless and…
Step Inside the Legendary Original Home of Nora Aunor – Hidden Corners and Untold Memories Finally Revealed! (VIDEO)
Nora House Tour – Let’s Explore Her Original Home!!! (VIDEO) In an exciting and heartwarming new video, the legendary actress…
Nora Aunor’s Final Will Officially Revealed: Lotlot de Leon Sh0cked by Its Contents – What Did She See That Left Her Completely Speechless?
🔥 LAST WILL NI NORA AUNOR ISINAPUBLIKO NA! LOTLOT DE LEON GULAT NA GULAT SA NILALAMAN NITO! BUONG PAMILYA, NAPATAHIMIK SA…
Kim Chiu secret Revealed: She Quietly Gave an Enormous Amount to Nora Aunor—The Reason Behind It Will Break Your Heart!
Kim Chiu’s Secret Revealed: She Quietly Gave an Enormous Amount to Nora Aunor—The Reason Behind It Will Break Your Heart!…
End of content
No more pages to load