Katakut-takot na batikos ang kinakaharap ngayon ng mag-asawang vlogger na Shaun Pelayo at Crissa Liaging, o mas kilala bilang Habibi, mula sa fans ng Kapamilya actress-TV host na si Anne Curtis.

Ito’y matapos nila diumano patutsadahan sa kanilang Facebook Live si Anne, makaraang mag-viral online ang pagpunta ng It’s Showtime host sa Siquijor island.

March 21, 2025, nang ipost ni Anne sa kanyang Instagram ang mga kuhang video at larawan ng pagtungo niya sa Siquijor.

Kabilang na sa mga pinuntahan ni Anne ang centuries-old banyan tree at Cambugahay Falls ng nasabing isla.

Mabilis na pinag-usapan online ang mga kuhang video at larawan na ito ni Anne, at marami sa kanyang mga tagahanga ang namangha sa ganda ng Siquijor island.

Anne Curtis

Anne Curtis delights followers with a mesmerizing travel video showcasing her visit to the magical island of Siquijor. 
Photo/s: Anne Curtis on Instagram

SHAUN AND HABIBI COMMENT criticized by NETIZENS

Noong April 18, nag-live sa Facebook sina Shaun at Habibi, at dito nabanggit ang hindi raw nila naramdamang suporta ng Siquijor government kahit na pa’t matagal-tagal na nilang pinu-promote ang tourist destinations dito.

Sina Shaun at Habibi ay parehong nakatira ngayon sa Siquijor.

Patungkol sa pagta-travel ang kadalasang content sa kani-kanilang vlogs.

Kung bibisitahin ang kanilang accounts ay makikita ang madalas na pagba-vlog sa Siquijor.

 

Balik sa Facebook Live ng mag-asawa, nabanggit sa comments section ng kanilang followers ang tungkol sa pagsikat ng Siquijor sa social media.

Nag-sentiyemento rito ang mag-asawang Shaun at Habibi sa wikang Bisaya.

Ani Shaun (base sa tagalog translation), “Ako, promoting the island again pero walang acknowledgement.”

Mabilis itong sinang-ayunan ni Habibi.

Saad niya, “If I will be the ano [local government], I will say thank you for always promoting Siquijor.

“Dapat ma-appreciate din nila si Shaun dahil nag-promote din naman siya ng Siquijor.”

NETIZENS REACTION

Pinag-usapan online ang pahayag nina Shaun at Habibi.

Maraming netizens, partikular na ang mga taga-Siquijor, ang nagsabing “entitled” ang dalawa.

Ayon sa mga ito, hindi lang naman daw sina Shaun at Habibi ang nagpasikat at nag-promote sa Siquijor, kaya’t hindi raw nila maintindihan kung bakit humihingi ng “acknowledgement” ang dalawa.

Kung acknowledgement lang daw kasi ang pag-uusapan, dapat ay humingi na si Anne dahil siya naman ang isa sa nagparami ng turista sa lugar nitong mga nagdaang araw dala ng kanyang Siquijor trip.

Dagdag pa rito, matagal na raw nakikilala ang Siquijor dahil sa kamangha-manghang mga tanawin dito bago pa man ito i-vlog nina Shaun at Habibi.

Saad ng isang netizen (published as is), “Siquijor has long been known for its beautiful beaches, stunning waterfalls, and the iconic ‘love potion.’ Tourists have been visiting for years long before that couple became publicly known!”

Tanong ng isa (published as is), “Even if you don’t promote Siquijor, it’s already well-known, why are you asking for gratitude in return?”

Sabi pa ng isa (published as is), “Sino ba sila? Hahahaha. I mean Siquijor is known even before the fairy walk of Anne Curtis, or even them ‘promoting’ the island.”

“Ang pagpopromote ng kusa sa puso ay dapat walang hinihinging kapalit. Dapat hindi kayo nagdedemand coz in the 1st place kilala naman na Siquijor kahit di niyo ipromote. Lastly, ginusto niyo yan,” dagdag pa ng isa.

Kung mayroong hindi pabor sa paghingi ng acknowledgement nina Shaun at Habibi ay mayroon din namang netizens na nagtanggol sa kanila.

Sentiyemento ng isang netizen (published as is): “Ako promoting the Island again pero walang acknowledgement (by Shaun). Personally di ko sila kilala (habibi and shaun) pero madami akung post nakikita na they are promoting the Philippines Specially the Siquijor Island.

“Let’s be real malaki naman talaga ambag nila kasi they keep promoting the Island of Siquijor, I understand yung point nila and para sakin deserve nila more than acknowledgement sa Tourism ng Siquijor mismo.

“Dahan-Dahan tayo sa bashing kasi di natin alam ang full story niyan specially between Siquijor Island and Habibi and Shaun.

“Maging masaya nalang tayo sa success ng dalawa and sympre ang Island and let’s continue promoting it, not just the Siquijor but buong Pinas.”

Pahayag pa ng isa (published as is), “Hindi ako fan ni habibi pero sa panahon ngayon mahirap naba mag Thank you? Deserve din naman na mabigyan sila ng acknowledgement.”

Sabi pa ng isa (published as is), “Si shaun talaga is taga siquijor kahit saan siya nag mo-model-model dala-dala din nya bandera ng siquijor. Na misinterpret lang sila. Yung mga basher lang talaga exaggerated lang maka react.”

SHAUN Pelayo FINALLY SPEAKS UP after BASHING

Sa gitna ng samu’t saring batikos, minarapat ni Shaun magsalita.

Sa pamamagitan ng isang video na ipinost sa kanyang Facebook account nitong Lunes, April 21, inako ni Shaun ang pagkakamali kung may na-offend man daw sila ni Habibi sa mga sinabi nila.

Pahayag ni Shaun (as heard in the video): “I haven’t addressed any controversy online yet, pero it’s getting out of hand so I take full responsibility and accountanbility for the comment that I made on a Facebook Live.

“As you all know, a lot of my day revolves around making content and I’m on live a lot and I need to be super conscious of any throwaway comment that I made ’cause it could offend and could offend someone.

“And if it has offended anyone that I do, I apologize. I’m sorry and that was never my intention to bring any negativity, so apologize.

“I wanna speak about the news articles because I’m so shocked, It’s crazy.

“I’m reading it and I’m so surprised myself so you need to make your own minds up about that. But I don’t know what’s this and then.”

Alam at nababasa raw ni Shaun ang mga positibo at negatibong komento tungkol sa kanila ni Habibi.

Kaya naman taus-puso raw ang pasasalamat niya sa mga nagtatanggol at nakakaintindi sa kanila.

Aniya (as heard in the video): “In regards to the fans, daghang salamat [thank you so much] for all the support online and in person.

“Everyday I’m still in Siquijor, everyday many of the people of Siquijor still come to me, my kababayan and they’re showing me love and they’re making me feel welcome still.

“They’re showing so much understanding and I’ve got so much love and appreciation for them, so thank you from my heart.

“My love belongs to Siquijor still.”

May mensahe namang nais ipabatid si Shaun sa lahat ng mga bumabatikos sa kanila.

Saad pa niya: “In regards to the negative [comments] and bashers, they’re taking it too far, I feel when they’re sending death threats to me and my asawa [Habibi] so that’s unacceptable on any level and I don’t appreciate that.

“Let’s try and move forward about this.

“I’m gonna be positive, and I don’t want anyone to have a bad image of Siquijor and any of the people that are supporting me.”

Dagdag din niya, “I didn’t just move [to] Siquijor as an adult, like this is my only memories of the Philippines has been Siquijor.

“Since I was bata…my only image of the Philippines is Siquijor, this is why I love it so much.”

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na reaksiyon sa isyu si Anne Curtis.