Robi: “I don’t tolerate this behavior.”

Hindi pinalampas ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo ang aniya’y pagbabanta sa kanya ng isang netizen tungkol sa posibleng pagtatambal nina Kathryn Bernardo at Donny Pangilinan.
Sa Instagram nitong Sabado, February 22, 2025, nag-post si Robi ng mga larawan at video kuha sa photo shoot at taping ng Pilipinas Got Talent (PGT) Season 7.
Noong February 21 isinapubliko ng ABS-CBN ang pagbabalik ng PGT, at sa edisyong ito ay si Robi ang magsisilbing host kasama si Melai Cantiveros.
Sina Kathryn at Donny naman ay mga judges kasama sina Eugene Domingo at Freddie “FMG” Garcia, na naging president ng Kapamilya network mula 1997 hanggang 2003.
Balik sa post ni Robi, proud at masaya niyang ibinahagi ang behind-the-scene photos at video.
Isang karangalan para sa kanya na maging bahagi ng PGT, na dati ay pinapanood lang niya.
Mababasa sa kanyang caption (published as is), “From being a fan to now being part of this legendary show—what a dream come true!
“Honored to be here alongside an amazing team. Pilipinas, let’s celebrate talent like never before. The stage is set!”
ROBI ALARMED BY THREATS HE RECEIVE
Sa comments section ng post ni Robi, isang netizen ang nagkomento na may tonong pagbabanta sa TV host.
Kung saka-sakali man daw na pagtambalin sina Kathryn at Donny sa show, sisiguraduhin daw ng netizen na maba-bash nang husto si Robi ng mga tagahanga ng DonBelle—ang moniker ng love team nina Donny at Belle Mariano.
Komento nito (published as is) “@iamrobidomingo ay subukan mo lang na i-match si @donny at @bernardokath ready ready and solid supporters ni Belle Mariano na ibash ka mula ulo mo hanggang paa. WAG MO ITOLERATE yung KA LANDIAN ng peste mong kaibigan.”
Napansin ni Robi sa komentong ito kaya’t agad-agad din niya itong sinagot.
Buwelta ni Robi (published as is), “Can I consider this as a threat? Can I take legal actions against this?
“I don’t tolerate this behavior.”

KATHRYN-DONNY POSSIBLE PAIRING
Naging usap-usapan online ang posibleng pagpapareha kina Kathryn at Donny matapos silang ipakilala bilang mga bagong judges ng PGT.
Bukod pa rito ang napabalitang panliligaw diumano ng aktor kay Kathryn matapos maghiwalay ang aktres at ang long-time boyfriend nitong si Daniel Padilla.
Kung saka-sakaling ipareha si Donny kay Kathryn, paano na ang ka-love team nitong si Belle?
Ayon sa bulung-bulungan, baka ipares daw si Belle kay Robbie Jaworski, na nag-join sa Star Magic late last year.
Samantala, wala pang inilalabas na detalye ang Star Magic tungkol sa ispekulasyong magkakaroon ng mga pagbabago sa mga Kapamilya love teams this 2025.
News
SH0CK: Marjorie Barretto, Hindi Na Nakapagpigil: ‘My Kids Are Hurting Dahil Kay Dennis Padilla’ – Hindi Niyo Alam Ang Nangyayari Behind Closed Doors!
As she bares details of Dennis’ alleged physical, verbal, financial, and emotional abuse (From left) Marjorie Barretto and Dennis Padilla….
Julia Barretto BINANATAN si Dennis Padilla sa Kasal ni Claudia — Lahat na-SH0CKED sa Mga Binitawang Salita Niya!
Julia Barretto NAGSALITA NA laban sa AMA na si Dennis Padilla | Claudia & Basti Lorenzo Wedding MANILA, Philippines –…
Nakakaiyak! Olivia Rodrigo Naiyak On Stage Habang Inaalala ang Kanyang Pinoy Roots!
Filipino-American singer Olivia Rodrigo shared an emotional moment from her GUTS tour, which took place during her performance of “Enough for You”…
WATCH: Naiyak si Olivia Rodrigo Pagkatapos ng PH Concert – Fans Naiwan sa Sh0ck ng Emosyonal na Video!
Olivia Rodrigo couldn’t help but shed some tears after her concert at the Philippine Arena in October. An emotional moment…
PILITA CORRALES, Legend of Filipino Music, Passes Away at 85 – Sh0cking Cause of Death REVEALED!!
Isang malungkot na balita ang sumalubong sa mga tagahanga at tagasubaybay nang pumanaw si Pilita Corrales sa edad na 85. Ang kanyang…
LUCY TORRES BREAKS DOWN IN TEARS! SH0CKING SECRET REVEALED on Richard Gomez’s 50th Birthday – YOU WON’T BELIEVE THE TRUTH! (WATCH THE VIDEO!)
Umiiyak si LUCY TORRES! SOBRANG SHOCKING REVEAL! ANG PAGKAKATAO ni Richard Gomez❤️Ika-50 Kaarawan ni Lucy Torres Gomez, TINGNAN NATIN ANG…
End of content
No more pages to load