Isang herbal tablet para sa diabetes ang na-develop ng team of researchers, sa pangunguna ni College of Pharmacy Associate Professor Bienvenido Balotro, mula sa University of the Philippines.

Iniulat ang magandang balita sa official Facebook account ng University of The Philippines Manila nitong March 25, 2025.

Pero nauna nang binanggit ito ni Assistant Professor Raymond Fernando Yu sa ginanap na 2nd Pharma and Healthcare Expo noong February 26.

UP Assistant Professor Raymond Fernando Yu explaining about the herbal antidiabetic tablet

DIABETES IS ONE OF THE LEADING KILLER DISEASES IN THE PHILIPPINES

Ang diabetes ay isa sa top health problems sa Pilipinas.

Ito ang ikaapat na sanhi ng kamatayan, at nakakaapekto sa tinatayang 4.4 milyong Pilipino.

Ang bilang na ito ay inaasahang tataas pa sa walong milyon pagsapit ng 2045.

Iniuugnay ang diabetes sa lifestyle at diet ng mga Pilipino kahit pa mahirap ang buhay sa Pilipinas.

Nagreresulta ito sa malalang kumplikasyon, gaya ng kidney failure, heart disease, at nerve damage.

WHAT YOU SHOULD KNOW ABOUT Tuklas Lunas herbal anti-diabetic tablet

Ang naging layunin ng research team ay makapag-provide ng locally sourced, cost-effective alternative sa mamahaling synthetic medications.

Ayon kay Asst. Prof. Yu: “This country is blessed with so many natural resources, some of which are underexplored.

“We have a sleeping gold mine in these natural resources—including the less-heard and the untapped—which we can harness for their phytomedicines with medicinal properties.

“If we formulate these products into familiar dosage forms, such as tablets, we add more value to these earlier products and make them accessible to the general public.”

 

Ang Tuklas Lunas herbal anti-diabetic tablet ay sinasabing nagpapababa sa α-glucosidase enzyme, na may mahalagang papel para ma-break down ang carbohydrates at maging glucose.

Sa pamamagitan ng pagpapabagal sa prosesong ito, mare-regulate ang blood sugar levels.

Paliwanag pa ni Asst. Prof. Yu sa ginanap na expo: “Our results show that these extracts, at 100 parts per million, can inhibit the activity of the α-glucosidase enzyme by 50 percent.

“This means our product can block the breakdown of sugars, preventing spikes in blood sugar levels.”

Photo of UP Assistant Professor Raymond Fernando Yu

Ang paliwanag ni Dr. Raymond Fernando Yu tungkol sa Tuklas Lunas herbal anti-diabetic tablet. Photo: UP Manila Facebook

Dagdag pa niya, “Our product is more accessible, just as effective, but not as expensive—and may be taken alongside regular medication.”

Tinukoy ng research team ang mga mahahalagang plant-based compounds na ginamit para magkaroon ng blood sugar-lowering effects ang Tuklas Lunas herbal anti-diabetic tablet:

cardiac glycosides
saponins
flavonoids
alkaloids
tannins

Ang mga phytochemicals na ito na ini-extract mula sa iba’t ibang Philippine medicinal plants ay matagal nang pinag-aaralan para sa kanilang potential role sa pagma-manage ng metabolic disorders.

INTELLECTUAL PROPERTY AND MARKET POTENTIAL OF HERBAL ANTI-DIABETIC TABLET

Nakapag-secure na ang research team ng utility model mula sa Intellectual Property Office of the Philippines noong 2022 para sa Tuklas Lunas herbal anti-diabetic tablet.

Ibig sabihin ay protektado na ang original formulation nito.

Sa kasalukuyan, lumalaki ang demand para sa natural and plant-based medicine sa bansa.

Hawak ng herbal products ang 12 percent ng Philippine pharmaceutical market—na tinatayang may value na US$18.2 million o PHP1,030,212,000.

 

Ani Asst. Prof. Yu: “The Philippines is incredibly rich in medicinal plants, and we have only scratched the surface of their potential.

“With the right support, we can bring this product to market and provide an affordable, effective solution for millions of Filipinos battling diabetes.”

Kabilang sa mga research team sina Dr. Bienvenido Balotro, Dr. Raymond Fernando Yu, Razile Kay Quibin, Jowela Alvarado, Rua Marie Balanay, Joyce Katherine Cotas, Dr. Evangeline Amor, Dr. Sonia Jacinto, Dr. Elena Catap, John Perry Morales, Charmaine Peredas, Anna Isabel Navarro, Dr. Patrick Fernandez, Lareno Villones Jr., Jennylyn Yerro, Dr. Teodora Balangcod, Freda Wong at Kryssa Balangcod.

Industry partners naman sina Philip Reginald Alto, Arlyn Sanchez, Precious Caree Regunton, at Mark Gabriel De Los Santos mula sa Pascual Laboratories; pati rin sina Paul Felipe Cruz, Emyflor Guarino, Herian Ibañez at Noriel Seduco ng Herbanext Laboratories.